Samantala, sa kaharian ng Vireo ay maingay sa loob ng silid-pulungan dahil bawat isa ay may kani-kaniyang kuro-kuro hindi pa man nagsisimula ang pulong. Wala pa ang reyna sa loob pero marami na ang naroroon.
Maya-maya ay dumating na si Reyna Verina kasama ang kaniyang kanang kamay
na si Luna. Nagsitayuan ang lahat upang magbigay-galang.“Naririto na ba ang lahat?”
“Marami pa ang kulang mahal na reyna. Wala pa ang inyong bunsong anak na si Prinsesa Aleyah at ang dalawa niyang mahuhusay na tauhan na palagi niyang kasa-kasama. Wala pa
rin ang inyong panganay na anak na si Prinsipe Zeus at ang dalawang pinakamagigiting na
mandirigma ng palasyo na sina Aztec at Arum.” magalang na sagot naman ng mensaherong si
Lancelot.“Kung gayon ay maghintay pa tayo ng kaunting oras hanggang sa tayo ay makumpleto.” ani
ni Reyna Verina kasabay ng pagpunta niya sa unahan.“Ina, hindi ba at parang nakakainsulto naman yata ang pagiging huli ni Aleyah! Hindi pa siya dumating sa tamang oras ng pagpupulong kahit noong nabubuhay pa si ama.” naiinis namang
pahayag ni Prinsesa Alora na kaagad namang sinang-ayunan ng 2 alipores na kasama niya.“Pagpasensiyahan mo na ang iyong bunsong kapatid Prinsesa Alora. Batid naman nating labis siyang abala.” pagtatanggol ng Punong konseho ng palasyo na si Carlile kay Prinsesa Aleyah bago nagtungo sa unahan sa tabi ng reyna at ng kanang kamay nitong si Luna.
“Marami siyang tauhan kaya bakit hindi na lang niya utusan ang kaniyang mga tauhang
pinamumunuan sa halip na sumama pa sa mga misyon? Napakalayas niya talaga!” saad muli
ni Prinsesa Alora. Ang totoo ay hindi kasi talaga niya kasundo ang bunso niyang kapatid na si Prinsesa Aleyah kaya palagi niya itong sinisiraan.“Huwag mo nang igaya pa sayo si Aleyah, kapatid. Alam naman natin ang kakaiba niyang istilo ng pamununo at isa pa, walang masama kung gusto niyang palaging sinasamahan ang
kaniyang mga tauhan sa bawat misyon.” kalmadong paliwanag naman ng ikatlong anak ng reyna
na si Prinsesa Manorah.Makalipas ang ilang minuto ay dumating na sina Aztec at Arum. Agad silang tumungo at nagbigay-galang sa reyna.
“Mawalang-galang na kung nahuli kami ng dating mahal na reyna.” paumanhin na bungad ng matipunong si Aztec.
“Hindi na bale. Nasaan na nga pala si Zeus? Hindi siya maaaring mawala sa pagpupulong na
ito.”“Pinasasabi po ng mahal na prinsipe na hindi siya makakarating sa pagpupulong sa
kadahilanang masama po ang kaniyang kalagayan.” paliwanag naman ni Arum.“At bakit? May nangyari ba sa aking anak?”
“Nagtamo po siya ng mga sugat mula sa naging pagsasanay nila ni Prinsesa Alora kanina.”
“Pagsasanay? Napakarami niyang palusot. Kung gayon ay puntahan niyo siya sa kaniyang silid at sabihin niyong magtungo siya rito ngayon din kung ayaw niyang ako pa mismo ang
sumundo sa kaniya!”“Masusunod po kamahalan.”
Mabilis na lumabas ng silid-pulungan sina Aztec at Arum upang puntahan ang prinsipe. Hindi naman napigilan ng reyna na huwag sermonan ang pangalawa niyang anak sa harap ng iba pang
taga-Vireo.“Alora, hindi ba at pinagsabihan na kita na huwag mong tototohanin ang mga pagsasanay?”
“Pero ina, hindi ko naman alam na wala pa lang binatbat ang aking kapatid na prinsipe. Hindi ko na dapat siya papatulan ngunit hinamon niya ako. Alam mo namang hindi ako umaatras sa
mga laban.”
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AdventureSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...