Sa labas ng kaharian, kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ng Vireo ay nabulabog ng dahil
sa mga kumakalat na balita tungkol sa mga nagaganap sa loob kaharian."Nanganganib nang bumagsak ang kaharian ng reyna. Nagkakagulo na sa loob ng palasyo at may hidwaan pa sa pagitan ng mga anak niyang prinsipe at mga prinsesa. Paano na ang ating lungsod kapag inatake na naman tayo ng mga bandido at mga kalabang kaharian?" nag-aalalang sambit ng isang matandang babae na malungkot namang
dinugtungan ng kaniyang anak na lalaki."Malaking dagok ang kinakaharap ng ating kaharian magmula ng mamatay ang ating
hari.""Sana lang ay huwag hayaan ng mahal na reyna na mismong ang kaniya pang mga anak ang magsimula ng digmaan, kumakalat na lumalaki na rin ang hidwaan sa pagitan ng apat niyang anak na maharlika." nadidismayang tugon ng isa pang lalaki. Hanggang sa dumami na
ang mga nag-uumpukan."May isa pa akong nasagap na balita, bababa na daw sa trono ang mahal na reyna."
"Ano? At sino naman sa mga anak niya ang papalit sa kaniya?"
"Ang mas masaklap ay hindi manggagaling sa mga anak ng reyna ang susunod na mamumuno sa Kaharian ng Vireo, kundi ang duke na kapatid ng namatay na hari."
"Ano? Si Duke Flavio? Masamang balita!" inis na pahayag ng isang babae kasabay ng kaniyang pag-alala.Napalingon naman ang lahat nang sumabat ang isang kawal na nakatalagang magbantay sa lungsod.
"Maging ako ay hindi sang-ayon. Palibhasa ay hindi alam ng reyna ang kalupitang ipinararanas ng duke sa mga ordinaryong mamamayan ng Vireo. Kaya bilang isa sa mga kawal ng reyna ay sinisikap kong huwag sundin ang mga utos ng sakim na duke."
"Nagkamali ang reyna sa pagpli sa duke! Hindi siya karapat-dapat!"
Nagpatuloy ang madamdaming usap-usapan. Nagkakagulo ang mga mamamayan nang matigil
ang kanilang kwentuhan nang makarinig ng mga yabag ng kabayo. Malayo pa pero rinig na rinig na nilang may paparating. Nabalot ng kaba ang lahat at umaasa silang hindi si Duke Flavio ang bumisita sa kanila. Maya-maya ay bumungad na sa kanila ang halos isang batalyon ng mga kawal na galing sa kaharian. Hindi ang hukbo ng duke ang parating kundi ang grupo ni Prinsesa Aleyah. Nasa likod niya sina Olrick at Tamara na sinusundan ng 30 mandirigma na ilan lamang
sa mga libo-libong tauhan ng bunsong prinsesa.Tumahimik ang lahat at nagbigay-galang sa ikaapat at bunsong anak ng reyna na si Prinsesa Aleyah. Bago nagsalita ang prinsesa ay
lumingap-lingap siya at pinagmasdan ang mga mamamayan ng Vireo. Ang ilan ay natatakot sa pakay ng prinsesa dahil bagamat bihirang bumisita si Prinsesa Aleyah sa kanilang lungsod ay kilalang-kilala nila ito dahil maraming masasamang usap-usapan tungkol kay Prinsesa Aleyah na hindi naman nila sigurado kung totoo.Bagamat marami ang natatakot sa kaniya ay mas marami pa rin ang humahanga sa taglay niyang kagandahan at karalitaan.
"Narito ako upang ipaalam na ayon sa kautusan ng reyna ay kailangang magsanay ng lahat ng mamamayan ng Vireo na may kakayahang lumaban na nasa edad 15 pataas.
Bukas na bukas ay magpapadala ng mga kawal ang reyna upang sunduin at imbitahan sa
kaharian ang lahat ng mga kasali sa pagsasanay." seryosong sabi ni Prinsesa Aleyah. Bagamat matapang ang kaniyang paraan ng pananalita ay mala-anghel pa rin ang kaniyang
tinig."Mahal na Prinsesa, maaari po ba akong magtanong kung inyong mamarapatin?" nag-aalinlangang bigkas ng isang lalaki na pinahintulutan naman ng prinsesa.
"Sige lang... siguruhin mo lang na hindi ako maiinsulto sa tanong mong iyan"
"Totoo po ba ang balita na bababa na sa trono ang mahal na reyna?"
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AdventureSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...