Mga Tauhan sa Kaharian ng Vireo:

286 8 0
                                    

Haring Vireo – Siya ang namatay na hari ng Kaharian ng Vireo kung saan hango mismo sa kaniyang
pangalan ang katawagan sa kaharian. Siya ang tinaguriang pinakamagiting sa lahat ng mga hari subalit siya ay napaslang sa isang digmaan ng isang nilalang na inakala niyang kaibigan. Simula nang siya ay mawala,
ang kaniyang reyna ang namuno sa kaharian bagamat marami pa rin ang nangungulila sa kaniya.

Reyna Verina – Siya ang butihing reyna ni Haring Vireo na siyang namumuno ngayon sa kaharian. Isa rin
siyang mapagmahal na ina sa kaniyang apat na maharlikang anak. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.

Prinsipe Zeus – Siya ang kaisa-isang prinsipe at panganay sa apat na magkakapatid. Isa siyang malupit na
pinuno at mahusay na mandirigma. Matapang siya at mainitin ang kaniyang ulo. Hindi rin niya kasundo ang kaniyang pangalawang kapatid na si Prinsesa Alora. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng lupa.

Prinsesa Alora – Siya ang pangalawang anak ni Reyna Verina. Siya ang pinakasikat sa kanilang magkakapatid dahil sa kaniyang taglay na kahusayan sa maraming bagay lalo na sa pakikipaglaban, ngunit
hindi kagaya ng iba niyang kapatid ay hindi maganda ang kaniyang taglay na ugali. Hindi siya marunong maawa at gusto niyang siya ang palaging umaangat. Gayunpaman ay marami pa rin ang umiidolo sa kaniya.
Kaya niyang kontrolin ang elemento ng pulang apoy.

Prinsesa Manorah – Siya ang pangatlo sa magkakapatid at ang pinaka may mabuting puso sa lahat. Mabait siya, matulungin, masiyahin, masunurin at mahinhin. Mayroon din siyang panlabas na kagandahang
hinahangaan ng lahat. Malayong-malayo siya sa katangian ng kaniyang mga kapatid. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.

Prinsesa Aleyah – Siya naman ang bunso sa magkakapatid pero siya ang pinakamaganda, pinakapalaban at pinakamatapang. Sa kabila ng kaniyang kahusayan ay marami ang naiinis sa kaniya dahil sa kakaiba
niyang estilo sa pamumuno at pakikipaglaban. Madalas rin siyang masangkot sa mga kaguluhang nangyayari
sa labas at loob ng kaharian. Kaya naman, hindi niya kasundo ang lahat ng kaniyang mga kapatid.
Pinamumunuan niya ang hukbo na doble ang dami sa mga kawal ng buong Kaharian ng Vireo. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng asul na apoy.

Duke Flavio – Siya ang nakababatang kapatid ng namatay na si Haring Vireo. Siya ang nagsisilbing pinuno
ng lahat ng mga kawal at mandirigma sa kaharian. Siya ang nagbibigay ng utos at misyon sa mga kawal ng
palasyo. Tuwing may digmaan ay pinangungunahan niya ang batalyon ng mga mandirigma. Ngunit kilala siya bilang isang malupit at sakim na duke. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng pulang apoy.

Althea – Siya ang kaisa-isang anak ni Duke Flavio. Isa siyang mahusay na tagapagsanay ng mga
mandirigma na ang mismong reyna ang nagtalaga dahil sa pambihira niyang istilo sa pakikipaglaban at husay
sa pagtuturo. Kaya niyang alamin ang kahusayan at kahinaan ng isang nilalang sa isang tingin lang.
Matapang siya at mayroong paninindigan. Palagi niyang pinapanigan kung ano ang tama kaya naman hindi
niya kasundo ang kaniyang amang duke dahil marami itong kasamaang ginagawa. Kaya niyang kontrolin ang
elemento ng hangin.

Aztec & Arum – Sila ang matipunong magkapatid na mandirigma ng kaharian. Bakal na may simbolo ng
kanilang kaharian ang kanilang kasuotan bilang tanda ng pagkakaroon ng mataas na ranggo bilang mga mandirigma. Madalas silang kasama ni Duke Flavio sa mga delikadong misyon at ganun din ni Prinsipe Zeus. Kaya nilang kontrolin ang elemento ng hangin.

Tamara  & Olrick – Silang dalawa ang pinakamahusay sa daan-daang tauhan ni Prinsesa Aleyah. Bukod sa
pakikipaglaban ay mahusay din silang mag-espiya. Si Olrick ay kasintahan ng anak ni Duke Flavio na si
Althea. Kayang kontrolin ni Olrick ang elemento ng lupa. Si Tamara naman ay kayang kontrolin ang elemento
ng tubig.

Centina – Siya naman ang nakababatang kapatid ni Reyna Verina. Isa siya sa mga traydor sa kaharian.
Naiinggit siya sa reyna dahil nais niyang siya ang mamuno sa buong kaharian. Bagamat traydor ay kasundo
niya pa rin ang ikalawang anak ng reyna na si Prinsesa Alora. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng lupa.

Talina – Siya ang amasonang kanang kamay ni Duke Flavio. Bagamat tauhan siya ng duke ay hindi naman niya kasundo ang anak nitong si Althea. Madalas siyang mag-umpisa ng kaguluhan sa loob ng kaharian. Isa siyang amasonang magaling makipaglaban bagamat wala siyang kapangyarihan.

Luna – Siya ang kanang kamay at tagapayo ng mahal na reyna. Kabilang siya sa mga konsehong
tagapaghatol. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng hangin.

Lancelot – Siya ang mahusay na mensahero at espiya ng kaharian. Kabilang din siya sa konsehong
tagapaghatol. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.

Carlile – Siya ang pinuno ng konseho. Bukod sa reyna, isa siya sa mga nangunguna sa mga pagpupulong sa
kaharian. Tapat siya sa tungkulin at may paninindigan. Matalik siyang kaibigan ni Haring Vireo nung ito ay nabubuhay pa. Sa ngayon ay siya ang itinuturing na ama ng bunsong prinsesa na si Prinsesa Aleyah at
tanging mga payo niya lang ang pinakikinggan nito. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.

Shanaya – Kabilang din siya sa mga konseho. Malupit siya at kinatatakutan. Hindi lang siya tagapaghatol
kundi siya rin ang nagbibigay ng karampatang kaparusahan sa mga lumalabag sa batas ng Vireo. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng pulang apoy.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon