#I26
"Ano ba yan kababalik pa lang natin pero andami na agad pinapagawa." Reklamo ni Helene ng maupo kami sa cafeteria.
Sobrang dami ngang pinapagawa sa amin ngayon dahil ilang buwan na lang ay gagraduate na kami. Sinusubok siguro kami kung karapat-dapat nga ba kaming gumraduate.
Tatayo na sana ulit kami para kumuha ng pagkain nang may naglagay ng tray sa mesa namin. Pagtingin ko ay nakita ko si Vlad at ang dalawa niyang kaibigan.
"Wow!" Asik ni Zei.
"Pabida naman kayo masyado." Sabi ni Helene pero agad ding kinuha ang burger at nilamon ito.
"Bakit kasi hindi mo na lang aminin na gusto mo ako." Ani Dylan pagkaupo nito.
"Wow ang kapal. Asa ka pa!" Asik naman ni Helene. Tss pakipot din ang isang ito eh halata naman na may gusto nga siya dito.
"Come on Helene hindi ka pa naiinggit sa kanila?" Tinuro ni Dylan si Zei at Macrayne na nagsusubuan. "We can do more than that."
Nasamid ako sa kaniyang sinabi. Nakalimutan kong pareho pala sila ni Helene ng tabas ng dila. Ang babastos!
"Be patient Drei, gayahin mo si Vlad hindi masyadong atat." Sabat din ni Rayne.
"Fuck you Drei." Mura ni Vlad sa kaniya.
Napatingin ako kay Vlad na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Last time we talk he said he wanted to court me. Naaalala ko pa kung paano ang naging takbo ng usapan namin.
I was reading something back then when Vlad called me. I immediately picked it up.
"Vlad?"
I asked when no one answered. I only hear heavy breaths over the phone.
"I.. I'll court you Eliss." Sabi nito.
Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Tama ba ang narinig ko? Liligawan niya ako?
"What are you saying?"
"I said I'll court you and I won't stop until I get you.. officially."
"Wait I--" but before I could finish what I'm saying he bid goodbye and immediately end the call.
I thought he was just joking around because until now we didn't discuss such things. Sa tuwing kausap ko naman siya ay naiilang ito at nahihiya.. like hell, yun ba ang ligaw?
"Let's go to our next subject together." Sabi nito sa akin.
"Okay." I just said back.
Nang matapos ang pagkain namin ay nagkaniya-kaniya na kami ng direksyon. Si Macrayne ihahatid pa daw si Zei at ganun din si Dylan kay Helene. Hindi na ako magtataka kung malelate ang dalawang iyon dahil malayo pa ang room nung dalawa.
Habang naglalakad kami ni Vlad papunta sa room namin ay agad na sumulpot si Amber sa unahan namin. Great! Nakalimutan kong dito na pala siya nag-aaral.
"Jazz hi. Nice to meet you again." Bati nito kay Vlad habang ako ay mukhang hindi man lang nakita. Tss I don't care either.
"Hi Amber."
"OMG I'm so lost. Wala pa akong kakilala dito. Can you help me find my next room please." Maarteng sabi nito. Nakita ko pang hinawakan niya ang braso ni Vlad.
YOU ARE READING
Irresistible
RomanceEliss believed that virginity is a lifetime gift and should only be given to your future husband but one night, she falls under Vlad's trap and loses it because he is just damn irresistible. Started: May, 2020 Ended: August, 2020