Samantala, sa kaharian ng Vireo ay nagulat ang lahat sa pagpasok ni Aztec dala ang isang balita.“Mahal na reyna, nakahuli ng magnanakaw ang mga kawal na nagbabantay sa kanluran ng
kaharian.”“Magnanakaw? Papasukin niyo at aking kakausapin!” napatayo sa trono si Reyna Verina.
“Masusunod po!”
Pinapasok ng mga kawal ang sinasabing magnanakaw. Isa itong batang lalaki na medyo marungis
ang itsura. Agad itong kinausap ng reyna.“Ano ang iyong pangalan?”
“Bruno po, kamahalan.” nakatungong tugon ng bata.
“At ano ang iyong ninakaw?”
“Isang pirasong ginto lang po.”
“Kamahalan, ayon po sa mga kawal ay hinarang nila ang karwahe ng ating kaharian na may
dalang mga pagkain at kagamitan na para sana sa mga kawal na nagbabantay sa lungsod.”
pagsasaad ni Aztec.“Sinasabi mo bang nila? Kung ganon ay marami pala sila. Ina, ako na ang bahala sa
problemang ito. Kailangan nating mapaamin ang batang ito upang mahuli ang iba pa niyang
mga kasama.” prisinta ni Prinsesa Alora na buong-buo ang tiwala sa sarili.“O sige anak, pero pakiusap. Huwag mong papatayin ang batang iyan.” mariing utos ni Reyna
Verina. Batid niya kasi ang kalupitang taglay ng kaniyang pangalawang anak.“Hindi ko po iyan maipapangako pero aking susubukan, ina.”
“Kung ganon, inuutos kong kayong dalawa ni Manorah ang umayos sa problemang iyan.
Maliwanag ba?”“Pero ina!” mabilis na pag-angal ni Prinsesa Alora na kabaligtaran naman sa naging tugon ni
Prinsesa Manorah.“Masusunod po ina.” magalang at walang pag-aatubiling sagot naman ng ikatlong anak ng
reyna.Agad ng ikinulong ni Prinsesa Alora at Prinsesa Manorah ang batang magnanakaw
pansamantala. Nag-uusap sila habang patungo sa kulungan na nasa sikretong silid sa ilalim
ng palasyo.“Ako na ang bahala rito Manorah! H’wag ka nang makialam.” usal ni Prinsesa Alora.
“Wala akong balak pakialaman ka pero siguraduhin mong hindi mo bibiguin si ina.”
mahinahong tugon naman ni Prinsesa Manorah.“Huwag kang mag-alala, hindi kita gagayahin para hindi ako mabigo.”
“Kung kailangan mo ng tulong ko, ipatawag mo lang ako sa aking mga tauhan. Maiwan na
kita, Alora.”“Hindi ko kakailanganin ang tulong mo.”
Pagkatapos ay ikinulong na ni Prinsesa Alora ang bata. Samantala sa labas ng kaharian ng
Arcansas ay nag-uusap pa rin sina Prinsipe Zeus at Duke Flavio.“Nagpapatawa ba si Ramodas, Duke Flavio? Tinalo ko ang kaniyang anak pero nag-aaya pa
siyang uminom!” bulalas ni Prinsipe Zeus.“Ganyan talaga ‘yang si Ramodas! Bwahaha pero walang masama kung tatanggapin natin
ang kaniyang alok.”“Pero paano kung patibong pala iyon? Minsan na siyang naging kalaban ng ating kaharian
diba!”“Pero hindi na natin sila kaaway ngayon, mahal na prinsipe. Baka nga nais pa niyang
makipag-alyansa sa ating kaharian.”
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
PertualanganSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...