Chapter Thirty-seven

787 31 0
                                    

#I37

Naging busy na kami matapos naming pumunta sa Tagaytay. We were back to being the serious and busy students, mukhang nagbakasyon lang kami.

A month past and it's March already. One more month and we will be graduating. Sobrang saya ko, kahit papano makakapagtapos na ako. I can't wait to start a new chapter of my life.


"Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo ah." Hindi ko namalayang katabi ko na pala si Vlad.


Nandito na kami ngayon sa biology class namin at hinihintay na lamang ang professor.


"Wala masaya lang ako dahil gagraduate na tayo."



Bigla na lamang siyang sumimangot. "Oh bakit?"


"Magkakahiwalay naman tayo."


"Vlad we're not going to okay? Magkakalayo lang tayo but that's it."


"Kung sasama na lang kaya ako sayo."


Napailing ako agad sa kaniyang sinabi. "Hindi pwede, ikaw ang mamamahala ng firm niyo Vlad alam mo yan."

"Yeah fine I get it."

Dumating na ang professor namin kaya hindi na kami nakapag-usap.


Matapos ang klase ay sabay din kami ni Vlad na lumabas dahil ihahatid pa niya ako sa bahay. Isa rin ito sa nagustuhan ko sa kaniya. Whenever possible, he always picks me up to school and head me home after. He never fails doing that to me.


"Excuse me Angel, I'll have to take this." Sabi nito sa akin nang may tumawag sa kaniya.


Nauna na akong pumasok sa loob ng kaniyang kotse. Habang naghihintay ay tumawag din sa akin si Mommy kaya sinagot ko ito.


"Anak what is happening?"


"What?" Nagtataka kong tanong dito.


"Our resto was burnt. It all turned into ashes."


Napahawak ako sa aking bibig. What the heck?!


"Wait Mom calm down. I'll take care of it. Aalamin ko ang nangyari."


"Make sure everything is alright. Hindi pa ito alam ng Daddy mo and I'm not planning to tell him so please sort this out."


Pagkapatay ng tawag ay sakto namang pumasok si Vlad.


"Take me to the company first please." Mahinahon kong sabi.


Kinakabahan ako. I wanted to panic pero hindi ko pa alam ang nangyayari kaya dapat alamin ko muna ito.


"What happened?" He asked while driving.


"Mom called. She said our restaurant was on fire, I don't know." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya.


I was busy searching on my iPod on what's happening. Nagulat na naman ako nang magpop up sa akin ang isang balitang nasunog nga ang isang branch ng resto namin dito sa Manila. Base sa larawan ay halos abo na lamang talaga ang natira.


"Oh my God." Hindi ko naiwasang sabihin iyon.

Nakita ko naman sa peripheral view ko na sinilip din ni Vlad ang balita sa iPod ko.


"Fuck." Rinig ko ding mura nito.

"Can you hurry." Pakiusap ko dito. Halos maluha na ako sa nangyari. Sana naman walang nasaktan.

IrresistibleWhere stories live. Discover now