Chapter Forty-one

837 30 10
                                    

#I41

"Oh my gosh Eliss, is that really you?!" Sabi ni Zei nang makita ako.

Nasa airport kami ngayon and I called them to fetch me up.

"I'm back!" Excited kong sabi.

The girls gave me their tightest hug. How I miss them. Hindi rin kami nagkita ng higit na apat na taon.

"You're so gorgeous Eliss. Mygad you really looked different now." Sabi naman ni Helene nang kumalas na kami sa aming pagkakayakap.

"Well, New York changed me." Nakangiti kong sabi.

I really did. From the way I dressed up, my posture and everything else. Lahat ng iyon natutunan ko sa pamumuhay ko sa US. I had to, I want them to look up me like a noble heiress. Hind rin naman kaaya-aya na humarap ako sa mga empleyado ko sa itsurang kagaya lang din ng sa kanila. Thanks to Mom, she helped me in my dressing code and other stuffs. But that's not all, I want to change myself too, for the better. Ayokong magmukhang Eliss na kaawaawa, yung Eliss na pinaglaruan at niloko.

Kung magkaharap man kami, gusto kong ipamukha sa kaniya ang ginawa niya. I want to prove to him that I'd finally moved on from him and that I don't love him anymore. Most of all, gusto kong ipamukha sa kaniya kung ano ang sinayang niya.

Panay ang chika sa akin ng dalawa habang papunta kami sa bahay. Gamit namin ang kotse ni Zei.

Those two. Mukhang wala silang pinagbago. They're still crazy and loud except siguro na nagmature sila ng konti dahil sa mga work nila. Kung pagdating sa hubog ng katawan, masasabi kong mas lalo silang naging sexy. Well, ganiyan talaga pagmagaganda, katawan ang puhunan.

"Are you here for good na Jane?" Tanong bigla ni Helene sa akin.

"No, I'm actually here for an event." Sabi ko sa kanila na dahilan upang tingnan nila ako ng masama.

"What?" Nagtataka kong tanong sa kanila.

"So you mean pagkatapos ng event na yan babalik ka na naman sa New York?!!"

Halos sumakit ang tenga ko sa lakas ng sigaw ni Zei.

"It depends."

"Depends on what?!" Sabay nilang tanong.

I shrugged "If I find a reason to stay."

"Ano ka ba girl, lalago din naman ang negosyo mo kung wala ka dun eh. Gayahin mo kaya itong si Helene, paeasy-easy lang." Sabi ni Zei.

"Hoy gaga mahirap din ang trabaho ko nho. Meeting doon, meeting dito. Jusko puro na lang meeting. Puro stocks, marketing ewan wala naman akong alam dun!" Reklamo ni Helene.

"What?" Asik ko. Paanong wala siyang alam, eh siya na ang may-ari ngayon. Obligasyon niya iyon. "Paanong wala kang alam?"

Bigla siyang ngumiti sa akin. "Hehe ofcourse alam ko naman iyon kaya lang nasasawa ako, nakakawalang gana ang mga iyon."

I feel her. Talaga namang mahirap ang trabaho namin pero dahil ito ang gusto ko, naeenjoy ko naman.

Pagdating namin sa tapat ng bahay. Minamadali nila akong bumaba dahil may hearing pa daw si Zei at si Helene naman may photoshoot din daw.

"Bye Balibera see you later sa bar ha. Pumunta ka kundi malalagot ka sa amin!" Sigaw pa ni Zei bago tuluyan itong umalis.

Napailing na lamang ako, ganoon din kaya siya kadaldal pagdating sa korte? I want to see her in court, mukhang mag-eenjoy akong panoorin siya.

IrresistibleWhere stories live. Discover now