Chapter Twenty-seven

919 49 0
                                    

#I27

Palagi nang nakabuntot sa amin si Amber lalo na tuwing kasama namin si Vlad. Actually siya lang talaga ang kinakausap nito, paminsan-minsan pinapansin niya rin kami pero alam naming plastik yun. Kagaya ngayon, lunch time at nandito ulit siya sa table namin nakikisawsaw.

"Guys guess what?" Sabi ni Macrayne.


"What?" Sabay-sabay naming sabi.

"It's my birthday tomorrow!" Masayang sabi nito.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ni Zei.


Bigla namang bumusangot ang mukha ni Macrayne. "Girlfriend kita tapos hindi mo alam ang birthday ko?"

"Hindi e sorry ha." Kasuwal na pagkakasagot ni Zei.

Bumaling si Macrayne kay Vlad at Dylan.

"Don't tell me hindi niyo rin alam?"

Vlad just shrugged while Dylan answer his question. "Ano ka ba Drei required bang alamin yun tss."

"Fuck I hate you both! You're not invited to my party!" Sigaw nito bago umalis.

"Hala kayo, nagalit na tuloy." Ani Helene.

"Kawawa naman yung baby ko. Sabihin ko na kaya."

"Huwag!" Lahat kami napasigaw sa kaniya.

Plano talaga naming magmaang-maangan sa birthday ni Macrayne. Ewan ko kay Vlad at Dylan sila ang may pakana nito, dinamay pa kaming tatlo. Basta may pasurprise sila bukas, ay kami pala dahil kasali na daw kami sa samahan nila. Hindi naman ako tutol dun, kahit papano masaya naman ang naging samahan namin. Maituturing ko na silang kaibigan ngayon.

"Hayaan mo siya. Mabubulilyaso tayo pag nagsalita ka." Sabi ni Dylan.

Napabaling naman kami kay Vlad nang magsalita ito. "Can't wait to see that mother fucker cry."

"Cry talaga hahahaha ang baduy mo Drei." Tawa naman ni Dylan sa kaniya. Kahit ako hindi ko maimagine na iiyak ang isang iyon.

"Guys can I come too?" Singit ni Amber sa usapan namin. Nandito pala siya, nakalimutan kong may bruhang kasama pala kami.

"Sure no problem. Madami din namang pupunta." Sagot ni Dylan.

"Wow thank you guys."

Awkward namang ngumiti ang dalawang babaeng kasama ko habang ako ganun pa rin. Kagaya nga ng sinabi ko, hindi ako plastic. Kung ayaw ko sa isang tao, pinapakita ko ng harap-harapan. Hindi ako ahas kagaya ng iba na ngumingiti kapag kaharap ka pero kapag nakatalikod ka naman ay tsaka lang tutuklaw.


Maaga ang uwian namin ngayon dahil may meeting daw ang mga prof namin. Magandang bagay yun para sa amin dahil napapagod din naman kami sa pag-aaral. Sobrang dami pa naming gawain pero hindi kami ganun kasipag. We need a break.


Matapos kong magpalit ng pambahay ay tumawag si Mommy sa akin. Agad ko naman iyong sinagot.

"Mom?"

[ Kamusta diyan? Maayos ba sila dyan? Baka hindi ka gumagalang sa tiyahin mo anak ha sinasabi ko sayo.]


Napabuntong hininga ako. Mas nag-aalala na siya ngayon sa tyahin ko kesa sakin ganun?

"Ayos lang. Hind pa naman sila gumagawa ng gulo."

[ Anak bakit ganiyan ka? Tumigil ka na pwede? Baguhin mo ang ugaling mong yan kung gusto mong pumunta dito. Sinasabi ko sayo, hindi dapat ganiyan ang ugali ng isang tagapagmana ng kumpanya.]

IrresistibleWhere stories live. Discover now