Ako ay may mga health issues din. Sa ngayon, hindi ako kasing lakas o healthy tulad ng kung sino man ako 5 years ago.
Dati, sanay ako na magbuhat ng mga mabibigat. Kahit apat pa na mga bags ang dala ko ay kaya kong dalhin. Kaya ko silang bitbitin sa malalayong distansya habang naglalakad. Kaya ko silang bitbitin sa mga matataas gusali na walang elevator. Kaya kong tumakbo habang dala-dala ko ang mga yun. Parang pang regular na kargador lang ang aking lakas dati. Araw-araw, ang dami kong dinadala dahil gusto kong makapagaral at kumita ng pera.
Pero iba na ngayon. Kailangan kong magpahinga.
Kaya na-a-appreciate ko ang tulong ng aking mga magulang. Na-realize ko na namimiss ko na madalas silang makasama.
Nagpapasalamat nga ako dahil matagal na akong hindi nakakakain ng 4 na piraso ng hinog na mangga. Madalas kasing may takal sa bahay. Madalas may equal division dapat ang aming mga pagkain. Pero dahil sa isang gabi ay ayaw nilang kainin ang mga mangga na ito, sa akin na lang nila pinaubos.
Nang minsan ay sumakit ang mga kamay ko, ang aking tatay ang nagbandage nito.
Marami sa mga kinakain kong gulay ngayon ay galing sa mga tanim ng aking nanay.
Nang ako ay tumawa ng malakas dahil sa pinapanood sa TV, sabi ng aking mga magulang ay natutuwa sila kasi matagal na akong hindi nakakatawa ng ganoon kalakas.
Nakakapagod din kasi ang mga ginawa ko noon, lalo na noong working student pa ako. Kaya nag-ipon ako ng maigi para sana may pahinga ako habang nag-aaral sa law school.
BINABASA MO ANG
Bakit Tuloy Pa Rin Sa Law School Kahit May Pandemic
Kısa HikayeKwento ng experiences ng freshman law student. Kasama dito ang mga failures nya, pati na rin ang pagka-busted nya muli sa pag-ibig. Muntikan na rin syang umalis pero dahil sa mga observations nya noong nagkaroon ng mga quarantines dahil sa COVID-19...
