Kabanata XXIX: PANANAKOP

30 3 0
                                    


Ang Emperyo ng Zaparya naman ay nababalot ng katahimikan hindi dahil isa itong mapayapang
kaharian, kundi dahil ang palasyong ito ay nababalot ng kadiliman.

Hindi literal na madilim ang
kapaligiran nito kundi dahil sa pinaninirahan ito ng masasamang nilalang.

Sa ngayon ay may
nilulutong masamang plano ang mga taga-Zaparya. Gamit ang isang mahiwagang tubig at ang mahika ng mangkukulam na si Adelina ay nakikita nila ang mga pangyayari sa loob ng kaharian ng
Vireo.

"Malalaki na pala ang mga anak ni Vireo at Verina. Naalala ko tuloy noong panahong sinakop
natin ang kaharian ng Vireo ay maliliit pa sila at hindi mga marunong lumaban." saad ni Haring
Clavar na boses pa lang ay nakahihindik na. Sinang-ayunan naman ito agad ng mangkukulam na si
Adelina.

"Gayun na nga mahal na hari pero nasisiguro kong wala pa rin silang binatbat sa ating kaharian. Di hamak na mas makapangyarihan ang iyong tatlong anak kaysa sa prinsipe at
mga prinsesa ng Vireo."

"Hahaha! Wala silang kaalam-alam na may pinaplano na tayong muling pagsakop sa
kanilang kaharian. Mga nakakaawang nilalang! At sa pagkakataong dumating iyon, tingnan
lang natin kung makapalag pa sila." bigkas ni Reyna Estella.

"Tiyak na mahina na ang kanilang pwersa ngayon dahil matagal ko nang napatay ang
magiting nilang hari na si Vireo. Mabilis na nating masasakop ang pinakamatindi nating
katunggaling kaharian, lalo pa at hindi nagkakasundo-sundo ang mga anak ni Verina."
pahayag ni Haring Clavar nang biglang magsalita si Prinsipe Roman.

"Nais kong makuha ang pangalawang anak ni Reyna Verina."

"Si Prinsesa Alora ang iyong tinutukoy, prinsipe. Balita ko ay malupit ang isang iyon."
paliwanag ni Adelina.

"Ganun ba? Kung gayon ay bagay talaga kami. Hahahaha! Nais ko siyang mapasaakin."

"Tiyak kong mabilis mo lang siyang makukuha kamahalan, sapagkat walang sinuman ang
makakatanggi sa iyo." dagdag pa ni Adelina.

"Gusto mo pala ang pangalawang anak ni Reyna Verina. Sayang lang at wala akong ititirang
buhay sa tatlo niyang anak na prinsesa. Hahahaha!" pagsasaad naman ni Prinsesa Nevira.

"Mukang hindi ka na talaga makapaghintay na makaharap ang tatlong prinsesa ng Vireo,
kamahalan." wika ng malahalimaw na mandirigma na si Agor.

"Oo naman Agor. Tiyak kong mabilis ko lang silang matatapos dahil mga wala naman silang
binatbat."

"Hindi mo ba ako babahagian sa apat na anak ni Reyna Verina?" seryosong tanong ng
panganay na si Prinsipe Roman.

"Huwag kang mag-alala dahil ibibigay ko naman sa iyo ang nais mong si Prinsesa Alora, ngunit
iyon ay sa sandaling napaslang ko na siya. Hahaha!" nakahihindik na sagot ni Prinsesa Nevira.

Ilang saglit pa ay dumating naman ang tahimik at misteryoso nilang kapatid dala-dala ang isang itim
na ahas na nakapulupot sa kaniyang kamay.

"Ako ba? Hindi mo ako babahagian?" tanong ni Prinsesa Sanaya. Seryoso at palaging malamig
ang kaniyang tinig.

"Nandiyan ka pala kapatid. Ang akala ko ay kinakausap mo na naman ang mga alaga mong
ahas. Tungkol sa iyong bahagi, ibibigay ko na sa iyo ang panganay na si Prinsipe Zeus at
ikaw na ang bahalang magpahirap sa kawawang prinsipe. Basta't sa akin ang tatlong
prinsesa, hahahaha!" paglilinaw muli ni Prinsesa Nevira.

"Paano naman ang Kaharian ng Arcansas mahal na hari? Isa rin iyon sa mga kalabang
palasyo na nananatiling matatag hanggang ngayon." tanong naman ng kanang kamay ni Haring
Clavar na si Draco at nangibabaw talaga ang malagom nitong boses.

"Hindi ko pinoproblema ang Arcansas dahil mayaman lang naman ito subalit wala itong
kakayahan na makipagdigma sa ating Emperyo. Ang tatlong prinsipeng anak ni Ramodas ay
walang mga taglay na kahusayan!"

"Tama ka ama. Mukha ngang kaya ko silang tapusin nang sabay-sabay gamit ang
kapangyarihan kong itim na apoy!" seryosong tugon ni Haring Roman.

"Nasaan na nga pala si Heneral Virgo? Bakit wala siya dito ngayon?" tanong ni Reyna Estella
na sinagot naman ni Agor.

"Kasalukuyan siyang may pinaparusahang mga mangmang na kawal, mahal na reyna."

"Mukang napapadalas ang pagpapahirap niya sa mga kawal na pumapalpak. Baka naman
maubusan tayo ng kawal sa ginagawa niyang iyon."

"H'wag kang mag-alala dahil sinusunod lamang niya ang aking ipinag-utos at isa pa, triple pa
rin ang dami ng ating mga kawal kung ikukumpara sa mahinang kaharian ng Vireo at
Arcansas!" paliwanag ni Haring Clavar.

"Nisan, kumusta ang iyong mga hula? May panibago ka bang ibabalita?" pag-uusisa naman ni
Adelina sa nananahimik na manghuhula.

"Magugulat kayo sa aking nakita sa aking panaginip."

"Ano iyon?"

"Mukhang nalalapit na talaga ang pagbagsak ng Kaharian ng Vireo." usal ni Nisan.

"Kung gayon ay nahulaan mo na bang magagapi natin sila sa digmaan?" hindi makapaghintay
na tanong ni Reyna Estella.

"May mas maganda pa roon mahal na reyna, sapagkat ayon sa aking hula ay babagsak ang
Kaharian ng Vireo kahit hindi pa man din natin sinasakop ang kanilang kaharian."

"Mas mabuti kung ganoon! Hahahaha! Mas mabilis na natin silang matatalo sa digmaan!
Mahusay Nisan! Subalit ano o sino ang magiging dahilan ng pagbagsak ng kahariang Vireo?"

"Sa ngayon ay malabo pa sa akin ang dahilan mahal na hari, ngunit sa sandaling malinaw na
sa akin ay agad ko rin itong ibabalita. Sa ngayon ang nasisiguro ko ay nalalapit na ang
pagbagsak ng Vireo."

Samantala ay nakabalik na ang sugatang grupo ni Lazaro sa kanilang teritoryo. Saktong naroroon
din si Sheriff Luigi na halatang dismayado.

"Sinasabi ko na nga ba! Ano pa bang aasahan ko sayo Lazaro. Palagi na lang kayong
pumapalpak!"

"Bakit hindi mo kaya palayasin dito sa bayan mo iyang grupo ni Zuko? Masyado na silang
sagabal! Para saan pa at naging Sheriff ka kung hindi mo kayang palayasin ang mga bwiset
na 'yon!"

"Nag-iisip ka ba? Kapag ginawa ko iyon siguradong makakahalata ang mga mamamayan na
pinoprotektahan ko ang grupo mo!"

"Bwiset! Kita mo na ang problemang dala niyang grupo ni Zuko! Kailangan ko ng mas
marami pang tauhan para sa susunod na makaharap namin ulit sila ay sila naman ang aming
ilalampaso." hiling ni Lazaro habang iniisip kung ilan ang nalagas sa kaniyang pangkat.

"Wala namang problema sa mga tauhan. Marami ako niyan!"

"Marami nga! Mga wala namang binatbat!"

"Ibahin mo ang susunod na mga tauhang ibibigay ko sayo. Mga batikang kriminal ang mga
iyon at hindi kabasta-basta." paliwanag ni Sheriff Luigi.

"Mabuti kung ganon. Kailan ko sila makikita?"

"Maghintay ka lang, Lazaro. Maghanda at magplano muna kayo bago ulit magpasimula ng
gulo!"

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon