Habang wala si Duke Flavio ay lihim na nakipagkita si Althea sa kasintahan niyang si Olrick. Alam kasi nila na tututol ang duke sa kanilang pag-iibigan.“Althea, bakit hindi pa natin sabihin sa iyong ama ang tungkol sa ating dalawa?” tanong ni Olrick.
“Gustuhin ko man Olrick ay hindi maaari! Siguradong tututulan niya ang ating pag-iibigan at paglalayuin tayo.” nag-aalalang pahayag ni Althea.
“Pero kahit gawin iyon ng iyong amang duke ay lalapit pa rin ako sa’yo. Hindi niya tayo mapaghihiwalay.”
“Natutuwa akong marinig iyan sayo Olrick, subalit hindi talaga maaari. Handa ka pa rin bang
ipaglaban ang ating pagmamahalan kahit buhay mo man ang maging kapalit?”“Oo naman Althea. Ang mahalaga, sinubukan nating magpakatotoo. Ayokong habambuhay na lang tayong magtatago. Mahal ka ng iyong ama kaya siguradonog hahayaan ka niyang
maging masaya. Kaya sa palagay ko ay sasang-ayon rin siya sa ating relasyon.” punong-puno
ng pag-asang bigkas ni Olrick. Kabaligtaran naman ang naging tugon ng kaniyang kasintahan.“Ibahin mo ang aking ama Olrick. Hindi siya kagaya ng ibang ama na maunawain at
mapagmahal. Papatayin ka niya Olrick kapag nalaman niyang iniibig kita! At ayaw kong mangyari ‘yon.” bulalas ni Althea. May tumulong luha sa kaniyang mga mata kaya minabuti niyang
tumalikod kay Olrick.“Handa akong tanggapin ang kahihinatnan, maipaglaban lang kita Althea, dahil ang isang
mandirigmang katulad ko ay hindi basta-basta sumusuko at nagpapatalo!”Habang nag-uusap si Olrick at Althea ay sakto namang nakabalik na si Duke Flavio kasama ang
amasonang si Talina at ang 5 pang mandirigma.“Althea, bakit mo kasama ang lalaking iyan?”
“Nag-uusap lang po kami ama!” kinakabahang sagot ni Althea.
“Ganun ba? Bwahahaha! Mabuti naman. Ngunit maaari ba kitang makausap sandali, Olrick?”
tanong ng duke na ikinabahala naman ni Althea. Batid niyang hindi lang simpleng pag-uusap
ang pakay ng kaniyang ama sa kaniyang kasintahan.“Sige po mahal na duke.”
“Iwanan niyo muna kami ni Olrick, may mahalaga lang kaming pag-uusapan.” utos ni Duke Flavio sa lahat ng nakapalibot sa kanila ni Olrick.
Umalis muna sina Talina at ang mga mandirigma pati na rin si Althea
“Ano po ang nais niyong sabihin sa akin mahal na duke?” magalang na tanong ni Olrick.
“Sabihin mo ang katotohanan! May namamagitan ba sa inyo ng aking anak? Napapansin
kong napapadalas ang inyong pagkikita.”“Huwag niyo pong masamain subalit ganun na nga po mahal na duke.”
“Bwahahah! Kalokohan. Hindi ikaw ang gusto ko para sa aking anak. Baka nakakalimutan
mo na si Althea ay isang maharlika. Kapatid ko ang namatay na hari kaya halos kapantay rin
niya ang mga maharlikang anak ng reyna. Samantalang ikaw ay isang mandirigma lamang na hindi ko alam kung saan nagmula!” pang-iinsulto ng duke na sa halip na seryosohin ay
pinalampas na lang ni Olrick bilang respeto sa ama ng kaniyang iniibig.“Mawalang-galang na po subalit ako ay nagmula sa kilalang angkan ng mga mandirigma.”
“Isa ka sa mga tauhan ni Prinsesa Aleyah diba?”
“Ganun na nga mahal na duke”
“Saan ba napulot ng bunsong prinsesa ang kagaya mo? Wala ka pa atang napapatunayan
binata!” nakaiinsultong sambit ni Duke Flavio ngunit disidido pa rin si Olrick na patunayan ang
kaniyang sarili kahit pa ngayon lang niya naranasan ang maliitin ng iba.
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AdventureSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...