Kabanata V : ANG ESPIYA

46 3 0
                                    

Samantala, hindi pa natutulog ang espiya at mensaherong si Lancelot. Naisip niya munang
magpahangin at lumabas. Subalit paglabas niya ng kaniyang silid ay nagtaka siya dahil sabay-sabay
na lumabas sa isa pang silid sina Duke Flavio, Talina, Centina at Shanaya. Nagtaka siya nang makitang magkakasama ang apat sa ganoong oras kaya naisipan niyang sundan ang isa sa mga ito.

Napili niyang subaybayan si Centina na pawang pabalik na sa kaniyang silid. Ngunit nag-alangan siya nung una dahil ang silid ni Centina ay malapit sa silid ng reyna. Gayunpaman ay itinuloy niya pa rin ang pagsunod dito. Subalit sa kalagitnaan ng paglalakad ay bumalik si Centina na pawang may
nakalimutan kaya ipinagpatuloy niya ang pagsunod sa kapatid ng reyna. Laking gulat niya nang makitang pumasok si Centina sa isang lihim na silid malapit sa pasilyo ng palasyo.

Samantala ay nasa silid naman ang reyna. Kasama niya ang kaniyang kanang kamay na si Luna.

“Luna”

“Ano po iyon kamahalan?”

“Maaari mo bang silipin ang aking mga anak? Nais ko lang masigurong sila ay nagpapahinga na.”

“Ngayon din po.”

Mabilis na sinunod ni Luna ang mahal na reyna pero laking gulat niya nang makabangga niya sa
pasilyo ng palasyo ang mensaherong si Lancelot.

“Mabuti at nakita kita Luna. Mayroon akong natuklasan na hindi mo paniniwalaan!” pabulong at pinagpapawisang pahiwatig ni Lancelot.

“Maaari bang mamaya mo na iyan sabihin sa akin? Mayroon lang akong importanteng
gagawin na ipinag-utos ng reyna.”

Umalis muna si Luna at sinunod agad ang utos ng reyna. Una niyang pinuntahan ang silid ni
Prinsipe Zeus, kasunod ang kay Prinsesa Alora, sumunod ang kay Prinsesa Manorah at ang panghuli ay kay Prinsesa Aleyah. Pagkapapos ay binalikan niya si Lancelot kung saan niya ito huling
nakita subalit wala na ito roon kaya naman binalikan na niya ang reyna.

“Mahal na reyna, si Prinsipe Zeus po ay nagpapahinga na dahil mukang pagod na pagod po siya dahil gabi na rin siya dumating galing sa isang paglalakbay.”

“Ganun ba? Kumusta naman si Alora?”

“Si Prinsesa Alora po ay gising pa at inaayos niya ang kaniyang mga  sandata.”

“Talaga iyang si Alora! Palagi nalang pakikipaglaban ang nasa isip.”

“Ang mayuming si Prinsesa Manorah naman po ay nagsusulat kagaya ng dati niyang paboritong gawin. Mukang hindi rin po siya makatulog.”

“Mukang malalim ang iniisip ng aking pangatlong anak. Si Aleyah naman kumusta?”

“Wala po siya sa kaniyang silid mahal na reyna.”

“Hindi pa ba siya umuuwi mula kanina?” nag-aalalang tanong ni Reyna Verina.

“Nakita ko po siya kaninang nagtungo sa silid niya upang kumuha ng mga palaso pero
umalis din po siya agad kasama ang kaniyang mga tauhan.”

“Talaga iyang si Aleyah! Misyon na lang palagi ang binibigyang-pansin!”

“H’wag po kayong mag-alala mahal na reyna. Kaya na po niya ang sarili niya. Napalaki niyo po ang inyong mga anak na marunong lumaban. Tiyak kong kaya nilang protektahan ang
kanilang mga sarili.”

“Sana nga Luna…sana nga.”

“Maiwan ko na po kayo mahal na reyna upang makapagpahinga na po kayo.”

“Oh sige, maraming salamat Luna.”

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon