Chapter Nineteen

1K 64 1
                                    

#I19

Nakarating ako sa may pool area. Mayroon silang tatlong pool, isang malaki, yung maliit lang para sa mga bata at isa ring hotspring.

Napakalawak ng lugar na ito grabe. Nakita ko na ang dining hall. Sa tabi nito ay ang iba't ibang sovenier shop at sa kabilang banda naman ay isang club? Bilib na nga ako, akalain mong kumpleto pala sa pasilidad ito. Kung titingnan sa labas ay isang maliit na resort lamang ang lugar na ito. Hindi mo aakalaing napakalawak at napakaganda talaga sa loob.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong sa akin ni Vlad na nakakunot ang noo.

Pansin kong kumpleto na sila at may mga pagkain na rin sa mesa. So ako na lang pala ang hinihintay. Sa tabing dagat kasi ako naghanap e, tss ang tanga ko talaga.

"Naligaw ako." Sabi ko bago umupo sa tabi ni Helene.

"Alright, let's eat a lot guys." masayang sabi ni Rayne.

Nagsimula na silang kumain. Mas lalo akong nakaramdam ng gutom nang mapansing karamihan sa nakahanda ay seafoods. Shit I've been craving for this.

Nagkukwentuhan sila habang kumakain. Habang ako? Busy sa pagbabalat ng hipon. Hayss bakit ba ang hirap nito? Nakailang ulit na ako pero hindi ko maalis ang balat. Napasimangot na lamang ako, ganun din kasi sa alimango.


Nasanay kasi ako na ready to eat na kapag hinahain ang mga ganitong seafoods dahil ganun naman sa mga restaurant kaya hindi talaga ako marunong. Isda na lang sana ang kakainin ko pero nagulat ako ng kinuha ni Vlad ang hipon sa pinggan ko at sinimulang balatan ito.

"Ganito kasi dapat yan." Sabi niya at tinuruan akong magbalat. Nakatitig lang ako sa kaniya. Ang galing! Napakadali lang naman pala tss. Ganun din ang ginawa niya sa alimango pero hindi ko talaga kayang buksan kaya siya na ang gumawa.

"Thanks." sabi ko sa kaniya. Hindi ko naman napansing sa amin na pala ang atensyon ng apat. Lumihis lang sila ng tingin nang mapansin ko ang mga ito.

Sarap na sarap ako sa pagkain. Grabe napakalinamnam! Mabubusog ako dito panigurado.

"Swimming tayo pagkatapos?" Tanong ni Macrayne sa amin.

"Sure, nakabihis na rin naman kami kaya diretso na tayo sa beach." Masayang sabi naman ni Zei.

"Aishh kakakain lang natin e. Ayoko busog pa ako." maarte namang sabi ni Helene.

"E ano namang problema dun?" Nakataas na ang kilay ni Dylan.

"Ah basta, yung figure ko!" Asik ni Helene.

"Ang arte mo, okay lang naman ah."

"Pwede ba, andaming boys dun kaya dapat lang na magpasexy ako."

Hindi na nakaimik si Dylan. Halatang galit ito. May nararamdaman tuloy akong kakaiba sa kanilang dalawa.

Dumiretso kami sa isang cottage habang si Helene naman ay bumalik sa kwarto para kumuha ng sunblock. Dahil medyo mainit pa at busog pa kami ay naupo na lamang kami roon. Humarap ako sa dagat dahil hindi ko kayang panoorin ang paglalandiang ginagawa ni Zei at Macrayne. Hindi ko alam kung sila na o ano. Noon akala mo magpapatayan na sa sobrang pagkagalit sa isa't isa pero ngayon daig pa nila ang mag-asawang naglalampungan. Well, I don't really care. It's her life, it's up to her if she'll tell us or not.

"Did you finish our research?" Vlad asked out of nowhere. Nakaupo na rin pala ito sa tabi ko.

"Yeah, ikaw ba?"

"Actually hindi ko pa natatapos maybe you can help me?"

"Akala ko ba kaya mo na. Nag volunteer ka pa namang dalawang chapter ang gagawin mo." Tss nagpapasikat lang siguro ang isang ito.

IrresistibleWhere stories live. Discover now