Habang nagtatagisan ng husay ang magkapatid na sina Prinsipe Zeus at Prinsesa Alora ay marami
ang nakapalibot at sumusubaybay sa kanila. Naroroon ang dalawang matipunong mandirigma na
sina Aztec at Arum na halatang kampi kay Prinsipe Zeus ngunit hindi maitatangging mas marami
ang tagasuporta ng sikat na si Prinsesa Alora at isa na roon ang amasonang si Talina na kanang
kamay ni Duke Flavio.Halos lahat ng kawal ay nanonood at nasisiyahan sa nasasaksihang duwelo
ng magkapatid na maharlika. Nagduduwelo ang magkapatid gamit ang espada. Sa umpisa ay dikit
na dikit ang laban. Pawang parehong mahusay at walang gustong magpatibag. Nakakabilib ang lakas ng prinsipe at kahanga-hanga naman ang bilis ng prinsesa ngunit bawat atake ng prinsipe ay
nasasalag ng prinsesa.“Tapusin mo na ang laban mahal na prinsipe!” sigaw ni Aztec sa di kalayuan. Malaki kasi ang tiwala niya kay Prinsipe Zeus na matalik niya ring kaibigan.
“H'wag kang mainip Aztec! Nagsisimula pa lang ako.” mayabang na sambit naman ni Prinsipe Zeus habang buong lakas na iwinawasiwas ang kaniyang hawak na espada. Gusto talaga niyang talunin ang kaniyang pangalawang kapatid dahil hindi naman niya nais na mapahiya sa harap ng mga kawal at mandirigmang nakasubaybay sa kanila.
Umiinit na ang bakbakan bagamat sa ngayon ay tabla pa rin ang laban hanggang sa magsimula nang magseryoso si Prinsesa Alora. Kakaiba ang kaniyang mala kidlat na bilis na hindi masabayan ng prinsipe.
Hanggang sa ang prinsesa naman ang nagsimulang umatake at hindi ito nailagan ng prinsipe. Nasugatan sa braso si Prinsipe Zeus at napasigaw ang mga manonood. Agad namang nagpalitan ng kuro-kuro ang mga kawal.
“Kakaiba talaga ang husay ni Prinsesa Alora!"
"Kahanga-hanga talaga siya.”
“Tama ka at siguradong matatalo na naman niya ang kapatid niyang prinsipe.”
“Ngayon niyo lang ba iyan napagtanto? Hindi nakapagtatakang mas magaling siya sa
kaniyang kapatid na prinsipe.” biglang sabat naman ng amasonang si Talina na isa sa mga
tagasuporta ni Prinsesa Alora. Mabilis namang sinalungat ni Aztec ang kaniyang narinig mula sa
amasona.“Maghintay ka lang Talina…hindi pa tapos ang laban at sigurado akong mananaig si Prinsipe
Zeus.”“Para sa iyong kaalaman ay wala pang nakakatalo kay Prinsesa Alora dahil sanay siya sa
mga ganitong klase ng labanan.”“Pero mas sanay si Prinsipe Zeus sa pakikipaglaban sa dami na ng digmaan na kaniyang
pinamunuan.” sambit naman ng kapatid ni Aztec na si Arum.“Kung sa bagay, may punto ka naman Arum. Marami na siyang digmaang naipanalo ngunit bakit ang sarili niyang kapatid ay hindi man lang niya matalo-talo sa isang pagsasanay.”
“Ayusin mo ang pananalita mo Talina, kung ayaw mong tagpasin ng prinsipe ang iyong dila.” pagbabanta ni Aztec lalo pa at para sa mandirigmang kagaya niya ay mahalaga ang salitang
paggalang.“Tingin mo ba ay dapat ko siyang katakutan kung nasa panig ko naman si Prinsesa Alora?”
“Mawalang-galang na po mga mandirigma, pero panoorin niyo na lang po ang laban upang
matapos na ang inyong pagtatalo.” pakikialam naman ng isang tagapagsilbi. Nangangamba kasi siya sapagkat tila mas nagkakainitan pa ang mga nanonood kaysa sa magkapatid na nagtutunggali.Nagpapatuloy pa rin ang laban ng magkapatid. Hindi magkamayaw ang mga manonood ngunit nang
dahil naman sa natamong sugat ay medyo bumagal ang galaw ng prinsipe.“H'wag mong sabihing magagapi na naman kita kapatid! Palagi na lang kitang natatalo!" ani ni
Prinsesa Alora habang patuloy sa pag-atake. Masyadong mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili
kaya minamaliit niya ang kakayahan ng nakatatanda niyang kapatid na prinsipe.“Tama na ang satsat Alora!” pikon na tugon ni Prinsipe Zeus na sinabayan niya ng gigil na pagsugod kaya napaatras ng bahagya ang katunggaling prinsesa. Muntik na siyang tamaan ng
matalim na espada ng prinsipe, mabuti na lang at nailagan agad ito ng prinsesa, ngunit makalipas
ang ilang minuto ay napunta kay Prinsipe Zeus ang swerte nang napatalsik niya ang espada ng kapatid na tumilapon sa kinaroroonan ng mga manonood.Gayun pa man ay patuloy na lumaban kahit walang armas ang prinsesa. Kahit walang gamit na espada ay nagawa pa ring dominahin ni
Prinsesa Alora ang takbo ng laban subalit likas na malakas ang prinsipe kaya napatumba niya ang
prinsesa. Bago pa makabangon ang prinsesa ay tinutukan na siya ng espada ng kaniyang kapatid na prinsipe. Tuwang tuwa naman ang mga tagahanga ni Prinsipe Zeus dahil naaamoy na nila ang
tagumpay.“Sa wakas at nakabawi na rin ako sayo Alora!”
