Kinabukasan, pumasok sa isip ni Prinsesa Manorah na kailangan niyang pasalamatan ang
mandirigmang tinutukoy ni Prinsesa Aleyah.Naisip niya na kung hindi si Althea ay wala nang ibang
gagawa noon kundi ang mandirigang si Aztec na noon pa man ay alam na niyang may pagtingin sa
kaniya.Lalapitan niya sana ito subalit bigla niyang nakitang parating ang kapatid niyang si Prinsesa
Alora kaya minabuti niya munang umiwas."Aztec at Arum." maawtoridad na tawag ni Prinsesa Alora sa magkapatid.
"Bakit po mahal na prinsesa?" tanong naman ni Aztec na may hindi magandang kutob.
"Nais kong lumabas upang mag-ensayo."
"Paumanhin kamahalan pero pinagbabawalan po kayong lumabas ng kaharian diba?"
magalang na tugon muli ni Aztec."Kung ganon, dito na lang ako magsasanay. Ayos lang ba?"
"Wala pong problema. Gusto niyo po bang tumawag kami ng mandirigmang maaari niyong
makaensayo?""Hindi na kailangan, kayo ang gusto kong makalaban." bulalas ni Prinsesa Alora na ikinagulat
ni Arum. Kapag nagkataon kasi ay iyon ang unang beses na makakasama nila sa isang pagsasanay
ang ikalawang anak ng reyna."Po? Pero."
"Tinatanggihan niyo ba ako?"
"Kamahalan, hindi naman po sa ganon."
"Kung ganon labanan niyo ako!" kumpiyansa at mapanghamong usal ng prinsesa. Malinaw na
may iba siyang pakay kaya diretso siyang tinanong ng walang inaatrasan na si Aztec."Gusto mo ba kaming gantihan sa ginawa naming pagtulong kay Prinsesa Manorah?
Paumanhin, pero ginawa lamang namin ang sa tingin namin ay tama.""Tapos na iyon. H'wag na nating pag-usapan." wika ng prinsesa ngunit kabaligtaran ng kaniyang
sinabi ang tunay niyang nararamdaman."Pero bakit kami ang gusto mong makalaban?"
"Ayaw niyo ba? Gusto kong subukan ang inyong husay."
"Saglit lang, prinsesa. Hayaan niyo muna kaming mag-usap ng kapatid kong si Aztec."
mabilis na hinatak ni Arum si Aztec sa hindi kalayuan. Ilang segundo pa lang ang nakalilipas ay
nainip na si Prinsesa Alora."Bilisan niyo! Alam niyong ayaw kong naghihintay."
Bahagyang lumayo si Aztec at Arum.
"Sabi ko na eh! Tayo ang pag-iinitan niya!"
"Hayaan mo na, Arum. Sanay naman tayo sa mga ganitong sitwasyon. Gayun pa man,
kailangan nating pagbigyan si Prinsesa Alora bilang paggalang sa isang maharlikang kagaya
niya.""Kung sa bagay. Ang mga mandirigmang tulad natin ay walang inuurungan."
Lumapit na ulit sila sa prinsesa na halatang walang kakaba-kaba.
"Ano ang inyong pasya?"
"Tinatanggap namin ang iyong hamon." magalang ngunit buo ang loob na sagot ni Aztec.
"Mabuti. Ano pang hinihintay niyo? Kunin niyo na ang pinakamaganda niyong espada at
kalasag.""Binabalaan ka namin prinsesa. Mahirap kaming talunin kapag magkasama."
"Talaga? Kung ganon ay magtawag kayo ng mga manonood para masaksihan nila kung
paano ko kayo tataluning dalawa." mayabang na bulalas ng prinsesa.
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AventuraSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...