Madalas, hindi nakakatulong na may strong political convictions ka habang nasa law school. Mas lalong hindi nakakatulong if tao, at hindi batas, ang sinusuportahan mo.
Feeling ko mas madaling pag-aralan ang batas kapag apolitical ang isang tao. Kapag patas lang ang tingin nya sa mga nangyayari at i-a-apply lang nya ang batas sa sitwasyon regardless kung anong sikat na political view.
Kaya ang wish mo na lang ay sana lahat ng government leaders natin ay may alam at malaking respeto sa mga batas. Kasi ang hirap nilang i-defend kapag napaka-wrong ng sinasabi nila.
Nasanay kasi tayo sa mga schools na tinatanong tayo on what is our opinion, tapos kapag mukhang tama naman ang sagot eh pwede ka nang pumasa. Hindi ganon sa law school. Maliban sa batas, kailangan may official na decision ang Supreme Court to interpret the law. Hindi ang presidente o mga kaalyado nya ang dapat magiinterpret ng batas. Syempre, hindi rin oposiyson ang magiinterpret ng batas. Kailangan dito ang careful competency ng Supreme Court. Any strong opinion about the law must be based by the clear language of the law, properly interpreted by official jurisprudence.
Ako inaamin ko may mga strong political views ako. Pero I've been trying to tame them.
Sa totoo lang, binoto ko si Duterte noong 2016. Tumulong ako sa campaign nya noon. Nakatulong din ako sa campaign ng mga kaalyado nya noong 2019.
Hindi ako magaaklas sa gobyerno as of now, at hindi rin ako magtatawag ng rebolusyon, pero nasa stage ako na very dismayed.
Ako ay may respeto naman sa presidente. Kahit noong panahon na si Noynoy ang presidente at ayaw ko sa kanya, hindi naman ako yung regular na nangbabatikos. Napasama ako sa ilang mga protest rallies, pero mga panahon yon na brokenhearted ako. Naghahanap lang ako ng mga events na pwede sumigaw. Sa mga concerts, pwede naman sumigaw doon kaso ang daming tao na naglalandian. Sa protest rally, maaaring meron din naman kaso mas konti yung ganun. Makakaiwas ka sa landian ng ibang tao.
Pero gets ko yung dapat suportahan ang presidente. Gets ko yung kailangan ng social order. Kaya ayaw ko yung sinisira ang mga matagal nang mga institutions. Hindi rin ako basta-basta sisira ng tradition. Kahit ang kultura ay hindi basta-basta binabago.
Ang nakakabahala lang ay kung ang mga institution na tinatag para magkaroon tayo ng maayos na social order ay ang mga tao pa na nandito ang mismong gagawa ng dahilan para magalit ang taong bayan at mag-aklas at mag-rebelde, iyon ang isang bagay na kahit ayaw kong mangyari o suportahan ay baka hindi mapigilan dahil natural na magkaroon ng political movements kapag may mga hinanakit ang mga tao sa gobyerno.
Hindi rin kasi pwedeng i-asa lahat ng pagsupil ng rebelyon o rebolusyon sa pulis o militar dahil, sa political history ng iba't ibang bansa at kasama na ang Pilipinas doon, makikita natin na may mga pulis o militar na sumusuporta sa pagreporma o pagbago ng gobyerno kapag na-realize nila na sa batas at hindi sa politiko dapat na binibigay ay loyalty nila. May natural law and natural process ang political order.
Pero kahit ayaw ko yung mga naging presidente dati, may mga pagkakataon na sumuporta ako sa mga programa nila. Nag-volunteer pa ako. Naging kakilala ko pa nga ilan sa mga kaalyado o malalapit sa kanila.
Pero sana maramdaman ko na Pilipinas ang mahal ng aking presidente. Yung tipong hindi mo kailangang magbasa ng sinasabi ng troll para lang maramdaman mo na mahal ka ng presidente mo, na mahal nya ang bayan mo.
Actually, wala ako masyadong comment sa mga speeches ni Duterte ngayong quarantine. Mahahaba lang sila. Pero gets ko naman yung mga ad lib nya. Pero I prefer na lang reading the news the next day for the summary para may sure notes ako na mababalikan.
Kaso ang talagang di ko lang nagustuhan eh yung speech nya to address the whole nation pero isiningit pa nya yung pagpapasalamat sa Chinese government. Yun ang pinaka hindi ko talaga nagustuhan.
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Short StoryKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...
