Kabanata XII : SAGUPAAN

36 3 0
                                    


Sa lugar ng mga ordinaryong tao ay naglalakad-lakad ang grupo ni Zuko upang masigurong maayos
ang kanilang bayan. Madalas nila itong ginagawa at gaya ng inaasahan ay may naabutan na naman
silang kaguluhan.

Isang babae ang binabastos ng mga kawatan na dati na nilang nakasagupa at
iyon ay ang grupo ni Lazaro. Mahigit sa dalawampu ang kanilang miyembro at sila ang pinakamabagsik na grupo ng mga kawatan sa lugar.

“Bitiwan niyo na ako! Maawa kayo!” umiiyak na sigaw ng isang babae na nasa kamay ngayon ng
grupo ng mga kawatan.

“Awa? Wahahaha! Wala kaming awa.” bungisngis na sagot naman ni Lazaro na dinugtungan ng isa pa niyang tauhan na si Vito.

“Boss ang mabuti pa dalhin na natin iyang babae na ‘yan!”

“Huwag! Huwag po. Maawa kayo!” nagpupumiglas ang babae mula sa mahigpit na pagkakakapit sa kaniya ng mga mapagsamantalang grupo ni Lazaro. Ngunit sa kabila ng kaniyang
pagmamakaawa ay hindi siya pinakikinggan ng mga ito.

“Wahahaha! Tara na mga kasama! Dalhin niyo na ‘yang babae!” pilit hinila ng grupo ang walang
labang babae nang sa di-kalayuan ay sumulpot na naman ang tagapagligtas na si Zuko kasama ang
tatlo pang kasapi ng ZAMORA.

“Mga damuho! Bitiwan niyo ang babaeng iyan.” sigaw ng matipunong si Zuko na kaagad namang nakapukaw sa atensiyon ni Lazaro.

“O tingnan mo nga naman kung sinong nandito. Naghahanap ba kayo ng gulo?”

“Mukhang kayo ang naghahanap ng gulo. Bitiwan niyo na siya!” utos ni Zuko kasabay ng
pagbunot niya ng patalim. Batid niyang hindi niya madadaan sa pakiusapan ang tusong grupo.

“Paano kung ayaw ko? Wahahaha!”

“Pwede ba pakawalan mo na lang ‘yang babae para matapos na! Nababagot na ako dito.”
hindi makapaghintay na bulalas ng mainiping si Sara. Isang malisyosong ngiti at pahayag naman ang isinagot sa kaniya ni Lazaro.

“Papakawalan ko siya kung ikaw ang sasama sa amin! Wahahaha.”

“O sige.”

“Anong, o sige?”

“Ayaw mo ata e.” pamimilosopo ni Sara.

“Ano na naman ba iyang nasa isip mo Sara? Nagdedesisyon ka na lang basta!” pabulong na
sabi naman ni Cindy.

“Huwag niyo ngang pakialaman ang desisyon ko!”

“Ano na babae! Lumapit ka na sa akin.”

“Pakawalan mo muna ‘yang babaeng hawak mo!” matapang na kundisyon ni Sara.

Si Zuko ay napailing na lang sa planong naisip ni Sara. Si Lazaro naman ay lampas sa tainga ang ngiti na para
bang nakabingwit ng malaking isda.

“Bwahaha! Matalino ka pero hindi mo ako maiisahan. Lumapit ka muna sa akin bago ko
bitiwan ang isang ito.”

Pahakbang na palapit si Sara nang hawakan siya sa kamay ni Cindy at pasimple itong bumulong muli.

“Siguraduhin mo lang na may plano ka!”

“Paano kung sabihin kong wala.”

“Edi hindi ka talaga nag-iisip, Sara!”

“Ano ba iyang bulungan na ‘yan? Ang tagal naman! Lumapit ka na dito babae!” bulalas ni Lazaro na kanina pa nais mahawakan si Sara.

“Nag-uusap pa kami diba! Hindi ka ba makapaghintay?”

“May plano ako…. bulong muli ni Cindy.

“Ayaw ko ng plano mo.” sagot naman ni Sara kaya napapadyak na lang sa inis si Cindy.

