Kabanata XXVII: ANG KABUTIHAN NI PRINSESA MANORAH

36 3 0
                                    


Habang sa kaharian naman, kinagabihan ay hindi makatulog si Prinsesa Manorah kaya naisipan
niya munang puntahan ang batang magnanakaw na nakakulong.

Sa kaniyang paglalakad ay
nakasalubong niya ang mandirigmang may gusto sa kaniya na si Aztec. Agad itong nagbigay-galang
sa kaniya sa pamamagitan ng paglalagay niya ng kaniyang kamao sa dibdib sabay tungo.

"Ikaw pala Prinsesa Manorah. Saan ka patungo?" magalang na tanong ni Aztec.

"Titingnan ko lang 'yung ipinagkatiwala ni ina sa amin ng kapatid kong si Alora."

"Ganun ba? Maaari ba kitang samahan?"

"Maraming salamat Aztec, subalit hindi na kailangan." nakangiting tugon ni Prinsesa Manorah
sa kaharap niyang mandirigma.

"Pero prinsesa, lubhang delikado kung nag-iisa ka kaya hayaan mo akong samahan ka."
ramdam ng prinsesa ang pag-aalala sa kaniya ni Aztec kaya naman sandali lang siyang nag-isip
hanggang sa mapagtanto niya na wala namang masama kung sasamahan siya ng mandirigmang
alam niyang may pagtingin sa kaniya.

"Oh sige, tayo na."

Nagpatuloy na sila. Aminado si Aztec na kinakabahan siya sa tuwing malapit siya kay Prinsesa
Manorah.

Bumibilis ang tibok ng kaniyang puso. Tanging si Prinsesa Manorah lang ang
nagpapakaba sa mandirgmang si Aztec. Nais niya sanang makipagkwentuhan sa prinsesa pero
labis siyang nahihiya ngunit pinili niyang labanan ang kaniyang hiya dahil naisip niyang ito na ang
kaniyang pagkakataon upang mapalapit sa prinsesa.

"Ahmm, mahal na prinsesa, maaari ba kitang maging ka-kaibigan?"

"Oo naman." nagtataka ngunit nakangiting tugon ni Prinsesa Manorah.

"Maraming salamat, prinsesa. Ang totoo ay matagal na kitang nais makausap subalit
masyado kang maraming kasamang mga babaeng alalay, nahihiya tuloy akong lapitan ka."
tagaktak sa pawis na sambit ni Aztec na tila ba ang kaniyang kakisigan ay nagkubli dulot ng kaba na
kaniyang nararamdaman.

"Maaari mo naman akong lapitan, huwag kang mahihiya Aztec."

"Kilala mo ako?" napahinto sa gulat ang mandirigma habang binabaybay nila pababa ang mga
baitang patungo sa silid na kulungan.

"Oo naman. Sino ang hindi makakakilala sa inyo ng kapatid mong si Arum. Sa bawat
tagumpay ng kaharian ay hindi nawawala ang inyong pangalan."

"Salamat sa papuri, prinsesa."

"Walang anuman. O sige, hintayin mo na lang ako diyan sa may pintuan."

"Kung iyon ang iyong nais kamahalan, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka,
nandito lang ako." makisig na usal ni Aztec. Pagkatapos ay nakipagkwentuhan siya sa mga
nagbabantay sa labas ng kulungan.

Naabutan naman ni Prinsesa Manorah na umiiyak ang batang
siya namang kaniyang pakay. Agad niyang binuksan ang silid kung saan ito nakakulong at pumasok
rin sya mismo sa loob.

"Anong problema? Bakit ka umiiyak?"

"Gusto ko na pong umalis dito. Gusto ko nang umuwi." pagmamakaawa ng bata.

"Huwag kang matakot. Hindi ko iyon hahayaang mangyari. Teka, ano ba ang iyong
pangalan?" mahinahong bulalas ni Prinsesa Manorah. Batid niya ang takot na nararamdaman ng
bata.

"Bruno po. Ako po si Bruno."

"Napakagandang pangalan." (napansin ng prinsesa ang sugat sa braso ng bata) "Sandali lang,
napaano ang braso mo?"

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon