May Mga Taong Ayaw Pa Rin Sa Akin

68 3 0
                                    

May na-post ako noon sa Facebook. Alam ko naka "public" sya pero hindi naman ibig sabihin noon ay dapat nang magcomment ang ilang mga tao.

May na-post lang naman ako kung saan sinabi ko na may mga bureaucratic na pamamaraan para masabi natin sa gobyerno ang mga hinanakit natin. Hindi naman kailangan laging idaan sa rally o protesta.

Ginawa ko yun kasi may hinihingi ang university namin sa gobyerno. Hindi ko lang naman maisip na makukuha namin yung hinihingi namin kung kami ay gagawa o magsasabi ng mga masasakit laban sa mga pipirma ng aming request. Hindi ko naman sinabi na bawal nang mag-rally.

In fact, may jurisprudence na nagsasabi na protesting o revolution is a natural right. It's part of a natural process kapag ang gobyerno ay super-dysfunctional na. May mga political theories dyan. Sa high school pa lang, alam ko, tinuturo na yon. Natural lang naman na magkadysfunction ang government kapag ang political demands ng tao ay sobrang higit na sa kayang i-supply ng gobyerno at mga tauhan nito.

Pero ang point ko lang naman ay kahit pa ayaw natin sa gobyerno natin, at habang wala pa namang rebolusyon, tayo ay may kailangan. Meron tayong ipinapasok na political demand sa gobyerno. Alam natin na mga tao lang din naman yung nandyan. May mga ibang nagrarally o nagpoprotesta, at hinayaan ko lang naman sila. Pero ang gusto ko may gagawin ako na bureaucratic at maipakita naman sa gobyerno na meron pa rin na dinadaan ang request ng may diplomasya. Kung hindi nila kayang sikmurain ang diplomasya, eh di gagawin ko.

Kaso nagcomment at nagreact na sila sa post ko. Mga student leaders pa naman. Ginawa ko yung post na yun para mapansin ng mga ilang bloggers at politiko na kaalyado ni President Duterte. May mga kakilala kasi ako sa kanila. Akala kasi noong iba na kaming lahat na nag-aaral sa university namin ay galit at kaaway ang gobyerno. Ipinapakita ko lang naman na meron din sa amin na, kahit upset na rin sa mga nangyayari, ay willing makipagusap at magrequest ng maayos.

Kaso sinira din nila yung diskarte. Hindi ko nga sila friends sa facebook pero ayun na, nag-comment at nag-react sila. May mga tao dito na kakilala ko naman. Libre naman magreact pero sana nag-message muna kung anong ibig kong sabihin at anong ginagawa ko.

Kaya ako na ang nag-message sa kanila. Yung mga student leaders, maliban sa isa, hindi naman nagreply pero nakita ko nabasa nila. Yung iba, iniirapan ako, pinaguusapan, at pinagtatawanan ako. Alam ko kasi sabi sa akin ng ilang mga seniors ko sa law school eh ayaw daw sa akin noong ilang mga kaklase nila, lalo na yung mga officers ng student council at student organizations.

Ayaw ko sanang paniwalaan ito dahil mukha naman silang mababait. Pero dahil narinig ko rin sa isang schoolmate na may pinakalat silang fake news laban sa akin, sinabi raw sa section nila. Sinabi na di ko raw lalabanan ang tuition fee increase, eh kung may ganon naman eh sila naman sa council ang may trabahong gawin yun, at saka iba pa. Kaya napagisip-isip ko na baka nga ayaw nila sa akin.

Ang weird lang na ayaw nila yung attitude ng gobyerno. Tama naman. Ayaw ko din naman sa attitude at mga bagay na ginagawa ng marami sa ating pamahalaan. Pero, sana isipin din muna noong mga student leaders na ito ang attitude nila sa kapwa nila estudyante. Pwede naman na ayusin ito eh. Pareparehas lang naman kami na may gustong maganda na mangyari sa lipunan. Pareparehas lang kami na may hinanakit at mga hinihiling sa gobyerno. Iba lang ang pamamaraan namin.

Sana we could still be friends.

Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May PandemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon