Pagkagaling sa presinto ay agad nagmaneho si Sheriff Luigi patungo sa isang abandonadong gusali
upang tagpuin ang pangkat ni Lazaro. Bago nagmaneho ay sinigurado niyang walang sinuman ang
nakakasunod sa kaniya.Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya at agad pumasok.
Sumalubong sa kaniya si Lazaro at ang mga tauhan nito.“Para kayong mga daga na tago nang tago pagkatapos gumawa ng krimen!”
“Wahahaha! Ano pa nga ba Sheriff. Masyado nang panggulo sa mga plano ko iyang grupo ni
Zuko.” bulalas ni Lazaro. Bakas naman ang pagkainis sa mukha ni Sheriff Luigi.“Kaya nga ang sabi ko sa inyo, tapusin niyo na ang grupong iyon! Aapat lang sila
samantalang kayo ay nasa dalawampu pero hindi niyo sila mapatumba. Mga hangal!”“Masyado mo atang minamaliit ang pangkat ko. Baka nakakalimutan mo na ako at ang aking
grupo ang naghahari dito sa sarili mong lugar!” wika ni Lazaro na may buong pagmamalaki.“Baka nakakalimutan mong, hindi naman mangyayari iyon kung hindi ko kayo pinahintulutan
diba? Kaya ano pang hinihintay niyo? Tapusin niyo na ang grupo ni Zuko para wala nang
mga sagabal!”“Pero Sheriff! Hindi namin alam kung saang lupalop ang kanilang bagong taguan.” banggit
naman ni Vito.“Nag-iisip ka ba? Kung gusto niyo silang mapalabas sa kanilang lungga ay magsimula
lamang kayo ng kaguluhan dito sa bayan at tiyak na darating ang mga iyon.” mungkahi ng
Sheriff na nagustuhan naman ni Lazaro kaya agad niyang pinakilos ang kaniyang mga tauhan.“Magandang ideya. Ano pang hinihintay niyo? Tayo na at tapusin na natin ang mga
pakialamero sa ating paghahari dito.”Mabilis na umalis ang grupo ni Lazaro na agad kumuha ng mga baril at patalim. Mukhang plano
nilang manggulo sa pamilihan kung saan maraming mga tao. Mula sa malayo ay natanaw na sila ng
mga tao at halos tumahimik ang mga mamamayan nang dumating ang grupo ni Lazaro.“Ano pang hinihintay niyo! Kunin niyo ang lahat ng mapapakinabangan! Hahaha!”
Nagsimula nang kumilos ang mga tauhan niya at nilimas ang samut-saring panindang produkto sa
bayan.“Pakiusap huwag niyong kunin ang aking mga paninda. Iyan lamang ang ikinabubuhay ng
aking pamilya.” umiiyak na pagmamakaawa ng isang matanda na hindi naman ginantihan ng
paggalang ni Lazaro.“Wala akong pakialam sayo tanda! Ituloy niyo lang ang ginagawa niyo!”
Umiiyak na lumapit ang matanda kay Lazaro at hinawakan siya nito habang nagmamakaawa subalit
itinulak lang ni Lazaro ang kawawang matanda.Nakita ito ng isang lalaki at sinugod niya si Lazaro
pero bago pa niya masaktan si Lazaro ay naharang na agad ito ng kaniyang ibang tauhan.Pinagtulungan nilang bugbugin ang kawawang lalaki hanggang sa ito ay hindi na makabangon.
“Ang sama mo talaga Lazaro, pati matanda kaya mong saktan!” banggit ng lalaking
nakalupasay sa lupa.“Patayin niyo ang isang iyan! Barilin niyo!” utos ni Lazaro.
“Ano boss?”
“Ang sabi ko barilin niyo ang isang iyan para magsilbing halimbawa sa karamihan!”
Iniangat ni Lazaro ang nanghihinang lalaki at tinutukan naman ito ng baril ni Vito sa ulo.
“Nakikita niyo ang lalaking ito? Ganito rin ang mangyayari sa inyo kapag humarang kayo sa
aming mga plano!” wika ni Lazaro.
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AdventureSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...