Kinabukasan ay binisita ni Duke Flavio ang lungsod kung saan naninirahan ang mga ordinaryong
mamamayan ng Vireo. Malayo ito sa kabayanan kung saan naninirahan ang grupo ni Zuko kaya
walang tagapagtanggol ang mga tao rito.Kasama ng duke ang pinakamahusay niyang tauhan na si Talina at ang 5 pang mandirigma. Naparoon ang duke upang kolektahin ang buwis ng mga mamamayan kahit matagal nang ipinatigil ng reyna ang paniningil sa kanila.
Ginagamit ng duke ang mga
nasisingil niya upang mapalakas pa lalo ang kaniyang hukbo. Malayo pa ang duke ay nagkakagulo
na ang mga mamamayan.Lahat sila ay hindi na magkamayaw sa takot.
“Nandiyan na naman siya upang maningil!”
“Pero ano ang ating gagawin? Wala na tayong maibibigay! Naghihirap na ang ating lungsod!”
“Mabuti pa ay mag-aklas na tayo kapag muli niya tayong pinahirapan.”
“Mga mangmang! Ibigay niyo na sa akin ang buwis!” sigaw ng duke.
“Pero Duke Flavio. Wala na pong kahit anong natitira sa amin. Kulang na kulang na po kami sa pagkain at kagamitan.” umiiyak na reklamo ng isang matanda.
“Sinasabi niyo bang naabala lang ang duke sa pagpunta niya rito?” mataray na bulalas ng amasonang si Talina.
“Ang mabuti pa ay umalis na lang kayo!”
“Sa tingin niyo ba ay aalis na lang ako nang hindi ko nakukuha ang gusto ko? Bwahahaha!” gamit ang elemento ng pulang apoy ay pinatamaan ng duke ang isang lalaking nagtangkang
sumugod. Tumalsik ang lalaki at nawalan ng malay.Sa sobrang galit ng mga mamamayan ay sinugod na rin nila ang duke at ang iba naman ay dumampot ng mga bato.
Sinenyasan ng duke ang kaniyang mga kawal na kumilos na. Kaya walang awang pinaslang ng kaniyang mga tauhan ang
mga nagtangkang lumaban sa duke. Nakita ng lahat kung paano pinugutan ng ulo ni Talina ang isang matandang lalaki.Nangilabot ang mga mamamayan at napahinto.
“Napakasama mo duke!” umiiyak at napaluhod na sambit ng isang babae.
“Bwahahaha! Alam ko! Ako’y walang kasingsama.. Bwahahah!”
“Malalaman din ng reyna ang kasamaan mo Flavio!” galit na sigaw ng isang lalaki na tinawanan lamang ni Talina.
“Hahaha! Hindi kailanman ito malalaman ng mahal na reyna kaya huwag na kayong umasa!”
“Ipagbibigay-alam namin ang iyong kasamaan sa mga anak ng reyna. Sila ang magsisilbing daan upang malaman ito ng kamahalan!” dagdag pa ng lalaki.
“Bwahahaha! Hindi nila kayo tutulungan dahil wala naman kayong halaga sa kanila! Sa katunayan nga, kahapon lang ay naisakatuparan na ang aking pakikipag alyansa sa mahal na prinsipe. Kaya wala kayong magagawa kundi ang magpaalipin na lang sa akin!” bulalas ni
Duke Flavio bago siya lumisan at ang kaniyang mga tauhan pero bago iyon ay sinunog niya muna
ang katawan ng mga napatay nilang mamamayan ng Vireo.Nabalot ng galit at takot ang mga mamamayan pero wala naman silang nagawa para labanan ang malupit na duke dahil wala naman
silang mga kapangyarihan na taglay ng mga maharlikang taga-Vireo.Nilisan man sila sa ngayon ni Duke Flavio, alam nilang magbabalik muli ang ganid na duke upang silang mga walang laban ay lalong pahirapan.
Ang mas masaklap pa, hindi alam ng mga mamamayan ng Vireo kung kanino sila maaaring humingi ng tulong.
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AdventureSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...