#I18
"Ano ba Helene dalian mo!" Sigaw ni Zei. Ang bagal-bagal kasing kumilos ni Helene kaya hindi pa kami nakakabyahe.
Napagkasunduan namin na 7 pa lang ay aalis na kami pero alas otso na at kararating lang ni Helene. Mabagal pa itong kumilos dahil maleta mismo ang dala niya. Jusko tatlong araw lang ang usapan pero pang isang linggo yata ang dala niya.
I don't know kung kaninong SUV itong sasakyan namin. Probably sa 'friend' daw ni Zei. Nakakahiya dahil kanina pa naghihintay ang driver.
Zei is wearing a tank top and maong shorts, Helene is wearing a tube and a small skirt while me simply a blouse and a shorts.
Noong mag-umpisa nang magbyahe ay sinuot ko ang aking sunglass at pumikit. I haven't enough sleep last night because I have to finish Chapter 4. Mabuti na lang talaga at natapos ko kundi sa Batangas ko dadalhin ang research ko.
Halos dalawang oras ang byahe dahil medyo traffic na rin sa daan. Nagising lang ako ng maramdamang huminto ang sasakyan at dahil na rin sa ingay ng dalawa.
"OMG we're here!" Sigaw ni Zei.
"Balibera gising na dali!" Tinapik pa ako ni Helene para masigurong magising ako.
Kinuha ko na ang backpack ko at lumabas ng sasakyat. Tumambad sa akin ang malakas na ihip ng hangin. Napatingin ako sa entrance gate.
'Paraiso de Clemente'
Yun ang pangalan ng resort. Clemente? Parang familiar.
Pumasok na kami sa loob. Nahihirapan pa si Helene sa pagdala ng kaniyang trolley dahil medyo mabato ang daan, ganun din si Zei. Tss hindi ko napansing maleta din pala ang dala nung isa.
Inayos ko ang buhok ko dahil nagulo kanina sa byahe habang kinakausap ni Zei ang receptionist. Napatingin ako sa parte kung saan makikita ang dagat at ganun na lamang ang gulat ko nang mag grand entrance ang tatlong kalalakihang hindi ko inaasahang makikita ko dito.
What the fuck?!
Parang nagslowmo ang kapaligiran habang papalapit sila sa amin. They are all wearing polo shirts, half open because the top part are unbuttoned, board shorts and a pair of flip flops. Si Macrayne at Dylan ay nakasuot ng salamin habang hawak naman ni Vlad ang sa kaniya. He stared at me intently and didn't look away hanggang sa makarating sila sa harapan namin.
"Hi girls." nakangiting bati ni Rayne.
"Hi." sabay namang bati pabalik ni Zei at Helene.
"How's the trip?" Tanong naman ni Dylan.
"So far so good." Sabat din ni Helene ng hindi tumitingin kay Dylan.
"So tara?" Sabi ni Macrayne sa amin bago bumaling sa receptionist. "Ako na ang bahala sa kanila."
I knew it! Clemente is so familiar. It's fucking Macrayne Clemente's property.
"Wait." sabi ko nang mag-umpisa silang maglakad.
Nakataas ang kilay kong tiningnan si Zei at Helene.
"So ako lang pala ang walang alam?"
"Hehe wag ka nang magalit Jane, ok lang naman diba?" Sabi sa akin ni Helene.
"It's my plan Balibera baka kasi hindi ka pumayag e. Sorry na." nilapitan ako ng dalawa at hinarap sa akin ang nagsusumamo nilang mga mukha.
"Ok, it's not as if may magagawa pa ako." Tss
Inalalayan ni Rayne si Zei at ganun din si Dylan kay Helene kahit na tumanggi siya. Hindi pa rin pala sila nagkakaayos. Nauna na silang naglakad kaya naiwan kami Vlad sa likuran.
"Hey." He approached me.
"Kaya pala alam mong may pupuntahan ako. Tss"
"Yeah sort of." Nakangisi nitong saad.
"And you didn't bother to tell me." nilibot ko ang aking paningin, medyo marami-rami rin ang mga tao sa paligid. Pagkalabas ng reception hall ay nakahilera ang mga cottages sa tabing dagat at sa likod naman nito sa di kalayuan ay ang mga kwarto.
"They told me not to."
I shrugged. "Whatever."
Binilisan ko na ang paglalakad dahil nahuhuli na talaga kami. Huminto kami sa isang kwarto. Napagpasyahan naming iisang kwarto lang ang aming gamitin para makapagbonding din kami. Ayoko rin namang mag-isa dahil alam kong boring yun. Titiisin ko na lamang ang kakulitan ng dalawa.
"Waahh OMG magbihis na tayo ng swimsuit dali!" Excited na sabi ni Zei habang inaayos ang kaniyang mga gamit.
"Gaga kakain muna tayo." Saway naman ni Helene. Tss excited masyado!
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto. Malaki-laki rin ito, may sariling banyo. May parang sala set din na maliit dahil may sofa at mesa tapos sa tabi nito ay ang kama. King size yung kama kaya siguradong magkakasya kaming tatlo.
Sumalampak ako sa kama. Natatamad ako.
"Hey Jane magbihis ka na dali, we're sorry about earlier."
Tss. Akala talaga nila nagtatampo ako. Well medyo lang pero kagaya ng sinabi ko kanina, wala na akong magagawa.
Pinikit ko ang aking mata. Magpapahinga muna ako kahit sandali lang. Pagkabukas ko ng aking mata ay nakaharap sa akin ang dalawa. Nakabihis na sila at mukhang hinihintay na lamang ako. They're both wearing a hanging dress while inside of it is their bikinis. I know dahil nakikita rin naman kasi.
"Mauna na kayo, susunod na lang ako." sabi ko sa kanila.
"Sa may dining hall tayo Jane ha. Makikita mo rin naman agad yun." Paalala ni Helene.
"Alam ko, hindi naman siguro ako maliligaw no."
Umalis na ang dalawa kaya nagbihis na rin ako. Kagaya nila ay hanging dress na rin ang suot ko at sa loob nito ay ang white bikini na binili ko. Tinernuhan ko na lamang ng flip flops.
Lumabas ako ng kwarto at nagpaikot-ikot. Tss akala ko ba makikita ko agad pero bakit wala? Naliligaw na nga siguro ako. Hindi ko alam na napakalawak pala ng resort na ito. Di hamak na mayayaman din naman kasi ang nagmamay-ari at saka masasabi kong maganda ang pagpapatakbo ng resort na ito dahil maraming turista.
Diretso lang ako sa aking nilalakad pero puro cottages at kwarto lang ang nakikita ko.
"You need help?" Someone asked behind my back.
Nagulat ako nang makita ang isang morenong lalaki. Mga kasing edad ko lang rin siguro.
"Sort of.... I'm looking for the dining hall." Wala rin namang masama sa paghingi ng tulong diba?
"Oh, turn left in this area. From there you'll see the swimming pool area and beside that is the dining hall." Sabi nito habang tinuturo pa ang daan na lalakarin ko.
"Thanks."
Naglakad na ako sa sinabi niya. Pero hindi pa man nakakalayo ay narinig ko siyang sumigaw.
"I'll see you around, Miss."
![](https://img.wattpad.com/cover/223668529-288-k803821.jpg)
YOU ARE READING
Irresistible
RomanceEliss believed that virginity is a lifetime gift and should only be given to your future husband but one night, she falls under Vlad's trap and loses it because he is just damn irresistible. Started: May, 2020 Ended: August, 2020