Chapter Thirty-three

882 37 0
                                    

#I33

"Huy sandale hintayin ninyo ako!" Sigaw ni Dylan.



Nandito kami ngayon sa may Central Park. We decided to go ice skating at naiwan nga si Dylan dahil ang bagal nitong isuot ang skating shoes niya.


Inalalayan ko si Vlad dahil mukhang anumang oras ay matutumba ito. Seriously? Andami naman atang kinakatakutan nito.



"Hey don't move yet.. wait." Sabi nito sa akin.



"Come on you can do it."



Habang hawak-hawak ang kamay niya ay nagsimula na akong gumalaw. Vlad is a little bit shaky at first pero nakuha na din nito kung papaano kaya ngayon ay nagpaikot-ikot na kami sa buong ice skating rink.



While the other two couples are still trying to figure out how the ice skating thing works. Kaya we decided to help them.



"Ideretso mo nga lang yung tuhod mo... Ano ba Drei para kang bakla!" Reklamo ni Vlad kay Dylan dahil hindi pa rin nito makuha.



"Gago ka ba hindi ko nga madiretso!"



"Bakla ka kasi." Sabat naman ni Macrayne na ngayon ay nakaalalay kay Zei.


"Aba't sige nga kung kaya mo!" Tinulak ni Dylan si Vlad papunta kay Macrayne at agad din naman itong umalalay kay Helene na katatapos ko lang turuan.


"Get your hands off of me!" Sigaw nung isa pero hindi siya nito pinakinggan.



Si Macrayne naman ay panay ang iwas kay Vlad dahil ayaw nitong turuan siya. Nagulat pa kami nang akmang hahampasin siya ni Vlad ay humiwalay ito kay Zei at nagslide palayo. Well, he's ice skating already.




Tawang-tawa kaming lahat habang naghahabulan. Panay naman ang mura at sigaw ng mga lalaki dahil sa pang-aasar namin kaya napapatingin na lamang ang ibang mga tao. We don't care, hindi naman nila kami kilala at hindi rin nila kami naiintindihan.





We went to the Lower East Side next to eat in the new food hall in the Market Line. When we arrived at home it is already nap time.



Nagreklamo sa amin ang tatlong lalaki dahil hindi daw sila komportable na magkasama sila sa iisang kwarto. Binalewala ko iyon, edi masanay sila ngayon.



Mabilis na nakatulog sina Zei at Helene dahil sa pagod. I went out of the room first to call Nana Odeth for some update. Tumawag ito noong Christmas at sinabing hindi daw doon nagcelebrate ang mag-ina. Hindi na ako nagtanong pa dahil wala naman akong pakialam sa kanila.



"Good morning Nana." Masaya kong bati dito. Umaga ngayon sa Pilipinas.



[ Good morning anak, napatawag ka? ]


Kumuha ako ng juice sa ref at sumandal sa counter ng kusina. "Kamusta diyan?"



[ Naku anak pasensya ka na naglilinis kasi ako ngayon dahil... andaming kalat sa mansyon. ]


Nagtaka ako sa kaniyang sinabi. Paanong maraming kalat sa mansyon e palagi namang nalilinisan iyon.



"Bakit Nana may nangyari ba?"


[ Kasi anak nagpaparty kasi sila kagabi kaya maraming tao ang pumunta. Pasensya ka na Eliss hindi ko na napigilan pa. ]



Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabing iyon ni Nana Odeth. Nagpaparty sila sa bahay ko? Ang kapal din naman ng mga mukha!



IrresistibleWhere stories live. Discover now