“Tama ang aking hinala. Nanalo nga si Prinsipe Zeus!” bulalas ni Aztec.
“Sigurado ka bang tapos na ang laban?” kampanteng tanong ni Prinsesa Alora. Kahit kailan talaga ay hindi siya kakikitaan ng takot sa mukha. Kung sa bagay, wala namang dapat ikabahala
ang isang kagaya niyang hindi pa nakararanas ng kabiguan. Matapang naman ang naging sagot ng
panganay na prinsipe.“Sa tingin mo ba ay may magagawa ka pa? Sa sandaling gumalaw ka ay hindi ako magdadalawang isip na laslasin ang leeg mo gamit ang aking espada!”
Sandaling tumahimik ang lugar. Nakatutok pa rin ang espada ng prinsipe sa leeg ng prinsesa. Maya-maya ay nakialam ang amasonang si Talina. Kinuha niya ng tumalsik na espada ni Prinsesa Alora at ibinigay niya ito sa pamamagitan ng paghagis na agad namang nasalo ng prinsesa.
Masyadong mabilis ang pangyayari at umatake ulit si Prinsesa Alora. Nasugatan muli ang prinsipe sa binti kaya siya naman ang nawalan ng balanse at natumba. Sa puntong iyon ay ang mga tagasuporta naman
ni Prinsesa Alora ang nagbunyi.Labis na nagalit ang prinsipe sa pakikialam ni Talina gayun pa man
ay nahirapan na siyang tumayo sa lalim ng sugat na kaniyang natamo. Hindi pa siya sumusuko at may balak pa sana siyang sumugod nang dumating ang mensaherong si Lancelot na may dalang tagubilin.“Mayroon akong mensahe mula sa mahal na reyna. Prinsipe Zeus, Prinsesa Alora, Aztec, Arum at Talina…ipinapatawag na kayo dahil magsisimula na ang pagpupulong ano mang
oras, ang mga kawal at mga tagasilbi naman ay maaari nang bumalik sa kanilang mga
posisyong nakatalaga dahil tapos na ang pagsasanay na ito.”“Gaano ba kahalaga ang pagpupulong na iyan para abalahin mo ang aming pagsasanay?” napipikong tanong ni Prinsipe Zeus habang dahan-dahang sinusubukang makatayo mula sa pagkakatumba kanina.
“Paumanhin mahal na prinsipe subalit labis daw po itong mahalaga ayon sa mahal na reyna.” walang emosyong pahayag ni Lancelot. Isa talaga siyang mahusay na tagapaghatid ng
mensahe at balita.“Tapos na ang pagsasanay kapatid. Mukhang hindi ka na naman makababawi sa akin. Lancelot, pakisabi kay ina na susunod agad ako sa silid-pulungan pagkatapos kong itabi ang
aking espada na wala pang bahid ng pagkatalo.” pagyayabang ni Prinsesa Alora upang lalong mainis ang kapatid niyang prinsipe.“Sa susunod nating paghaharap, hindi na uubra sa akin ang pandaraya mo.” sagot ni Prinsipe Zeus bago paika-ikang humakbang palayo. Agad naman siyang sinundan ni Aztec at Arum upang alalayan.
“Kung ganon ay aasahan ko iyan, talunan!” palabang sagot ni Prinsesa Alora.
Umalis na rin si Prinsesa Alora at agad namang sumunod si Talina. Unti-unti nang nagsi-alisan ang
mga manonood sa bahagi ng palasyo kung saan sila nagduwelo.“Ikinalulungkot kong natalo ka na naman kamahalan.” malungkot na sabi ni Aztec.
“Hindi bale mahal na prinsipe, may susunod pa naman at makakabawi ka rin sa kaniya.” dagdag naman ni Arum.
“Ihatid niyo na ako sa aking silid at sabihin niyo sa reyna na hindi ako makakadalo sa
pagpupulong dahil masama ang aking kalagayan. Huwag niyo ring kalilimutang papuntahin ang manggagamot sa aking silid.”“Masusunod mahal na prinsipe!”
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AbenteuerSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...