Chapter Twenty-five

980 50 1
                                    

#I25

Lumipas ang isang araw na wala akong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto. Bumababa lang ako sa tuwing kakain o tuwing kailangan lang. Hindi ako sanay na may ibang tao sa loob ng bahay. Naiinis din ako sa tuwing maririnig ko ang mga halakhak at mga kayabangan nila. Sa tingin ko pinanganak talaga silang masama ang ugali.

Kagaya ngayon, pababa pa lang ako ng hagdan rinig na rinig ko na ang boses ni Tita Veronica.

"I never thought I'd see you again." Sabi nito.

"Hindi ko rin po inakalang nandito kayo."

Kumunot ang noo ko nang may narinig akong boses ng lalaki.

"You know what you should meet my daughter."

Dali-dali akong pumunta sa sala at ganun na lang ang gulat ko nang makita so Vlad. Nagulat din ito ng makita ako. Shit nakapantulog pa pala ako. I'm just wearing a sleeveless and shorts.


"Hi." Naiilang na bati nito sa akin.

Lumapit ako sa kaniya. "Bakit ka nandito?"

"I told you I'll come over."

"Sana sinabi mo--"

Agad akong napahinto sa pagsasalita ng sumabat si Tita Veronica.

"Oh my, Amber come here. Meet Vladimir Cordova."


Nakita ko ang pamimilog ng mata ni Amber nang makita si Vlad. Agad itong lumapit sa amin at nilahad ang kamay kay Vlad.

"Hi I'm Amber. Amber Santiana." Sabi nito na sobrang lawak ang ngiti.


Tinanggap naman ito ni Vlad. "Vladimir Jazz Cordova."

"Napakaformal mo naman, can I call you with your second name. Jazz sounds cool."

Tumingin sa akin si Vlad at nag-alinlangang sumagot.

"Ah...s-sure."

"Eliss magbihis ka nga dun nakakahiya sa bisita."

"Excuse us."

Hinawakan ko ang kamay ni Vlad at hinila siya paakyat sa kwarto ko. Narinig ko pang tinawag ni Tita Veronica ang pangalan ko pero binalewala ko iyon.

Nakarating kami ni Vlad sa kwarto ko. Nilingon ko siya nang hindi siya kumibo. Nakita kong nakatingin siya sa kamay kong hawak pa rin ang kamay niya, binitawan ko yun bigla.


"Ah.. dito ka muna. Magbibihis lang ako."


Nilibot ni Vlad ang paningin niya sa loob ng kwarto ko. Hindi ko na iyon pinansin pa, kampante akong maayos at malinis ang kwarto ko. Hindi kagaya ng iniisip ng iba, hindi naman ako burarang tao.


Lumapit ako sa aking closet at pumili ng damit na maisusuot.


"Unang pasok ko sa bahay niyo sa kwarto agad ang bagsak ko."


Nilingon ko siya na salubong ang kilay. "Anong pinapahiwatig mo?"


Nakangisi na ito ngayon. "Wala lang."


"Dinala kita dito dahil ayokong mahawa ka sa kaplastikan nung dalawa."


"Saan ka pupunta?" Tanong nito nang maglakad ako papunta sa banyo.


"Sa banyo malamang."

Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob hinila ako ni Vlad at pinahiga sa kama. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakipagtitigan sa kaniya.

"Mas nasasabik akong matulog kasama ka at gumising kinabukasan na kaharap ka lalo pa't ganito ka pala kaganda sa pagbungad ng umaga."

Napakurap ako sa kaniyang sinabi. "T-tumigil ka nga." Tinulak ko siya at dali-daling tumakbo papasok ng banyo.

Hawak ko pa rin ang aking dibdib nung nilock ko ang pinto. Iwinaksi ko sa aking isipan ang kaniyang sinabi at nagmamadaling naligo.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko siyang nakadapa sa aking kama habang hawak-hawak ang aking album.

"What the fuck?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Vlad chuckled. "You look good on your pictures. Ang cute mo pala nung baby ka kaya lang halatang maldita."

Marahas kong inagaw sa kaniya ang album. "Pwede ba, huwag mong pakialaman ang mga gamit ko."


"What do you want me to do then? My God Eliss you've spent an hour inside the bathroom. Nabobored ako!"


"Edi umuwi ka!"

"Tss." Nagtatampong nagpaikot-ikot ito sa kama. Isip-bata!


"Tumayo ka diyan. Kakain na."

Pagkababa namin ay nandun na ang lahat sa dining table at nakahanda na rin ang mga pagkain.


"Anak halina kayo ng bisita mo at oras na ng pagkain." Anyaya ni Nana Odeth sa amin.

Pagkaupo ko ay agad na sumalubong sa akin ang mapanghusgang tingin ng hilaw kong tiyahin. Ano bang tingin niyang ginawa namin? Tss hindi na ako magtataka kung makakarating na naman ito kay Mommy.


Nakaupo si Vlad sa kanang bahagi ko, kaharap nito ang tyahin ko na katabi naman si Amber habang ako ay nakaupo sa punong upuan bilang ako naman ang nagmamay-ari ng bahay na ito bukod sa mga magulang ko.

"So Vlad.. how's school?" Tanong ng tiyahin ko sa gitna ng pagkain namin.

Ngumisi ako ng patago. Hindi niya ako tinanong ng ganiyang bagay pero sa isang hindi kilala oo. Napailing ako, what would I expect from my fake and cunning aunt?

"It's okay ma'am, still surviving." Magalang na sagot ni Vlad.

"Naku hijo Tita na lang ang itawag mo sa akin. Masyadong pormal ang ma'am."

"Okay po."

"Balita ko ikaw ang magmamana ng firm niyo. Batid kong magiging mahusay kang abogado."


"You're a future lawyer? Wow I like you even better now." Sabat naman ni Amber. Tss.

"Sana maging close tayo. Wala akong masyadong kilala sa school bukot kay Eliss." Napasulyap ito sa akin habang walang sawang nakangiti pa rin. Napakaplastic, for sure nagbabait-baitan lang ito ngayon.


"Sa MU ka mag-aaral?" Tanong naman ni Vlad.

"Pretty late right? Kung alam ko lang na maraming gwapong katulad mo ang nag-aaral sa MU edi sana noon pa lang dito na ako nag-aral."

Alinlangan namang ngumiti si Vlad habang ako tahimik lang na nakikinig sa kanila.

After our lunch Vlad received a call that's why he left.

The next day Zei, Helene and I enrolled for the second semester. I didn't know kung nakapagenrol na ba si Amber. I didn't bother asking, I don't care anyways.

The next next days was the same as my usual days. Sometimes Vlad would call me but it didn't take that long dahil may pinagkakaabalahan ito. Baka may pinapagawa na naman ang Dad niya sa kaniya.

I don't know if my relationship with Vlad is improving but we often call and meet sometimes not like the past times. I didn't mind it though, basta ang alam ko gusto ko siya at gusto niya din ako. Let's leave it that way for the meantime.



IrresistibleWhere stories live. Discover now