Chapter Twenty-three

1K 49 2
                                    


WARNING: MATURE CONTENT!
______________________________________

#I23

"So who's the guy from earlier?" He asked like he's investigating. Sobrang talim din ng tingin nito sa akin.

"Some guy named Ryder." I said while slicing the chicken.

"Kilala mo?" Nakataas pa rin ang kilay nito.

"We only met thrice."

"So hindi mo pa lubusang kilala. Paano kung mamamatay tao yun o rapist? Edi may masama ng nangyari sayo."

"Pero wala namang nangyari." I said casually.

Nakita kong nagtiim-baga si Vlad. "Kahit na, hindi ka dapat sumasama sa kani-kaninong lalaki-"


I caught him off. "Pero pag ikaw pwede?"

"Oo!"

Nagulat ako sa sagot niya. I pressed my lips to hide my smile. I maintained my aura look and just continue eating. Aminin na nating nagugustuhan ko na siya pero hindi ako ganun kababaw para sabihin o ipakita sa kaniya yun. I don't want to embarrass myself that much.

Natahimik ako ng sandali at pinagmasdan ang paligid. It is so romantic in here. Sobrang desirable sa mga nagdadate. Mukha rin tuloy kaming couple ni Vlad kahit na ang totoo ay hindi naman.

"You want some wine?" He asked when the waiter came with some drinks.

"Sure." Vlad poured some wine in my glass. I just gestured thanks before drinking it.

After a few drinks tumigil na ako. Medyo nahihilo na rin kasi ako. Wala sa tamang sistema ang katawan ko ngayon kaya alam kong madali lang akong malasing.


"I think we should go now, baka hinahanap na ako."

Nagtangka akong tumayo pero agad din akong hinawakan ni Vlad kaya napahinto ako.


"Stay. They won't find you I promise."

Umupo ulit ako. "Paano ka naman nakakasiguro?"


"Those two mothafuckers won't let go of them, obviously."

"Okay." Baka nga tama siya. Basta lalaki nga naman. One time iniwan nila ako sa bar noong nakahanap sila ng kalandian nila, mga bwisit. I would never forget that, I looked so dumb looking for them around.

"How about we go for a walk instead." Vlad suggested. Sumang-ayon na lamang ako sa kaniya.


Kagaya ng sinabi niya, naglakad-lakad kami sa may dalampasigan. Kinailangan ko pang hubarin ang sapatos ko para lang hindi malagyan ng buhangin. Tahimik ang buong paligid at wala ring masyadong tao. Tanging ilaw lang din na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Natutuwa akong pagmasdan ang dagat dahil nagrereflect dito ang ilaw ng buwan.

"Zei told me you're planning to transfer in US." Vlad said in an instant.

Nagtaka naman akong tumingin sa kaniya. I know chismosa si Zei pero hindi it basta-basta nagkukwento lalo na tungkol sa ganitong bagay. What did Vlad do or say to her to make her say something to him.

"Bakit?" Natanong ko na lang.

"Is it true?"

"Yes." Totoo naman kasi. Nandoon ang main building ng business namin kaya dapat lang na doon din ako.

Natahimik siya pagkatapos nun. Naglalakad na lang kami ngayon habang walang kibo sa isa't-isa. Nabahala ako, I want to have some conversation with him but I don't know what to say that's why I asked back what he said earlier.


IrresistibleWhere stories live. Discover now