Sampung buwan na pakiramdam ko ay ako ay talunan.
Dati, alam ko marami akong "special powers" kaya marami akong nagagawa at natatapos sa buhay. Kaya nga maingay ang mundo ko. Masyadong maraming tao. Kahit na gusto kong lumayo para magpahinga, marami pa rin na tumatawag at humahatak. It took effort to keep saying "no" regardless of their offer or mutual interest na meron kami sa isang activity.
Pero marami akong naranasan sa first year ko sa law school na nagparamdam sa akin na parang walang silbi na ang "special powers" ko. Marami sa mga naranasan ko ay hindi maganda. Dagdag pa nito ang naging pressure and uncertainty namin ngayong nagkaroon ng pandemic. Gusto ko lang naman sana ng mapayapa na buhay.
Iniisip ko rin kung anong magiging future ko mula sa pandemic na ito. Makakapag-aral pa ba ko? Makakapagtrabaho ba ulit? Saan kukuha ng pera? Ayan. Hindi lang mundo ang umiingay, pati na rin ang kaisipan ko. Ang daming mga tanong. Ang daming kahilingan, at isa na doon ay yung sana hindi ako parang bobo.
Kaya naman nang makita ko ang unang dalawang grades na naka-post sa online account ko sa law school, tuwang-tuwa ako.
So far, pasado na ako sa dalawang subjects. Isa doon ay flat 1.00 ang grade ko.
"YES! Hindi ako bobo!" ang sigaw kong paulit-ulit sa aming bahay habang ako ay niyayakap ng aking mga magulang. "Halos isang taon na feeling ko ang bobo ko."
Bumalik na ba ang aking special powers? Demigod na ba ulit ako?
Hindi ko masasagot ang mga tanong na iyan sa ngayon. Pero ang naiisip ko lang ay ang laking pasasalamat ko sa mga taong nagbigay ng panahon para tulungan ako maiayos ang buhay ko habang ang pakiramdam ko ay wasak ang aking self-esteem, pati na rin sa hindi ko pagkilala at pagtanggap sa aking sarili.
Hindi ko rin masasabi na ako ay ayos na. Ang problema ko sa buhay ay nagsimula bago pa dumating ang COVID-19 sa Pilipinas.
In fact, gusto ko ngang mag-sorry sa mundo. Marami akong naging problema since last year pero ang pinakahuli na nag-trigger sa akin ng big time ay January 5, 2020. After noon, saka lang nangyari yung sa Taal pati na rin sa mga hindi nating gustong nangyari sa mundo simula noong January hanggang ngayon. Kasama na doon itong coronavirus. Parang feeling ko naapektuhan ang mundo dahil sa nangyayari sa personal buhay ko. Is this a sign na demigod pa rin ako?
Pero, ayun nga. May mga problema na ako bago pa itong coronavirus. Hindi naman ako sumuko noon. Kaya nga noong dumating itong pandemic eh parang continuation lang sya ng mga burdens ko simula last year. Maaaring may ganun din sa inyo.
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Short StoryKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...