Lumapit na si Sara at nang nahawakan na ni Lazaro ang kamay ni Sara ay agad niyang itinulak palayo ang babaeng kanilang binabastos kanina. Napalakas ang tulak niya sa babae, mabuti na
lang at naalalayan agad ito ni Marcus.

Sa ngayon ay nakakapit na si Lazaro sa mga bisig ni Sara.
Tuwang tuwa naman ang kaniyang mga tauhan.

“Ayun baga naman! Naka-jockpot ako sa isang ito. Wahahaha."

“Oo nga boss! Hahaha! Pahiram ako niyan hah!” dagdag pa ni Vito na ikinainis ni Lazaro.

“Siraulo ka! Akin lang ito, humanap ka ng sa’yo.”
Tuwang-tuwa si Lazaro nang biglang hindi niya napansin ang pagdapo ng kamao ni Sara sa kaniyang mukha kaya agad niya ring nabitawan si Sara. Dun na rin kumilos si Zuko, Cindy at
Marcus.

“Bakit ba ang hilig niyong manggulo dito sa lugar namin?” seryosong tanong ni Zuko.

“Bwiset kang babae ka! Bakit mo ako sinuntok?” bulalas naman ni Lazaro kay Sara na ngayo’y nakawala na sa kaniyang pagkakakapit.

“Tingin mo sasama ako sa’yo? Ungas ka!”

Bumunot ng baril si Lazaro pati na rin ang kaniyang mga tauhan kaya bumunot na rin ng baril si
Cindy. Naglabas ng mga patalim si Marcus, inihanda ni Sara ang kaniyang pana at pumuwesto na
ng akmang pagsugod si Zuko.

“Aapat lang kayo mga hangal! Mas madami kami!” sambit ni Lazaro na tinapatan ng panlalait ni
Zuko.

“Mga wala naman kayong binatbat kumpara sa amin.”

“Anong sabi mo?” biglang sumugod si Vito pero nasalag ni Zuko ang pag-atake niya at agad
siyang napatamaan ng sipa ni Zuko sa sikmura. Halos maduwal si Vito at sinuntok rin siya ng ilang beses ni Marcus sa mukha. Doon na nagkagulo ang lahat at naglaban-laban.

Ang ilan ay nagpaputok na rin ng baril.

Tumagal ng dalawampung minuto ang away at marami ang sugatan sa grupo ni Lazaro. Bagamat hinihingal ay wala namang nasaktan sa grupo ni Zuko.

“Kita niyo na! Wala kayong binatbat sa pangkat ko.” habol hiningang pagyayabang ni Zuko na
bagamat mayroong sugat sa ulo ay hindi na niya ininda.

“Babalikan namin kayo!” banta ni Lazaro. Agad bumangon ang bugbog saradong grupo ni Lazaro
at tumakbo na palayo.

“Ayan tama ‘yan! Magsitakbo kayo.” bigkas ni Marcus habang pinupulot ang mga naiwang baril ng nakasagupa nilang grupo.

Hindi pa nakakaalis sina Zuko nang dumating ang mga pulis sa pangunguna ng kanilang Sheriff na
si Luigi.

“Itaas niyo ang mga kamay niyo!” tinutukan sila ng baril ni Sheriff Luigi at ng 3 pang pulis na kasama nito. Mabilis namang umangal ang batang si Marcus.

“Teka Sheriff! Wala po kaming ginagawang masama.”

“Arestado kayo sa ginawa niyong paninira at panggugulo.”

“Sheriff, hindi kami ang nag-umpisa ng gulo kundi ang grupo ni Lazaro.” mariing sambit ni Zuko.

"Paano ko sila aarestuhin kung wala naman sila dito? Kayo ang naabutan ko kaya h’wag na kayong magpalusot!”

“Sheriff naman! Kami na naman ang inaaresto niyo. Kami na nga itong tumutulong!” angal
muli ni Marcus. Hindi pa rin sila pinakinggan ni Sheriff Luigi, sa halip ay pinosasan na nila ang apat na miyembro ng Zamora.

“Hahanapin din namin ang grupo ni Lazaro kapag sumama na kayo sa presinto.”

Walang nagawa sina Zuko kundi ang sumama na lamang dahil pagod na rin sila dulot ng
kinasangkutan nilang bakbakan kanina.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon