Sa kabilang dako naman, sa Kaharian ng Vireo ay may isang sikretong silid sa kaharian na tanging
ang mga traydor lamang ang nakakaalam. Tuwing hatinggabi ay nagkikita-kita sila roon upang
magpulong. Isa lang ang kanilang layunin at iyon ay ang kunin ang trono sa reyna at alisin ang mga
balakid sa kanilang plano.“Sigurado ba kayong walang nakahalata sa mga ikinikilos niyo?” alingawngaw ng boses ni Duke Flavio. Sinundan naman ito ng sagot ng kapatid ni Reyna Verina na si Centina.
“At sino naman ang makakahalata? Ang aking kapatid na reyna? Masyado siyang abala sa
pamumuno sa kaharian na dapat ay sa akin! Kaya siguradong hindi siya maghihinala.”“Baka ang ibig mong sabihin ay, na dapat ay sa atin!”
“Kailan ba natin sasabihin kay Prinsesa Alora ang plano?” tanong ng amasonang si Talina.
“Wala munang kikilos sa inyo nang hindi ko sinasabi. Hindi pa tayo nakakasiguro kung talagang kakampi siya sa atin.”
“Ngunit Duke Flavio, base sa aking napapansin ay ayaw niya rin sa pamumuno ng kaniyang inang reyna.”
“H’wag kang mainip Talina. Huwag kayong magpadalos-dalos. Sa ngayon ay hindi dapat malaman ng iba ang ating balak na pagpapatalsik kay Reyna Verina. Ngunit kung totoo man na may dugong taksil din si Prinsesa Alora ay magiging malaking tulong siya sa atin sa pag-angkin sa kaharian.”
“Hahahahaha! Hahahahahaha!” bungisngis na tawa ni Centina na ikinainis ni Duke Flavio.
“At bakit ka tumatawa Centina?”
“Hahaha! Hindi mo ba naisip na kagaya mo ay sakim din sa kapangyarihan si Prinsesa Alora at ano sa tingin mo ang mangyayari kapag nagsama at nagtulungan ang dalawang sakim?”
“Siguradong mag-aagawan kami sa kapangyarihan sa bandang huli!”
“Alam mo naman pala Duke! Kaya bakit ka pa umaasang magiging kaanib natin siya?”
“Bwahahahaha! Sa tingin mo ba ay hindi ko naisip iyan Centina? Kapag nagawa na ni Prinsesa Alora ang trabaho niya, uunahin ko na siyang patayin para hindi na siya makasagabal pa!”
“At sa palagay mo ba ay magiging madali iyon? Wala pang nakakatalo sa kaniya hindi ba? Kahit ang mga kapatid niyang maharlika ay hindi siya magawang talunin!”
“At paano mo nalamang hindi siya kayang talunin ng mga kapatid niya?”
“Hindi mo ba pinapanood ang mga laban niya, Duke? Natalo na niya ang lahat ng
mahuhusay na mandirigma ng Kaharian ng Vireo. Maging si Aztec at si Arum. Pati na rin ang iyong anak na tagapagsanay pa mismo ng mga mandirigma na si Althea. Maging ang dalawa
niyang kapatid na sina Prinsipe Zeus at Prinsesa Manorah!”“Pero hindi naman sila ang tinutukoy ko na tatalo kay Alora!”
“At sino naman sa tingin mo ang iba pang makakagawa?”
“Sino pa ba kundi ang bunsong si Prinsesa Aleyah.”
“Si Prinsesa Aleyah? Pwede nga siguro. Pero masyado pa siyang bata para tapatan at
matalo ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsesa Alora.”“Bagamat naiinis ako sa kaniya, inaamin kong mayroon siyang potensiyal. Marami ang nakakaalam na mahusay si Prinsesa Aleyah pero siya nalang ang hindi pa nakakaharap ni
Prinsesa Alora sa mga tunggalian at paligsahan na isinasagawa sa kaharian tuwing ikaapat
na buwan, taun-taon.” paliwanag ni Talina.“Mukhang maganda nga na magtapat sila…tamang tama dahil hindi sila magkasundo at pareho rin silang pasaway na prinsesa.” dagdag muli ni Centina.
Maya-maya ay dumating pa ang isa nilang kasabwat, ang tagapaghatol na si Shanaya.
“Kumusta ang pagpaplano?”
“Maganda ang tinatakbo ng plano Shanaya kaya maghanda na kayo dahil malapit na nating maagaw ang kaharian sa reyna. Bwahahahhaha!”
“Magaling! Pero wag muna kayong magpakasaya dahil marami ang hadlang sa plano.” babala ni Shanaya sa mga kagaya niyang taksil na tinapatan kaagad ng tanong ni Centina.
“At sino ba sa tingin mo ang mga hadlang sa tagumpay natin?”
“Sa tingin niyo ba ay makukuha natin ang trono ng ganoon kabilis kung naririto pa ang apat
na maharlikang anak ng reyna. Alam naman natin kung gaano sila kahuhusay at kagagaling kaya hindi natin sila maaaring maliitin.” paliwanag ni Shanaya na matibay namang sinang-ayunan ni Talina.“Oo tama ka magagaling sila! Pero hindi sila magkakasundo hindi ba? At maaari nating
gamitin iyon upang sila mismo ang magpatalsik sa isat-isa.”“May punto ka Talina subalit baliktarin man natin ang mundo, magkakapatid pa rin sila at kahit gaano kalalim ang galit nila sa isat-isa, kapag usapang kaharian na, tatalikuran nila ang lahat maipagtanggol lamang ito.” ani ni Shanaya.
“Kaya nga ang plano ay isa-isa natin silang papatalsikin sa kaharian para hindi na sila
makasagabal pa. Bwahahahahahah!”
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AdventureSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...