Kabatana XI: SI PRINSESA MANORAH

45 3 0
                                    


“Maaari ba akong makinig sa inyong pulong?” mahinahong tanong ng ikatlong prinsesa.

“Oo naman anak. Pumasok ka rito.

“Mahal na reyna, nakababahala po ang nakita ni Lancelot. Ayon sa kaniya ay may mga
bandido siyang nakita sa labas ng kaharian na wari niya’y nag-eespiya.” sambit ni Punong
Carlile na pinatotohahan kaagad ng mensahero at espiyang si Lancelot.

“Tama po iyon kamahalan, paano kung may binabalak na naman silang pag-atake? Ang ating
pwersa ay hindi pa handa sa anumang uri ng pagsalakay.”

“Ang malaking katanungan ay kung ano ang kanilang pakay sa ating kaharian.” usal naman ni
Luna na tila ba malalim ang iniisip.

“Marahil ay nais na naman nilang magnakaw. Kailangan nating mapaghandaan ang kanilang
pagsugod nang hindi tayo nakikipaglaban.” bigkas ng tagahatol na si Shanaya.

“Mayroon akong nais imungkahi. Maaari ba?” mayuming tanong ni Prinsesa Manorah na kanina
ay nakikinig lamang. Pinahintulutan naman siya ng kaniyang inang reyna at ni Carlile.

“Ano iyon Prinsesa?”

“Naisip ko na bakit hindi tayo maglagay ng mga patibong sa paligid ng kaharian, ngunit bago
natin iyon isagawa ay pupulungin natin ang lahat ng nandito sa kaharian upang malaman nila ang plano at hindi sila ang mabiktima ng patibong sa halip ay ang mga bandido.”

“Magandang ideya. Subalit anong klaseng bitag ang ating gagawin.” tanong ni Luna.

“Makabubuti kung ang gagawin nating bitag ay bagong tuklas o wala pang nakakaalam nang
sa gayon ay hindi ito pamilyar sa mga bandido upang hindi nila maiwasan at mapaghandaan.”

“Mayroon ka bang alam na ibang klase ng patibong anak?” interesadong tanong ni Reyna Verina.

“Mayroon po ina. Matagal ko rin itong pinag-isipan umpisa nang malaman kong napapadalas ang pagbisita ng mga bandido. Base sa aking mga kalkulasyon at ginawang pag-aaral, hindi
ko pa man sila nakakaharap nang personal sa isang labanan ay akin namang naobserbahan
ang kanilang mga galaw. Aking napag-alaman na karamihan sa kanila ay gumagamit ng pana
kaya iminumungkahi kong pagsuotin natin ang ating mga kawal ng mga kasuotang hindi
tinatablan ng palaso.”

“At saan naman tayo kukuha ng ganoong klase ng kasuotan sa lalong madaling panahon, Prinsesa Manorah?” usal ni Shanaya.

“Hindi iyon problema dahil mayroon nang nagawa ang aking mga tauhan na humigit kumulang sa limampung kasuotan. Kulang pa ito upang mabigyan ang lahat ng kawal na tagapagbantay subalit sapat na ito upang maibigay muna sa mga kawal na nakatalagang
magbantay sa labas ng palasyo dahil sila ang malamang na unang makakaharap at
pupuntiryahin ng mga bandido kapag nagkataon.” kalmado ngunit kumpiyansang pahayag muli ni Prinsesa Manorah. Humahanga ang mga konseho sa taglay niyang kaparaanan.

“Ngunit bakit parang hindi ko pa nakikitang isinuot ito ng iyong mga tauhan, Manorah?”

“Sapagkat ina, inilaan ko talaga iyon sa pagdating ng ganitong klase ng sitwasyon. Alam kong magagamit rin iyon balang-araw at mukhang ito na nga ang takdang panahon.”

“Magaling anak. Maaasahan talaga kita. Kung hindi lang sana kokontra ang iyong mga
kapatid ay nais rin kitang gawing miyembro ng konseho.” masayang pahiwatig ng reyna na
inirespeto naman ng ikatlo niyang anak.

“Natutuwa po akong marinig iyan mula sa iyo ina, subalit mas makabubuti na kung hindi dahil siguradong magagalit lamang ang aking mga kapatid at baka lumala pa ang mga hindi
pagkakaunawaan. Isa pa, maaari naman akong tumulong sa inyo sa mga pagpaplano kahit
hindi ako kabilang sa konseho.”mapagpakumbabang pahayag ni Prinsesa Manorah. Sa apat na anak ng reyna ay siya talaga ang pinaka may mabuting puso.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon