Ever since na may binagsak ako na subject noong first sem, nag-iba na tingin ko sa sarili. Tapos kapag kinukwento ko ito sa iba, tinitignan ko reaction nila kung magbabago na rin ba ang tingin nila sa akin.
Ang masakit na part sa pagbagsak ko, at ganun din sa ibang mga classmates ko, ay yung kapag hawak namin ang mga exam papers namin eh nakikita namin na pasado kami. Naalala namin yung mga case digests at iba pang pinagawa ng professor namin. Naalala namin yung mga recitation na ginawa namin. Kaso yung case digests and yung mga recitation, hindi na nya nirecord. Yung seatwork na sabi nya na hwag daw namin masyadong isipin, yun ang biglang naisipan nya nag awing 30% ng overall grade namin.
Kaya ang sakit na masabihan na kami ang nagkulang. Hindi ko tuloy sure kung kasalanan ba namin na bumagsak kami o yung professor lang ang biglang nakaisip ng scheme para marami sa amin ang bumagsak. Ang ginamit pa nyang word eh para daw "ma-inspire" o "ma-motivate" kami na mag-aral kaya daw nya ginawa yon. Saka, ang utos na gawin yung ganon ay galing daw sa itaas.
Dahil dito, may mga pagkakataon na umuuwi ako na feeling ko ang galing ng iba kong kaklase pero ako ay bobo. Minsan ay gusto ko lang naman na magbigay ng tamang payo sa aking kaibigan, tungkol sa buhay at hindi naman sa batas, kaso ang sinagot nya sa akin: "Eh ikipinasa mo ba yan? Bumagsak ka nga sa isang subject eh."
Yung parang ang opinion mo ay biglang hindi na mahalaga.
May isa akong kakilala na mayaman at sikat. Madalas ako nitong ipinagmamalaki sa mga friends nya. Sinasabi nya na matalino ako at magaling. Pero noong sinubukan ko na mag-open up sa kanya tungkol sa naging grade ko, biglang sabi nya hwag ko raw syang tawagin sa first name nya. Hindi raw kasi kami on the same level. It's part of Filipino culture na respetuhin ko raw sya. Ang sakit.
Dati, may isa akong professor na ipinagmamalaki ako sa loob ng classroom. Pero pagkatapos ng semester, minsan ay may masasakit na syang nasasabi sa akin. Ako ang sinisisi nya kapag wala syang ibang masisi. Kahit yung di ko na ginawa ay sinasabi nya na mga tulad ko raw ang gumagawa noon kaya raw kami ay napapahamak. Nagagalit sya kasi di ako magaling mag-memorize. Noong isang event, pinagperform ako ng mga classmates ko sa harap ng iba't ibang sections. Pagkatpos noon, kinuha nitong professor yung microphone at sinabi na bakit daw mas matagal pa yung performance ko kaysa sa recitation. Ako lang ang nakaranas ng ganon sa event na yon.
May mga classmates ako na dati ay nagtatanong sa akin. Pero ngayon ay hindi na. May mga magrerequest na samahan ko raw sila sa pagrereview pero kapag nalaman nila na hindi ako magaling mag-memorize ay bigla akong iiwan.
Pero kapag nagreresearch naman kami at gumagawa ng paper, sinasabi ng marami na matindi daw yung research paper na ginawa ko. Minsan, ang professor lang ang nakaintindi at hindi yung mga classmates ko.
May isang pagkakataon ay nalito pa sila sa pinagkaiba ng "proof beyond reasonable doubt" at saka "probable cause" pagdating sa arrest and judgement ng isang akusado. Tapos, akala ng mga classmates ko ang "police power" ay nasa Philippine National Police o kaya sa Armed Forces of the Philippines. Gusto ko man sabihin na ang "police power" po ay, mas madalas, ay legislative function pero hindi pa sila ready na paniwalaan ako kasi nga hindi mataas ang grades ko. May bagsak pa.
Sa law school, usual na lalaitin ka ng professor mo sa klase pero pupurihin ka nya kapag iba ang kausap nya. For example, may mga classmates ako na feeling nila babagsak sila sa isang subject dahil walang makaabot sa grade na 75 pagdating sa exams. Ilang beses silang napapahiya sa loob ng klase na yun. Hindi man lang nila maaalala na na-appreciate sila ng professor nila. Kaya nang meron silang nakausap na higher year na nagsasabi na inaappreciate daw sila ng professor na yun, ayaw nilang maniwala kasi nga feeling nila ay bobo rin sila.
Masakit. Medyo masakit.
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Krótkie OpowiadaniaKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...
