Kinagabihan ay nagkaroon ng malaking salu-salo kung saan ang lahat ng may matataas na
katungkulan sa Kaharian ng Vireo ay imbitado. Nais kasi ng reyna na muling magkasama-sama sa
hapag ang lahat upang mas mapatibay ang samahan ng bawat isa.Ang isang malaking babasaging
lamesa ay punong-puno ng ibat-ibang putahe ng pagkain at prutas. Malapit nang makumpleto ang
mga kasama sa hapag.Nakaupo na si Duke Flavio sa bandang kaliwa at nakaupo malapit sa kaniya
sina Talina, Centina, Shanaya, Luna, Althea, Lancelot, Aztec at Arum.Sa harapan nila ay naroroon na rin ang mahal na reyna katabi sina Carlile, Olrick at Tamara kung saan sa kaliwang bahagi ng
reyna ay may apat na bakanteng upuan na nakalaan para sa apat niyang anak na wala pa sa hapag
ngayon.“Mahal na reyna, nais niyo po bang hanapin ko na ang inyong mga anak?” tanong ni Aztec.
“Hindi na kailangan Aztec, maupo ka lang diyan. Nasabihan ko naman sila kanina na hindi
sila maaaring mawala sa salu-salo ngayong gabi. May isang salita ang aking mga anak.
Siguradong parating na sila.”“Kung iyon po ang inyong nais.”
“Tama ang reyna. Kahit madalas na huling dumarating ang mga prinsipe at prinsesa ay
marunong silang tumupad sa pangako.” nakangiting bulalas naman ni Luna.“May gusto lamang akong ipakiusap sa inyong lahat na naririto.” seryosong sabi ni Reyna Verina na tinugunan naman ni Centina.
“Ano iyon, kapatid?”
“Sa sandaling naririto na ang aking mga anak ay iwasan muna natin sanang pag-usapan ang
mga negatibong bagay. Ayaw kong magkaroon na naman ng mga pagtatalo ang aking mga
anak sa harap ng hapag.”“Ganun ba? Iyon ay kung hindi ang mga anak mo ang magsisimula ng gulo mahal na reyna.”
bulalas ni Centina.“Hindi nila iyon gagawin, kung hindi niyo sisimulan.” sagot ng reyna na nakapagpatahimik
naman kay Centina.Sumulpot ang isang kawal.
“Kamahalan naririto na po si Prinsipe Zeus!”
“Paumanhin kung nahuli ako ng dating ina. Nagsisimula na ba kayo?” usal ng prinsipe.
“Hindi pa naman. Wala pa ang iyong mga kapatid. Sige at maupo ka na.”
“Kung ganon ay may mas mga huli pa pala sakin.” pabirong sabi ulit ng prinsipe.
“Kumusta ang paglalakbay mahal na prinsipe.” interesadong tanong ni Aztec.
“Gaya pa rin ng dati, kaibigan. Palagi pa rin tayong nagtatagumpay.”
“Magandang balita iyan, kamahalan. Sana ay maisama mo ulit kami ni Arum sa iyong
misyon.”“Nais ko rin kayong isama, subalit batid kong mas kailangan kayo rito sa ating kaharian.”
“Kung sa bagay tama ka roon mahal na prinsipe, lalo pa at nitong mga nakaraang araw ay
abala rin ang ibang mga mandirigma.” sagot ni Aztec.“Teka, may nakapansin ba sa inyo kung saan nagtungo ang tatlo kong anak na prinsesa?”
tanong ni Reyna Verina na tinugunan ng kaniyang anak na prinsipe.“Nakita ko si Alora kanina ina, mukhang patungo sila ng kaniyang mga tauhan sa kanluran.”
“Para saan? Saan niya balak pumunta?”
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
Phiêu lưuSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...