Ayon sa paniniwala ng mga taga-Vireo, ang susunod na pinuno ng kaharian ay nagpapakita ng mga
palatandaan. Ngunit may isa silang pinaniniwalaan na tumutugma sa lahat ng mga naging hari at
reyna na ng kaharian.Sinasabi na ang sinumang makakahuli ng isang Barameda ay ang siyang
susunod na magiging pinuno ng kaharian. Ang Barameda ay isang uri ng hayop na kahalintulad ng
usa, subalit ang ikinaiba lamang nito ay mayroon itong pakpak at kulay gintong kulay.Bagamat marami ang lahi ng hayop na ito sa kagubatan ay mailap ang mga ito at noong nabubuhay pa si
Haring Vireo ay nagawa niyang makahuli ng dalawa nito noong siya'y binata pa at isa pa lamang
prinsipe.Ang paghuli sa ganitong uri ng hayop ay kinakailangan ng pambihirang talino.
Isang araw ay naisipang mangaso ni Prinsipe Zeus. Kasama niya ang magigiting na pinuno ng mga
kawal na sina Aztec at Arum. Pero ang totoo ay nais lamang niyang umiwas sa pangalawa niyang kapatid na si Prinsesa Alora upang hindi na muna sila magkaalitan. Hindi niya inaasahan na
makakadaupang-palad niya ang isang Barameda."Nakita niyo ba 'yon?" nakagugulat na bulalas ni Prinsipe Zeus.
"Ang alin mahal na prinsipe?" tanong naman ni Aztec.
"Tara! Sundan niyo ako. Kailangan ko iyong mahuli at madala sa kaharian!"
Mabilis na hinabol nina Prinsipe Zeus, Aztec at Arum ang Baramedang kanilang nakita. Mabilis itong
tumakbo kung kaya't nahirapan ang mga mandirigma. Sa utos ng prinsipe ay naghiwa-hiwalay sila ng direksiyon upang mahuli ang mailap na hayop. Bagamat mabilis ay natatanaw pa rin ng prinsipe
ang Barameda na tumatakbo palayo sa kaniya pero hindi siya sumuko.Sa paghabol sa Barameda ay tuluyan na ngang napahiwalay si Prinsipe Zeus kina Aztec at Arum. Umabot din ng labinlimang
minuto ang umaatikabong habulan.Nawala sa paningin ng prinsipe ang Barameda kaya saglit siyang nagpahinga. Nakarinig siya ng
mga kaluskos kaya agad siyang napatayo at binunot ang kaniyang espada at dahan-dahang
tumungo sa pinanggagalingan ng kaluskos. Nagtago siya sa likod ng isang malaking puno at nang
maramdamang may paparating ay agad niyang itinapat rito ang kaniyang espada. Mabuti na lamang
at hindi niya itinuloy dahil ang sumulpot pala ay si Aztec."Muntik mo na akong mapatay prinsipe. Mabuti at magaling akong umilag."
"Akala ko kalaban ang parating. Nasaan na si Arum?"
"Nagkahiwalay rin kami ng aking kapatid kanina. Nasaan na ang Baramdeda? Nahuli mo ba,
prinsipe?""Natakasan ako. Masyado itong mabilis!" nanghihinayang na sagot ni Prinsipe Zeus.
"Kamahalan bakit hindi tayo humingi ng tulong kay Prinsesa Manorah, marami siyang alam na patibong para sa mga hayop, tiyak na matutulungan niya tayo."
"Hindi na kailangan Aztec, wala na tayong oras at isa pa, wala akong balak humingi ng
tulong sa kaniya.""Bakit naman prinsipe, ibahin mo si Prinsesa Manorah sa dalawa mo pang kapatid na
prinsesa, dahil mabait siya at mapagkumbaba kaya hindi ko alam kung bakit hindi kayo
magkasundo.""Magkasundo naman kami ni Manorah pero sadyang hindi lang talaga kami malapit sa isat-
isa.""Sayang naman. Hihingi pa naman sana ako sayo ng tulong upang mas mapalapit ako sa kaniya dahil sa maniwala ka o hindi, ako ay may lihim na pagtingin kay Prinsesa Manorah."
malungkot na usal ni Aztec.
Biglang dumating si Arum."Ako rin mahal na prinsipe, baka maaari mo akong ilakad kay Prinsesa Aleyah!"
"Itigil niyo na muna ang kahibangan niyo. May mahalaga tayong ginagawa"
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AventuraSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...