Kabanata VIII : PANANABOTAHE

44 2 0
                                    


Samantala, nagkakagulo sa Palasyo ng Vireo dahil ang ilan sa mga tauhan ni Prinsipe Zeus ay nasawi sa pag-atakeng ginawa ng mga tauhan ni Prinsesa Alora. Sa ngayon ay hinihintay ng konseho ang pagdating ni Prinsesa Alora upang mapag-usapan ang gulong nangyari. Labis na
nagwawala ang panganay na prinsipe sa mga kaganapan.

"Hindi ko mapapalagpas ang kalapastanganang ito. Paano niya nagawang ipag-utos na
ipapatay ang ilan sa aking mga tauhan!"

"Mahal na prinsipe, mukang labis talaga ang pagnanais ng iyong kapatid na mapabagsak ka!" dugtong ni Aztec.

"Ngunit kamahalan, sigurado ka na ba na ang mga tauhan nga ni Prinsesa Alora ang may kagagawan ng pag-atake?" tanong naman ni Arum, nais muna kasi niyang makasigurado bago
magbigay ng konklusyon.

"Hindi na siya maaaring tumanggi dahil may mga saksi sa nangyaring pag-atake."

"Kung gayon ay ano ang plano mo mahal na prinsipe?"

"Kailangang harapin niya ang kaparusahan ng kaniyang kapabayaan, dahil ipinag-utos man niya o hindi ay kailangan niyang managot sa pinsalang naidulot niya sa aking mga tauhan." buong tapang na pahayag ni Prinsipe Zeus.

(Biglang dumating ang mensaherong si Lancelot.)

"Mahal na prinsipe, ipinapatawag na po kayo ng konseho, naroroon na rin ang iyong kapatid na si Prinsesa Alora."

"Mabuti naman at sumipot siya! Aztec at Arum, tayo na!"

Nagtungo na ang prinsipe, kasama si Aztec at Arum sa silid-hukuman. Naroroon ang reyna, ang mga konseho at ang ilan pang mahahalagang panauhin. Bagamat galit ang prinsipe ay pinilit niyang maging kalmado at naupo na siya sa kabilang panig, malayo sa kinauupuan ni Prinsesa
Alora. Bakas naman sa mukha ni Prinsesa Alora na hindi siya kinakabahan dahil alam niyang sa kaniya papanig ang mga konseho. Nagsimula nang magsalita si Punong Konseho Carlile.

"Napag-alamang ang ilan sa mga tauhan mo Prinsesa Alora ay nagsagawa ng pag-atake sa kampo ng mga mandirigma na pinamumunuan ng iyong kapatid na prinsipe. Iyon ba ay may bahid ng katotohan?"

"Base sa mga ebidensiyang nakita ay hindi ko na itatanggi iyon punong konseho." malungkot man ngunit walang nababakas na pangamba sa mukha ni Prinsesa Alora sa halip ay
tila ba puno ng kasiyahan ang kaniyang kalooban.

"Ngunit nais namin malaman kung ang pag-atake bang iyon ay ayon sa iyong kautusan."

"Punong konseho, ang katotohan ay wala akong alam sa nangyari dahil ...

"Sinungaling! Sinungaling ka, Alora!" malakas na bulalas ng prinsipe na agad namang napatayo sa galit.

"Patapusin mo muna ang aking pagsasalita aking kapatid. Wala akong ipinag-utos na sugurin ang kampo ng mga mandirigma na iyong pinamumunuan pero gayun pa man, upang maging malinaw ay bakit hindi niyo tanungin ang akin mismong mga tauhan na siyang nagsagawa ng sinasabi niyong pag-atake."

"Inaanyayahan sa unahan ang labindalawang tauhan ni Prinsesa Alora na sangkot sa naganap na pag-atake." utos ni Carlile.

Nagtungo sa unahan ang mga tauhan ng prinsesa. Isa-isa silang humanay sa harap at bakas sa
kanilang mga mukha ang kanilang pagkakamaling ginawa. Lahat sila ay nakatungo nang muli
silang tanungin ni Carlile.

"Ngayon ay aking tatanungin kung kayo ba ay inatasan ng inyong pinunong prinsesa na sumugod sa kampo ng prinsipe?"

"Ang katotohanan ay hindi kami nakatanggap sa prinsesa ng anumang kautusan, punong
konseho." usal ng isang tauhan ng pangalawang prinsesa na sinundan naman ng pahayag ng isa pa niyang utusan.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon