Chapter Thirty-nine

777 32 0
                                    

#I39

Papasok na ako sa paaralan nang maabutan ko si Amber sa may sala. May dala itong maleta. Hindi ko na siya tinanong pa tutal wala naman akong pakialam pero bago pa man ako makalabas ng bahay ay tinawag niya ako.


"Ain't curious at all?" Sabi nito sa akin.


"No I'm not."


"Really? Baka magsisi ka." Lumawak ang ngiti nito sa akin na para bang may pinupuntirya.



"At bakit naman? I don't care about your business okay? I have nothing to do with you, so let's leave it that way."


"Fine, as you say so."


Lumabas na ako ng bahay. I don't care about her anyways.


Nang magbreak time ay magkasama kami ni Helene papunta sa cafeteria. Wala si Zei dahil kasama niya si Macrayne. Nagdate na naman siguro ang dalawang iyon.


Nang makaupo na kami ay napansin kong tahimik si Helene at parang naiilang ito.


"Helene may problema ba?"



Bago pa man makasalita si Helene ay dumating naman si Zei na umiiyak.


"Oh my God what happened to you?" Tanong ni Helene.


Yumakap siya dito. "It's Rayne. He cheated on me."


"What?!" Sabay kaming napasigaw ni Helene.


Hinila ko silang dalawa at dinala sa garden sa likod dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Zei.


"Ano ba talaga ang nangyari Zei?"


"Paano nagawa sayo yun ni Macrayne?"


"I don't know, it was some girl from his family friend. He's family wanted her for him but Rayne said no. But then I received a message saying the two of them are together and there's a picture of them kissing!"


"Fuck that asshole! Subukan lang niyang magpakita sa akin!" Galit na sabi ni Helene.



"Helene calm down, hindi makakatulong yan." Suway ko dito.


"What should I do now? I love him so much, I can't lose him." Sabi ni Zei.


Nalungkot ako bigla para sa kaniya. I know she loves him so much but she can't deny the fact that he cheated on her.


"Hiwalayan mo na siya Zei." Suhestiyon ni Helene.


Bigla na namang umiyak si Zei. "No no I can't, love him."


"Pero niloko ka niya Zei. Huwag kang magpakatanga!"


"Hey stop, pagpahingahin muna natin siya." Sabat ko sa kanila.


Hinatid namin si Zei sa kanilang bahay. We didn't leave her until she fell asleep. Papasakay na ako ng sasakyan ko nang pinigilan ako ni Helene.


"There's something I need to tell you."


Ito siguro ang kanina pa niya gustong sabihin sa akin.


"What is it?"


"Noong umalis ka nang maaga the last time, nakita ko si Amber at Vlad..."


Tumahimik siya bigla. Nakaramdam ako ng pait pero hindi ko iyon pinahalata.


"Nadulas si Amber at sinalo naman siya ni Vlad but then....they kissed."



IrresistibleWhere stories live. Discover now