Kabanata XV : PLANONG PAGTAKAS

40 3 0
                                    

Samantala, dalawang araw nang nakakulong ang grupo ni Zuko matapos silang mahuli ni Sheriff
Luigi. Hindi maitago ang ni Sara ang kaniyang labis na pagkainis sa sitwasyon nila ngayon.

“Bwiset talaga ‘yang si Sheriff! Kapag nakita ko talaga siya, ako mismo ang magpapatumba
sa kaniya.”

“Ssssshhhh. H'wag kayong maingay.” sambit ni Zuko habang komportableng nakahiga at nakatitig
sa kandado ng rehas na kulungan.

“At anong magagawa ng maghapon mong pagtitig diyan sa kandado?”

“Nag-iisip ng plano si Kuya Zuko para makatakas tayo dito.” siya namang pagsagot ni Marcus
sa tanong ni Sara para kay Zuko.

“Siguruhin mo lang na maganda iyang maiisip mong plano. Gusto ko nang lumabas dito sa
kulungan na 'to!”

“Sssshhh! Akala mo ba ikaw lang?” pagsaway ni Zuko kay Sara. Nang bigla na lang tumayo si
Zuko at bumulagta. Napasigaw naman ang kanina ay nananahimik na si Cindy.

“Zuko! Anong nangyari sa kaniya?”

Kuya Zuko! Kuya Zuko anong nangyari sayo?” dagdag pa ni Marcus. Kapwa sila nag-aalala ni
Cindy, kabaligtaran naman ng ipinakita ni Sara.

“Hay! Yan ba ang naisip niyang plano?”

“Palagay ko, ang mawalan ng malay at bumulagta ay hindi parte ng plano niya.”
Kinakabhang sambit ni Cindy habang tinitingnan kung may pulso pa si Zuko.

Agad namang
lumapit ang isang guwardiya.

“Anong nangyayari diyan?”

“Bulag ka ba? Nawalan ng malay ang kasama namin tapos tatayo ka lang diyan!” inis na
sumbat ni Cindy sa guwardiya na pinapanood lang sila mula sa labas ng rehas.

“Hindi ako doktor! Anong magagawa ko?”

“Ungas! Edi buksan mo itong kulungan nang madala agad natin siya sa hospital!” gigil na
pahayag ni Sara.

“Hindi pwede, magagalit si Sheriff kapag nakatakas kayo.”

Gayun pa man, bahagyang lumapit ang guwardiya at tininggan kung may pulso pa si Zuko. Laking
gulat niya nang biglang nagkamalay si Zuko at malakas na hinila ang braso ng guwardiya at
hinawakan niya ito sa leeg.

Hindi makawala ang guwardiya sa pagkakasakal sa kaniya ni Zuko
hanggang sa maagawan siya ng baril ni Sara.

“Susi! Nasaan ang susi?” bulalas ni Zuko habang mahigpit na sinasakal ang guwardiya na halos
hindi na makahinga.

“Teka! Heto na hinahanap ko na.” napansin naman ni Cindy ang nakalawit sa bulsa ng guwardiya
at bigla niya itong hinila.

“Heto na! Nakuha ko na. Tapusin niyo na ‘yan!”

Pinilipit na ni Zuko ang leeg ng guwardiya hanggang sa bumulagta na ito. Binuksan na nila ang
kandado ng kulungan at dahan-dahang lumabas. Pero hindi pa doon nagtatapos ang lahat dahil
makakasagupa pa nila ang ibang bantay.

“Dahan-dahan lang. Mukhang tulog ang mga batugang guwardiya.” pabulong na sambit ni
Zuko. Dahan-dahan nilang nilagpasan ang mga tulog na nagbabantay nang biglang bumahing si
Marcus na patunay lang na sa isang grupo ay hindi talaga mawawalan ng pahamak na miyembro.

“Aaachhuuuu!”

Napatingin kay Marcus ang kaniyang mga kasama at sinamaan siya ng tingin. Mabuti at hindi
nabulahaw ang mga guwardiya.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon