Kabanata XVII : ANG ANAK NG DUKE

30 3 0
                                    


Samantala, pagsapit ng hapon ay naisipan ni Althea na puntahan ang mga ordinaryong
mamamayan ng Vireo.

Nagsama siya ng dalawampung tauhan. Sakay ng kabayo ay agad na silang
nagtungo. Nais lang sana niyang kumustahin ang mga pamilya ng mga batang sinasanay niya na
kasalukuyang nasa pangangalaga ng palasyo.

Pagdating niya sa lungsod ay labis siyang nagtaka sa
ikinikilos ng mga mamamayan. Sa kabilang dako ay may mga nagbubulungan.

“Dumating na ang isa pang magpapahirap sa atin!

“Mukhang inutusan muna ng duke ang kaniyang anak na mangolekta ng buwis. Hindi na sila
naawa!”

Inay ano na pong gagawin natin? Masyado siyang maraming kasamang kawal. Baka
mayroon na namang magbuwis ng buhay sa atin!”

“Huwag kang matakot anak.”

Nagulat si Althea nang makitang para bang may gulong naganap sa lungsod. Marami ang sugatan
at sa palagay niya ay marami ang nagugutom.

Saglit lang siyang nagmasid. Hindi siya nagsalita o nagtanong man lang at
pagkatapos ay bumalik na siya sa kaharian matapos niyang makausap ang mga magulang ng ilan
sa mga bata na kaniyang sinasanay.

Natuwa naman ang mga mamamayan dahil hindi na nagtagal
Althea sa kanilang lungsod.

“Sa wakas umalis rin siya!” napabuntong hiningang usal ng isang lalaki

“Mabuti at hindi niya tayo sinaktan!”

“Pero h’wag tayong pakampante dahil siguradong babalik ang anak ng duke para tayo’y
gipitin din kagaya ng ginagawa ng kaniyang sakim na ama!”

Makalipas ang ilang minuto ay nagulat ang lahat nang bumalik si Althea. Pero di gaya kanina ay
sampung kawal na lang ang kasama niya.

Ang mas ikinagulat ng karamihan ay may dala-dala ang
pangkat ni Althea.

“Batid kong hindi maganda ang inyong kalagayan kaya bumalik ako upang magdala  ng mga
gamot para sa mga sugatan at mga pagkain. Nawa ay makatulong iyan sa inyo. Hindi ko alam
na naghihirap na pala ang inyong lungsod. Mukhang hindi na kayo napagtutuunan ng pansin
ng reyna at humihingi ako ng paumanhin dahil masyado lamang siyang abala.”

Nagtaka ang lahat sa narinig pero natuwa sila nang sobra dahil hindi nila inaasahang may mabuti pa
lang kalooban ang anak ng duke. Tinanggap nila ang mga ibinigay ng pangkat ni Althea.

Pagkatapos ay bumalik na sa kaharian ang pangkat. Muli namang nagkwentuhan ang mga
mamamayan ng Vireo na ngayon ay may ngiti na sa kanilang mga labi.

“Mukhang hinusgahan agad natin ang anak ng duke. Mukha namang hindi siya kagaya ng
kaniyang ama.” halos maluhang bulalas ng isang ina.

“Oo nga po ina. Sana ay bumalik ulit siya rito para mas lalo pa natin siyang makilala.”

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon