Kabanata VII : ANG PAGTATAGPO

46 3 0
                                    

"Kamahalan, saan pa kayo tutungo?" tanong ni Tamara nang mapansing humiwalay ng direksiyon si Prinesa Aleyah.

"Mauna na kayo sa Vireo, may pupuntahan lang ako."

"Kung iyon po ang inyong nais, mag-iingat ka prinsesa."

Ang totoo ay napukaw ang atensiyon ng prinsesa ng isang malaking usok na bumabalot sa kalangitan sa di kalayuan. Agad siyang nagtungo sa pinanggagalingan ng maitim na usok hanggang sa makarating siya sa isang kabayanan. Doon ay napagtanto niya na napadpad na
pala siya sa lugar ng mga ordinaryong tao kaya agad niyang inalis ang isang makinang na
balabal na kaniyang suot upang maitago ang kaniyang pagiging maharlika at prinsesa.

Ang usok na kaniyang nakita ay nagmumula pala sa isang nasusunog na bahay kung kaya't nagkakagulo ang mga tao. Kani-kaniyang takbo at buhos ng tubig ang mga tao upang mapatay ang malaking apoy. Nakabibingi ang kanilang mga sigawan at iyakan.

Sa una ay pinanood lang ng Prinsesa ang mga tao ngunit maya-maya ay tumulong na siya, hindi sa pagsasaboy ng tubig sa nasusunog na mga bahay kundi sa pamamagitan ng pagkontrol sa mismong apoy. Ngunit
sinigurado niya na walang sinuman ang nakakita sa kaniya. Nagulat naman ang mga tao sapagkat hindi nila alam kung paanong ang napakalaking apoy ay bigla nalang humina na para
bang ang apoy ay may sariling buhay na kusang lumiliit. Nang humupa ang apoy ay pabalik na sana siya sa kaharian nang sa sobrang dami ng tao ay may nakabanggaan siyang isang lalaki na tila ba nagmamadali kung kaya't pareho silang natumba.

"Hindi ka ata tumitingin sa dinaraanan mo binata!" mataray na saad ni Prinsesa Aleyah matapos makatayo.

"Paumanhin magandang binibini subalit mukhang ikaw ang bumangga sa akin kung hindi ako nagkakamali." tugon naman ng binatang si Zuko.

"Hindi ko gusto ang tono ng iyong pananalita. Nasaan ang iyong pinuno at kakausapin ko siya dahil sa iyong kalapastanganan!"

"Pinuno? Hahahaha! Ano bang sinasabi mo binibini?"

"Pinaglilingkuran? Sino ang iyong pinaglilingkuran? Di hamak naman na isa ka lang
tagasilbi."

"Mukhang ang iyong pananalita ang hindi ko nagugustuhan." nakangiting sagot ni Zuko
kahit pa nainsulto siya sa sinabi ng prinsesa.

(Biglang sumulpot si Marcus.)

"Katatapos lang ng panggugulo ng mga kawatan sa pamilihan tapos ngayon naman may
nasunog na kabahayan! Ano na bang nangyayari sa lugar... naputol ang pagsasalita ni Marcus nang
mapatingin siya sa prinsesang nasa kaniyang harapan.

"At sino naman iyang bagong dating?" ani ng prinsesa na ginantihan naman ng pambobola
ng batang si Marcus.

"Magandang binibini, ako ang iyong kinabukasan ay este Marcus pala ang aking ngalan." sabay halik sa kamay ni Prinsesa Aleyah. Ang seryosong mukha ng Prinsesa ay napalitan ng
magandang ngiti.

"Mabuti pa ang isang ito, marunong gumalang." usal ng prinsesa.

"Huwag na kayong magtaka pa sa pag-uugali ni Kuya Zuko, binibini. Hindi talaga siya mabait sa mga magagandang dilag na kagaya mo."

(Pasimple namang siniko ni Zuko si Marcus.)

"Aray!"

"Tara na Marcus! Ang mabuti pa ay umalis na tayo."

"Mauna ka na Kuya Zuko, nakikipag-usap pa ako sa magandang binibini."

"Bahala ka nga diyan, Marcus!"

Paalis na sana si Zuko nang hawakan siya ng mahigpit sa bisig ni Prinsesa Aleyah. Nabigla si Zuko dahil ramdam niya ang lakas ng Prinsesa kahit kabasta lang siya hinawakan nito.

"Tinatanong ko pa kung sino ang pinaglilingkuran mo upang siya na ang bahalang
magparusa sayo." seryoso at gigil na pahayag ng prinsesa na hindi naman maunawaan ni Zuko.

"Pinaglilingkuran? Ano ba iyang sinasabi mo?"

"Amo? Pinuno? O kung ano man ang tawag niyo don!"

"Alam mo binibini, dito sa lugar ko, ako ang pinuno kahit itanong mo pa diyan sa batang katabi mo."

"Bata? Hindi na ako bata. Umalis ka na nga Kuya Zuko! Panira ka sa diskarte ko e!"
padabog na bulalas ni Marcus.

"Alam mo dun sa lugar ko, lahat ng may atraso sakin ay lumuluhod sa harapan ko."

"Hahahaha, ano ka prinsesa?" malokong bigkas ni Zuko.

"Ganun na nga."

"Hahaha! Nagpapatawa ka ata. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang mga kaharian at
prinsesang sinasabi mo."

"Isipin mo na kung paano mo mapagbabayaran ang kalapastanganan mo binata."

"Bayad? Gusto mo ng bayad? O sige!"

Mabilis ang pangyayari nang biglang hinalikan ni Zuko ang Prinsesa na labis naman nitong ikinagulat. Bumitaw lamang si Zuko nang itulak siya ni Prinsesa Aleyah na sa ngayon ay namumula,
sa sobrang pagkainis.

"Oh ayan. Nabayaran na kita binibini." mapang-asar na usal ni Zuko.

Sa sobrang pagkapikon naman ng prinsesa ay balak na sana niyang bumunot ng espada ngunit nakatakbo agad si Zuko. Tanging si Marcus lang ang naiwan sa harapan niya na todo hingi naman ng tawad sa ginawa ni Zuko.

"Ipagpaumanhin binibini sa kaniyang inasal pero ...

"Alis na!"

"Ano? Huwag mo naman akong ipagtabuyan mahal ko."

"Ang sabi ko umalis ka na rin sa harapan ko!"

"Pero hindi ko pa naitatanong ang iyong pangalan."

Hanggang sa tuluyan na ngang binunot ng prinsesa ang kaniyang espada sa sobrang inis at doon na nagsimulang kumaripas ng takbo palayo si Marcus nang malapitan niyang makita ang
matalim na espada. Matapos ang pagtatagpong iyon ay bumalik na sa kaharian ang Prinsesa sakay ng kaniyang matikas na puting kabayo.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon