Kabanata II : ANG MGA TAGAPAGTANGGOL

90 3 0
                                    

Samantala, sa isang kabayanan na malayo sa kahit na anong kaharian ay naninirahan ang mga
ordinaryong tao na bagamat simple ay may hindi pangkaraniwang pamumuhay.

Naririto ang mga tauhan sa mundo ng mga tao:

Zuko - 20 taong gulang na lider ng isang grupo na nagtatanggol sa mahihina na kung tawagin ay Zamora. Siya’y mapagbiro, maunawain at matulungin. Mahusay siyang makipaglaban kahit hindi
siya gumagamit ng kahit na anong armas.

Marcus - 15 taong gulang at pinakabata sa grupo pero eksperto sa paggamit ng iba’t-ibang klase ng patalim. Mahilig sa mga labanan at paglalakbay kaya madalas maipit sa gulo.

Cindy - 20 taong gulang. Mahusay siya sa paggamit ng lahat ng klase ng baril. Mapagpasensiya pero may otoridad. Magaling rin siya sa pagpaplano.

Sara - 18 taong gulang. Magaling sa paggamit ng pana. Matapang at palaban, kadalasang gusto
niyang siya ang nasusunod. Mapaghinala at hindi siya mabilis magtiwala sa kaninuman.

Isang araw habang pabalik na si Zuko sa kanilang hide out ay may sumigaw na babae matapos hablutin ng isang lalaki ang dala niyang supot na may lamang mga pilak.

“Magnanakaw! Magnanakaw! Tulong! Tulungan niyo ako!” aligagang sigaw ng isang
matandang babae.

“Sandali lang manang, huwag ka munang mataranta! Saang dako ba pumunta yung magnanakaw?” tanong ng binatang si Zuko nang marinig niya ang paghingi ng tulong ng babae.

“Doon!" (sabay turo sa kanluran) "Bilisan mo habulin mo!”

“Paumanhin pero tinatamad pa ako manang. Mamaya na lang siguro kapag marunong ka
nang makiusap.”

“Ano? Paano ako hihinahon nito? Tulong! Tulungan niyo ako, nanakawan ako!” lingap sa kanan at kaliwa habang patuloy sa pagsigaw ang matanda. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang taong makakatulong sa kaniya ay nasa harapan na niya.

“Biro lang manang! O, sige ako na ang bahala.”

Mabilis na nagtungo si Zuko sa direksiyong itinuro ng ale. Sa bilis niya ay halos lumipad ang bawat
mahahagip niya sa pagtakbo. Lumiko siya sa dalawang kanto at doon niya naabutan ang isang batang lalaki. Mabilis niya itong hinila subalit hindi niya sinaktan.

Pagkatapos niyang makuha ang supot na may lamang pilak ay agad niyang tinalian ang mga kamay ng lalaki upang hindi na ito
makatakas pa.

“Pare naman! Ang bilis mong tumakbo! Pinahirapan mo pa ako.” hinihingal na bulalas ni Zuko habang hinihigpitan ang tali sa kamay ng batang lalaki.

“Sino ka ba? Ibigay mo na sakin ang mga pilak na iyan!”

“Bata, sa susunod na maiisipan mong magnakaw, huwag dito sa lugar ko pwede?”

“At bakit ha? Sino ka ba sa inaakala mo!” matapang na tanong ng bata. Ang totoo ay kilala naman niya si Zuko at alam niya na batikan ito pagdating sa panghuhuli ng mga kriminal.

“Hindi na mahalaga kung sino ako. Basta kapag nakita ulit kita na nanggugulo dito, buong grupo ko na ang makakaharap mo.” pagbabanta ni Zuko. Palabirong lalaki si Zuko ngunit sa pagkakataong ito ay mahihinuhang seryoso siya sa kaniyang babalang binitawan.

“Bitiwan mo na lang ako!”

“Madali naman akong kausap eh. Papakawalan kita kung mangangako kang hindi mo na uulitin pang magnakaw.”

“Oo na!”

“Ano nga palang pangalan mo bata?”

“Jiro.”

“O sige Jiro, pagbilang kong tatlo wala ka na dapat sa harapan ko. Isa...dalawa…
(At bigla na ngang kumaripas ng takbo ang magnanakaw na para bang bula na bigla na lamang
naglaho. Binalikan na ni Zuko ang ale na nanakawan at ibinigay ang nabawing supot ng pilak.)

“Kanina pa ako naghihintay sa iyo. Napakatagal mo naman!” bulalas ng matandang babae na ikinagulat naman ni Zuko. Hindi siya natuwa sa narinig pero mapalad siya dahil si Zuko ay may
mahabang pasensiya.

“Walang anuman po manang.” huling tugon ni Zuko bago niya nilisan ang matanda pabalik sa hide out ng kaniyang grupo. Paniguradong kanina pa siya hinihintay ng kaniyang mga kasamahan.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon