Where Do Broken Hearts Go?

35 2 0
                                    

Ito yung point na muntikan na akong umalis sa law school. Hindi pala ako magigiba ng mga nangbubully na student leaders, ng pagbagsak sa isang subject, o kaya naman ng pagkadismaya sa mga taong iniwan ako kahit nangako silang ako ay susuportahan.

Dahil umingay ulit ang aking mundo, ang dami kong naiisip na pwedeng gawin para makahanap ng katahimikan.

Ang una kong ginawa that week nang ako ay ma-busted, nag-apply ako sa Corps of Professors ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Naalala ko na gusto kong maging military professor dati. Nag-apply na rin ako a few years ago pero sinabihan ako na bumalik na lang daw ako after 5 years kapag nasa tamang edad na ako.

Pinuntahan ko pa yung isang military officer na kakilala ko. Naka-assign sya sa Batangas. Nagpunta ako sa military camp nya para mag-inquire if madali lang ba akong makaka move on kapag nasa military ako. Sinabi naman nya na mas madali nga raw dahil maraming ginagawa. Tapos, maayos at malinis yung natural environment kung nasaan sya.

Maraming mga puno. Malawak yung lugar. Maraming spaces. Disiplinado ang mga tao. Maayos din silang mga kausap. Kaya mukhang tahimik nga doon at malayo sa Metro Manila, kaya naisipan ko talaga na mag-apply.

Nagpunta ako sa Camp Aguinaldo para mag-apply. Nakausap ko yung isang colonel doon. I think chinecheck nya kung seryoso ba talaga ako na nag-aapply. Ang iniiwasan kong tanungin nya ay kung bakit ako sigurado na gusto kong maglingkod sa bahay sa pamamagitan ng pagpasok sa military.

Kaya bago sya dumating ay binasa ko ang mission, vision, and values statement ng AFP. Ayun ang isasagot ko. Pero buti di na rin nya tinanong yun. Kasi, during that time, si Mystique lang talaga iniisip ko. Ang weird din na papasok ako sa isang seryosong bagay tulad ng pagiging sundalo pero ang dahilan ko lang ay gusto kong mag move on.

Denied yung application ko kasi di pa raw sila nangangailangan ng dagdag na military professor.

Ibig sabihin nito, sa law school muna talaga ako.

Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May PandemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon