Kabanata XXVI: ANG MGA AMASONA

32 2 0
                                    


Subalit sa paglalakad ng hukbo ay may nakadaupang-palad sila. Nakarating na pala sila sa teritoryo
ng mga amasona. Gayun pa man, hindi sila masyadong nababahala dahil kasama nila si Talina na
isa ring amasona. Subalit hinarang pa rin sila ng mga ito sa pangunguna ng tatlong babaeng amasona na sina Krishna, Sanya at Aryan.

Krishna – Siya ang pinuno ng mga amasona. Wala siyang kinatatakutan at magaling siyang
magpasunod.

Sanya – Siya ang dating matalik na kaibigan ni Talina. Bagamat palaban ay may malasakit siya sa
iba.

Aryan – Isa siyang malupit at walang awang amasona. Pero galit lamang siya sa mga masasamang
nilalang at ang mabubuti ay kaniyang hinahayaang mabuhay. May kalakihan ang kaniyang katawan.
Siya ang pambato ng mga amasona sa mga labanan.

“Ano ang inyong pakay rito?” matapang na tanong ng lider na si Krishna.

“Napadaan lamang kami kaya h’wag kayong umasa na may pakay kami sa inyo.” mabagsik na
sagot ni Duke Flavio na hindi alintana ang mga amasonang nakapalibot sa kanila.

“Mukhang lingid sa inyong kaalaman na ang sino mang mapadpad dito sa aming teritoryo ay
hindi na nakakaalis pa!”

Siyempre naman at alam ko iyon. Basang-basa ko na rin ang inyong mga galawan. Wala
kayong ipinagkaiba sa mga rebelde at bandido. Bwahahaha!”

“Huwag mo kaming igaya sa kanila dahil hindi kami pumapatay ng mga inosente at walang
kasalanan!” paglilinaw ni Krishna.

“Bakit, amasona? May ipinagkaiba ba? Pumapatay din kayo hindi ba? Kaya anong karapatan
niyong magmalinis! Ilang beses na ring nabahiran ng dugo ang inyong mga kamay!”

“Oo tama ka duke! Pumapatay talaga kami ng mga kagaya mo.”

Sa tingin niyo ba ako’y natatakot. May dala kaming hukbo ng prinsipe kung hindi niyo
nakikita. Triple ang dami namin kaysa sa mga amasona kaya tiyak na magagapi namin kayo.”
pagbabanta ni Duke Flavio sa mga kababaihang mandirigma.

“Lapastangan ka duke! H’wag mong kalimutang nasa teritoryo ka namin kaya matuto kang
magpasintabi man lang.” galit na paalala ni Krishna.

Umiinit na ang sitwasyon kung kaya naman
ay nakialam na si Prinsipe Zeus na agad nagtungo sa harapan ni Duke Flavio.

“Ako na ang humihingi ng paumanhin sa inyo. Ang totoo ay pabalik na kami sa kaharian at
napadaan lamang kami rito kaya kung inyong mamarapatin ay umalis na kayo sa aming
daraanan at palampasin na kami upang hindi na magkagulo pa.”

Natahimik ang mga amasona dahil ang totoo ay namangha sila sa kakisigan ng prinsipe.

Pero napansin ni Sanaya ang dati niyang kaibigan.

“Kumusta Talina? Ang tagal nating di nagkita! Kumusta sa kaharian? Mukhang may napala
ka naman dahil isa ka na ngayong kanang-kamay ng mayabang na duke. Kumusta ang
ginawa mong pagtalikod sa ating lahi?” panunumbat naman ni Sanya na agad sinagot ni Talina.

“Wala akong tinalikuran. Baka nakakalimutan niyong pinaalis niyo ako sa grupo!”

“Hanggang ngayon pala ay nagmamaang-maangan ka pa rin, Talina. Kung hindi ka nagtraydor, kabahagi ka pa sana namin.”

“Hindi bale na. Aalis na kami, at para sa inyong kaalaman. Hindi na ako babalik pa sa grupo
ng mga amasona kailanman.”

“Sana ay tinanong mo muna kung may babalikan ka pa, taksil.” palabang pahayag ni Sanaya.

Inawat naman siya kaagad ni Krishna.

“Sanaya, tama na iyan. Makakaalis na kayo mga taga-Vireo.”

Lumisan na ang hukbo ng duke at prinsipe. Ang totoo ay walang inaatrasan ang mga amasona.

Kapag may mga kalalakihang napapadpad sa kanilang teritoryo ay kanilang binibihag at pinapatay.
Bihira silang pumatay ng kababaihan dahil ang lahat ng babae ay itinuturng nilang kakampi, maliban
na lang kung ito’y masama talaga.

Habang pabalik na sa kaharian ay kinakausap ni Duke Flavio ang
kaniyang kanang-kamay.

“Hindi mo naman sinabi sa akin na tumiwalag ka na pala sa iyong mga kalahi.”

“Masyadong mahabang kwento, duke at ayoko nang balikan pa.” walang ganang sagot ni Talina.

“Kung ganon ay bakit ka ba tumiwalag?”

“Simple lang, gusto kong ako ang maging pinuno ng mga amasona dahil nananalaytay sa akin ang dugo ng mga amasonang pinuno, pero hindi nila ako pinagbigyan. Sa halip ay mas pinanigan nila si Krishna.”

“Hindi pala ako nagkamali sa pagpili sayo bilang aking kanang-kamay! Bwahahaha! Sakim
ka rin pala sa kapangyarihan!”

“Para-paraan lang iyon duke. Kagaya mo, hindi mo mararating ang narating mo ngayon kung
hindi ka naging ganid sa kapangyarihan.” biro ni Talina na hindi itinanggi ni Duke Flavio.

"Bwahahaha! May punto ka nga roon."

Nagpatuloy ang kwentuhan ng duke at ng amasona. Nauuna sa paglalakad si Prinsipe Zeus kaya hindi niya batid ang usapan ng dalawa.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon