Chapter Twenty-two

1K 53 1
                                    

#I22

"Where are you going?" Tanong ni Helene sa akin.

"Dyan lang."

Helene just waved. Nakahilata sila ngayon sa kama ni Zei. Nakatulog na nga ang isa, malamang napagod sila sa water activities na ginawa nila kaninang umaga. At dahil halos wala naman akong ginawa hindi rin ako nakaramdam nun.

Nagpasiya akong lumabas at maglakad-lakad sa kabuuan ng resort. Nakarating ako sa may sovenier shop nila. Halos mangilan-ngilan lang rin ang mga tao dahil masyadong mainit ang panahon. Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin-tingin ng mga bilihin. Maraming nasakasabit dito na mga gawang lokal na bags, purse, keychain at kung ano-ano pa.

Habang abala ako sa pamimili ay may tumabi sa akin. Agad ko naman siyang hinarap, dahil sa sandaling nagkausap kami nakabisado ko na ang mga galawan niya.

"Hi." He greeted me. "So might as well you have some lunch with me?"

"Okay." pagpayag ko dito. Mag-aalos dos na rin kasi at hindi pa ako nakakakain.

Ryder pulled a chair for me. He even ordered a lot of food. Hindi na lang ako nagreklamo tutal libre niya naman daw.

"Pwede ko na bang malaman ang pangalan mo? Mahirap magkwento kung hindi."

"Eliss" sabi ko bago isinubo ang manok.

"Eliss... Hmm nice name." tiningnan ko lamang siya.

"So tagasaan ka?"

"Around Manila." Hindi kami close para sabihin ko sa kaniya kung saan mismo ako nakatira. Mamaya magnanakaw pala ito o killer. Mahirap na.

"Where exactly? Baka magkalapit lang tayo ng tirahan."

I didn't say anything.

"Oh come on, baka magkita tayo dun, ayaw mo ba?"

"No thanks." Tumawa ito.

"I see, hayaan na lang natin ang tadhana ang gumawa ng paraan para magkita tayo kung ganon."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o masusuka. Hindi ba niya alam na ang corny niya.

"I know you're a college student, what are you taking up?"

"Business." I answered shortly.

"Really, I bet we have the same course. My family is owning a company so wala akong choice kundi manahin yun."

Tumango na ako. Sa itsura niya masasabi kong mayaman nga siya. He has this good looking physique and fair skin. He's also wearing a branded watch and based on what he wears, no doubt he's a rich ass.

"You're an only child?" I asked.

"Yes definitely."

Tumango ulit ako. "I guess we share the same experience."

"Talaga? Akalain mo nga naman. I mean, pinilit ka rin ba?"

Umiling ako. "Not really, I'm really planning to take over the company so..."

"Oh... So what's your company's name by the way?"

He asked pero hindi doon natuon ang atensyon ko. I saw Vlad outside the hall. Hindi ko alam kung nakita niya ako o ano dahil seryoso itong naglalakad palayo.

"I'm sorry but I have to go." Sabi ko bago tumayo. "I'll tell you some other time."

"Wait why so sudden?" Nagtatakang tanong nito.

IrresistibleWhere stories live. Discover now