Ang Kalikasan At Ang Pandemic

38 1 0
                                        

"Monkeys steal coronavirus blood samples in India."

Yan ang isa sa mga balitang nabasa ko bago ko sinimulang isulat ang part na ito. Nangyari ito sa India. Ewan ko kung paano nakarating ang mga unggoy doon at nakapagnakaw. Sana yung mga unggoy na nagnanakaw ay nakukulong.

Anyway, may mga hayop na nagkakaroon ng coronavirus. Kaya nga may nagsasabi na may mga paniki na kasama sa cause ng transmission nito sa mga tao.

Ito ang dahilan kung bakit ang wastong pagsunod sa mga batas ng NIPAS, Wildlife Protection and Conservation Act, at Fisheries Code ay matutulungan tayo na makaiwas sa pandemic tulad ng COVID-19. Ang mga batas na ito ay naghahangad na ingatan ang mga protektadong lugar at species na covered ng mga batas na ito. Makaktulong na i-encourage ang mga animals na ito na manatili sa kanilang mga lugar kung hindi natin sinisira ang kanilang natural habitat. Kung hindi sila pupunta sa atin o hindi natin sila pupuntahan, mas konti na ang possibility na magkahawaan tayo.

Meron din na mga ibang environmental laws na dapat sundin para naman mabawasan ang masamang epekto sa atin ng pandemic. Meron tayong Clean Air Act saka Clean Water Act. May mga sakit na naidudulot ng maduming hangin at tubig. Pwede itong maging dahilan para maging immunocompromised ang mga tao. Ang mga immunocomprised ay kabilang sa mga pwedeng madaling madapuan ng COVID-19 at iba pang mga sakit dahil sa weak immune system na meron na sila dulot ng mga sakit na nakuha nila mula sa hangin at tubig.

Pagdating naman sa pagmimina, kailangan ma-implement ng maigi ang mga batas dito dahil nakakasira ng kabuhayan at nakaka-pollute ng kalikasan ang pagmimina. May mga taong umaasa sa kagubatan at sa iba pang mga natural resources para sa kanilang livelihood. Meron din namang mga apektado ang health nila dahil sa mga karumihan na dulot ng mga mining activities. Hindi naman natin mailalagay sa schedule kung kailan darating ang pandemic. Kaya dapat may sapat na natural resources para magkaroon ng kabuhayan ang ilang mga kababayan natin mula dito at hindi sila maging immunocompromised dahil sa mining activities.

Hindi rin dapat inaagaw ang mga lupain ng katutubo at iba pang mga magsasaka, lalo na dahil kapag sila ay walang tirahan o lugar kung saan sila mabubuhay, there is a chance na mahawaan sila ng COVID-19 o iba pang virus. If mangyayari yon at sila ay magiging palakad-lakad sa lansangan, there is also a chance na mahawaan nila tayo.

Ayaw natin mangyari yon. Kaso, ang dami nang mga violations na ginagawa ng private citizen, private companies, at mismo ng public sector pagdating sa environment.

Kaya nang dumating ang COVID-19 sa Pilipinas, maaaring may factor dito ang hindi natin pagsunod o kaya naman sa hindi sa maayos na pag-implement ng ating environmental laws.

Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May PandemicMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon