Si Prinsesa Alora ang pangalawa sa magkakapatid na anak ng reyna. May taglay siyang
kagandahan pero mas hinahangaan ang kaniyang galing sa pakikipaglaban.Wala pang kahit isa
ang nakakatalo sa kaniya sa paligsahan na isinasagawa taun-taon. Layunin ng paligsahan na ito
na alamin kung sino ang pinakamahusay na mandirigma at kasalukuyang hawak ni Prinsesa Alora
ang titulo. 10 taon nang isinasagawa ang paligsahan na ito magmula noong isa pa lang ding
prinsipe ang namatay na haring si Vireo. Ang dalawang titulo ng panalo ay nakamit ni Prinsipe
Zeus noong mga unang taon at ang mga kasunod pang anim na paligsahan ay nakamit ni
Prinsesa Alora ang titulo.Siya ang pinakasikat na maharlika sa lahat. Usap-usapan siya kahit ng
ibang kaharian. Bagamat angat sa lahat ay itinuturing niya pa ring karibal ang bunso niyang
kapatid na si Prinsesa Aleyah.Kilala si Prinsesa Alora sa dami na ng kaniyang napagtagumpayan
kaya naman hinahangaan siya ng lahat pero hindi batid ng karamihan ang mga masasamang
bagay at kalupitan na niyang nagawa. Ang nakalulungkot pa ay ang ilan sa mga kasamaang iyon
ay ipinaratang sa kaniyang kapatid na si Prinsesa Aleyah.Si Prinsesa Alora ay talagang kagalang-galang at kinatatakutan.
Bukod kay Prinsesa Aleyah, ay si Althea ang isa pa niyang itinuturing na matalik na katunggali.
Kaya isang araw ay naisipan niyang gumawa ng isang hakbang laban kay Althea.Naabutan
niyang sinasanay ni Althea ang kaniyang mga tauhan. Sila ay nasa labas ng palasyo. Sa una ay
nag-espiya muna siya at pinanood ang mga nangyayari. Nakapuwesto siya sa malayo kaya hindi siya napapansin ni Althea at ng mga sinasanay nito. Habang nagmamasid si Prinsesa Alora ay
nilapitan siya ng kanang-kamay ng duke na si Talina.“Mukhang malalim ang iyong iniisip prinsesa. May binabalak ka ba?”
“Inutusan ba kitang lapitan ako?” mataray na tanong ni Prinsesa Alora.
“Bago ka magalit kamahalan, nais kong malaman mo na tapat ako sayo.”
“Tapat ka sa akin ? Pero ikaw ang kanang-kamay ng duke hindi ba?”
“Ganun na nga prinsesa. Pero kinakampihan ko kung sino ang mas makapangyarihan.”
“Hahahaha! Kung ganon ay isa ka palang traydor, Talina!”
“Hayaan mo akong pumanig sa’yo at hindi kita pagtataksilan Prinsesa Alora.”
kumpiyansang bigkas ni Talina na naging dahilan kung bakit napaisip nang malalim ang ikalawang
anak ng reyna ng Vireo.“Sinasabi mo bang tatalikuran mo ang duke para sa akin?”
“Maaari naman pero mabuti kung maglilingkod pa rin ako sa kaniya nang sa ganon ay
maaari mo akong maging espiya laban sa kaniya kung kinakailangan. Pero kung iyo ring
nanaisin ay maaari mo namang maging kakampi ang pinaglilingkuran kong duke.
Paniguradong magkakasundo kayo.” alok ni Talina.“Hahaha! Magandang alok subalit batid ko na kaalyansa na niya ang kapatid kong prinsipe
at para sabihin ko sayo ay hindi ako makikipagsanib-pwersa ni isa sa aking mga kapatid
dahil sila nga ang itinuturing kong kaaway at karibal sa trono balang-araw diba.” bigkas ni Prinsesa Alora bago niya inalis ang tingin sa amasonang kaharap niya dahil hindi siya interesado
sa alok nito.Ibinaling niya ang kaniyang atensiyon kay Althea na mula sa malayo ay kaniyang
sinisipat ng palaso.“Pero maaari pa rin ba akong maglingkod sayo Prinsesa Alora?”
“Hahaha! Hindi ka pa ba kuntento kay Duke Flavio? At ano naman ang pumasok sa isip mo
at nais mong maging tauhan kita?”“Dahil alam ko kung sino ang laging nagwawagi. Alam kong darating sa punto na
magkakaroon ng malaking hidwaan sa kapangyarihan ang bawat kasapi ng Kaharian ng
Vireo at alam kong sa huli, ikaw pa rin ang mananaig.” mabulaklak na papuri ni Talina.

BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AdventureSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...