#I24
Tahimik lang ako habang inaayos ang aking gamit at ganun din ang dalawa. Halos hind kami magkibuang tatlo, halatang may mga kasalanang ginawa. Nang sinara ko na ang aking bag ay lakas loob akong humingi ng tawad.
"I'm sorry."
Ganun na lang ang gulat ko nang sabay kaming tatlong nagsalita.
"Hindi ako nakauwi kagabi." Sabay pa rin naming sabi.
"What?!" Gulat kong tanong. Don't tell me....
"Hindi ka dito natulog?" Takang tanong ni Zei sa akin.
"Hindi rin kayo natulog dito?" Balik kong tanong.
Natahimik ang dalawa. Shit ano itong pinasok namin.
"OMG Jane nakipagtsugtsugan ka kay Vlad?!"
Napapikit ako ng mata nang malakas na sumigaw si Helene. Haist ano ba naman yan. Nagulat ulit ako nang hinila ako ng dalawa at niyakap.
"Ikaw ha may tinatago ka rin palang landi." Sabi ni Helene dahilan para magtawanan ang dalawa.
Bumalikwas ako sa kanila. "Tss dalian niyo na uuwi na tayo."
"Hepp mamaya pa ang uwi natin. Bumalik ka dito dali magkwento ka!" Zei.
Wala na akong nagawa pa dahil hindi nila ako tinantanan hanggang sa magkwento ako. Kinwento ko na lang yung part na nagdinner kami, naglakad-lakad sa beach, sinabi niya sa aking may gusto siya tapos yun na. Yung mga gaga gusto pa sanang ikuwento ko sa kanila detail by detail yung nangyari sa amin pero tumanggi ako. Napakasensual nun, ayokong sabihin. Sinabi rin nila sa akin na ganun din ang nangyari sa kanila. Nakakatuwa at pare-pareho pa pala kami, tss.
Lumipas pa ang dalawang oras at uuwi na kami ngayon. Sayang nga lang dahil hindi namin nagawang mag-enjoy sa third day namin dito dahil sa mga nangyari pero okay lang. Ipinapangako kong babalik ako dito.
Hindi ko na nakita pa si Vlad. Hindi ko alam kung tinataguan ba niya ako o ano pero hindi ko rin kasi makita ang dalawa niyang kaibigan kaya hindi na rin ako nagtaka. Baka nauna na sila.
"Eliss!"
Napalingon ako nang may tumawag ng pangalan ko. It was Ryder.
"I see, uuwi na kayo?" Sabi nito nang mapansing pasakay na kami sa SUV. Nasa loob na rin ng sasayan ang dalawa, halatang nakikichismis sa amin dahil halos masubsob na nila ang mukha sa sasakyan.
"Oo."
"Sayang naman pero magkita na lang tayo sa Manila. Have a safe trip." Nakangiting sabi nito sa akin.
"Sige." Sabi ko bago sumakay ng sasakyan. As if naman na magkikita kami e ang lawak-lawak ng Manila.
"Sino yon?" Agad na tanong nung dalawa.
"Ryder daw." Walang gana kong sagot.
"Gwapo ah, san mo nakilala?"
"Malamang sa beach."
"Aish magkikita daw kayo, sama mo ko ha." Sabi naman ni Helene.
"Asa pa."
Sabay na nagreklamo ang dalawa. Hind ko na lang iyon pinansin pa at muling natulog sa byahe.
Pagkarating ko sa aming bahay ay huminga muna ako ng malalim bago pumasok. Hindi ko alam kung nandito na ba ang hilaw kong tiyahin at ang anak nito pero sana wala pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/223668529-288-k803821.jpg)
YOU ARE READING
Irresistible
RomanceEliss believed that virginity is a lifetime gift and should only be given to your future husband but one night, she falls under Vlad's trap and loses it because he is just damn irresistible. Started: May, 2020 Ended: August, 2020