Kabanata XIX : ANG TAGAPAGLIGTAS

31 3 0
                                    


Kinabukasan ay nagtungo si Prinsesa Aleyah sa lungsod ng mga mamamayan ng Vireo. Palagi
niya talaga iyong ginagawa upang masiguro na walang mga sibilyan ang makakapasok sa teritoryo
ng Vireo.

Batid ni Prinsesa Aleyah na hindi na masyadong napagtutuunan ng pansin ng kaniyang
ina ang kalagayan ng mga mamamayan dito kaya siya na ang nagkukusa. Sa tuwing siya ay
dadalaw sa lungsod na ito ay palagi niyang naaabutan ang mga bata na naglalaro pero kapag
nakita na siya ng mga ito ay biglang nagtatago ang mga bata pero nananatiling nasa labas ng
bahay ang mga nakatatanda. Gayun pa man ay hindi ito pinapakialaman ng prinsesa dahil
nakapokus lang siya sa kaniyang pakay. Naglibot siya sa buong lungsod upang magmasid. Nung
araw na iyon ay kasama niya si Olrick at Tamara. Sa dami ng kaniyang tauhan ay si Olrick at
Tamara ang madalas niyang isama.

“Prinsesa, ganito ba talaga katahimik sa lugar na ito?” nagtatakang tanong ni Olrick.

“Malaki ang pinagbago ng lungsod na ito magmula ng mamatay si ama. Dati-rati ay palaging
may kasiyahan sa lungsod na ito pero ngayon ay sobrang tahimik na.”

“Kapansin-pansin nga iyon prinsesa, para bang walang nakatira sa lungsod na ito dahil sa
sobrang tahimik. Bakit hindi natin sila kumustahin?” mungkahi naman ni Tamara.

“Yun na nga ang pakay natin diba.”

“Ang ibig kong sabihin prinsesa, bakit hindi natin sila tanungin upang malaman natin kung
may problema.”

“Ramdam kong may problema ang lungsod na ito, pero ang tagal ko na silang pinupuntahan
at binibisita pero kahit isa, walang nagsalita, walang humingi ng tulong sa akin. Alam mo
namang nakabukas ang aking palad upang tumulong, sila lang ang hinihintay kong lumapit.”
bulalas ni Prinsesa Aleyah na sinang-ayunan ni Tamara.

“Sabagay, tama ka nga prinsesa.”

“Prinsesa Aleyah, sa palagay mo, bakit ayaw ka nilang lapitan upang hingian ng tulong?”
tanong naman ni Olrick.

“Hindi ko sila masisisi dahil sa dami ng masasamang kwento tungkol sa akin, marahil ay
inaakala nilang masama ako.”

“Nais mo bang gumawa kami ng aksiyon ni Tamara? Maaari naming itama ang mga maling
kwento tungkol sayo

“Hindi na kailangan, Olrick. Lalabas din ang katotohanan at isa pa kung may tiwala sila sa
akin, hihingi sila ng tulong kung kailangan talaga nila.”

“Ahm Prinsesa Aleyah?”

“Ano iyon?”

“Nais ko lang magpasalamat sa ginawa mo kahapon.”

“Alin don?”

“Yung kay Duke Flavio… dahil tuloy sa akin ay mapapasama ka pa.”

“Ah yun ba? Wag mong isipin ‘yon Olrick. Ginusto ko rin naman. Matagal ko na kayang
gustong makaharap ang duke.” seryosong usal ni Prinsesa Aleyah.

“Pero ang husay mo kahapon prinsesa, walang panama sayo si Duke Flavio!”

“Ah talaga?”

“Anong ah talaga? Hindi mo ba naaalala, prinsesa?”

“Alam mo namang sa tuwing nagagalit ako, hindi ko na alam ang ginagawa ko”

“Hahaha nagpapatawa ka talaga prinsesa, kailan nga pala ang paglilitis mo? Sisiguraduhin
naming nandun kami ni Olrick para samahan ka.” natawang sambit naman ni Tamara.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon