First time kong maranasan yung ma-involve sa ganoong controversy. Ilang beses na naman akong tumulong or nag-attempt na tumulong pero di pa naman umabot sa ilang opisna na ng gobyerno ang nakikialam sa issue. Tapos, first time din na hindi lang sa hindi naibigay sa akin ang pinangakong suporta, eh iniwan pa ako ng mga taong inasahan ko.
Kaya pakiramdam ko yung special powers ko bilang demigod ay hindi gumagana ng maayos.
Pero isa lang pala yun sa mga panahon na may mangyayari na di ko inaasahan.
May isa kaming professor na dedicated. Galing pa sya sa malayong probinsya. Kaya nga every weekend lang sya nagtuturo sa law school. Binibisita nya yung anak nya dito sa Metro Manila.
Sinabihan daw sila ng Dean namin na mas maging strict dahil concerned ang university sa passing rate namin sa law school. Hindi pwedeng bumaba. May mga tinitignan ang posibilidad na ipasara kami. Kaya kailangan naming pataasin ang passing rate. Kailangan namin ng mga academic milestones to convince ang mga kinauukulan na hwag kaming ipasara at sana ibigay yung nirerequest namin na budget.
Kahit nga si Salvador Panelo, noong binisita nya ang university namin, nakita nya yung restroom namin. Naawa sya sa amin. Naranasan din yata nya na mawalan ng tubig habang nasa banyo.
Kaya kailangan naming pataasin ang passing rate. Kailangan namin ng milestone.
Dahil dito, pinagkabisado kami ng professor namin ng Articles 1 to 51 ng Civil Code. Next meeting daw ay isusulat namin ito in verbatim. Tapos, yung mga articles, hindi raw in order. Alam kong di ako magaling sa memorization kaya ang inuna kong kabisaduhin ay yung mga maiikli. Kaya laktaw-laktaw ang kinabisado ko.
Nalaman namin noong oras nang isulat na Articles 1 to 18 muna pala ang ipapasulat nya. Sayang lang. Akala namin hanggang Article 51. May mga iba pa akong kinabisado sa ibang maiikling articles. Doon man lang makabawi.
Ginawa nya ito sa mga susunod na meetings. Sabi nya hwag daw kaming mabahala dahil ginagawa lang daw nya ito in compliance sa utos sa kanila na magpaverbatim. Hindi daw ito malaking percent ng grades namin. Ang grading system daw sa law school ay 30% recitation, 35% midterm exam, and 35% final exam. Kung may naiba dyan ay nasa 5% to 10% lang ang difference. So, doon kami sa recitation and exams babawi, hindi dito sa seatwork na verbatim.
Pero biglang noong final period, sabi ng professor namin na hindi na raw nya irerecord yung mga recitation, case digests, at iba pang mga ginawa namin. Exams na lang daw pati seatwork na 30% ng grade namin. May binanggit sya kung sinong nag-utos na dapat daw i-challenge at i-inspire kami sa pag-aaral at dapat daw strict sya. Kaya ito ang naisip nyang paraan.
Sayang yung ibang activities. Kahit pa makaperfect score ako sa midterm exam and recitation hindi pa rin ako papasa kasi 70% lang ng grade yun. Kulang para maka-75%. Ginawa kasi ng professor namin na 30% yung seatwork na maraming bumagsak at di na nya nirecord yung ibang grades namin na pasado kami. Nasa 80% ang average ng exams ko. Pasado sa exams. Pero bumagsak pa rin dahil sa ginawa ng professor namin.
Sinubukan kong ilaban. Kaso, nabasa ko na nasa Constitution ang academic freedom ng school. Sabi ng isang university administrator, bahala daw ang professor namin sa computation nya ng grade. Part ito ng academic freedom nya na secured ng Constitution.
Ang ruling ng Supreme Court sa kaso ng Miriam College Foundation, Inc. vs. Court of Appeals 348 SCRA 265, December 15, 2000, ang constitutional guarantee for academic freedom daw ay kasama ito: "This encompasses the freedom of educational institutions to determine for itself on academic grounds: (1) who may teach, (2) what may be taught, (3) how it shall be taught, and (4) who may be admitted to study. The right of the school to discipline its students is apparent in the third freedom."
Kaya wala kaming laban. First time kong bumagsak sa isang subject at dahil pa ito sa biglang pagbago ng isip ng professor namin kung paano nya icocompute ang grades namin. Kapag walang policy o batas na nagsasabi na bawal yung ginawa nya, ibig sabihin ay may academic freedom syang gawin sa amin yun.
Demigod pa ba ko? Parang hindi na.
Although sinabi ko sa sarili ko na kapag may binagsak ako sa law school ay titigil na ako, parang may nararamdaman pa akong dahilan para magpatuloy.
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Short StoryKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...
