Kabanata XXIV : ANG TAGUMPAY NG ALYANSA

41 3 0
                                    


Kinabukasan ay nagkaroon ng biglaang pagpupulong na ang mismong duke ang nagpatawag.
Naroroon ang lahat upang makiisa.

“Anong problema Duke Flavio, bakit biglaan ang pulong na ito?”

“Mahal na reyna, nagpadala ako ng hukbo sa Arcansas upang makipag-usap dahil may inialok ang
hari ng Arcansas subalit hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang aking hukbo.”

“Kailan mo sila pinapunta?

“Noong isang linggo pa kamahalan.”

“Kung ganon ay nilinlang kayo ng tusong hari ng Arcansas. Bakit kasi hindi niyo muna iyon
isinangguni sa reyna bago kayo nagpadala ng mga kawal?” galit na sambit ni Carlile.

“Dahil nangako ang hari ng Arcansas na nais lamang niyang makipag-usap dahil may
maganda siyang iaalok sa ating kaharian.”

“At naniwala ka naman duke?” walang emosyong pagsabat ni Prinsesa Aleyah na sinagot naman
kaagad ni Duke Flavio.

“Kaibigan ko ang hari ng Arcansas kaya hindi ko inaasahang tatraydurin niya ako.”

“Ah talaga? At kailan ka pa nakipagkaibigan sa kalaban. Baka nakakalimutan mong dati na
nila tayong sinubukang sakupin. Sa dami na ng pinagdaanan at naging karanasan mo ay
naisahan ka pa rin.” seryosong bulalas ni Prinsesa Aleyah kaya naman hindi na umimik ang duke
dahil wala rin siyang maisagot. Gayun pa man, kalmadong nagbigay ng payo si Reyna Verina.

“Sa tingin ko ay wala nang dapat pagtalunan pa. Gumawa na agad tayo ng aksiyon.
Kailangan kong magpadala ng pangkat na tutungo sa Arcansas.”

“Handa akong magprisinta, mahirap kapag ibang pangkat pa ang ipapadala mo ina, baka
mabigo lamang sila.” kumpiyansang sabi naman ni Prinsesa Alora na bagamat kararating lang ay
alam ang paksa ng usapan.

“Tama si Prinsesa Alora!” usal ng sipsip na si Talina.

“Masyado mo atang pinangungunahan Alora, pero kung ako sayo ay huwag ka nang
tumuloy.” misteryosong babala ni Prinsesa Aleyah.

“At bakit? Nahulaan mo bang mabibigo ako? Hahaha! Hindi mo ako malilinlang at
mapipigilan  Aleyah.” natatawang tugon naman ni Prinsesa Alora habang walang kakaba-kabang
kinukwestiyon ang babala ng bunsong kapatid.

Ilang sandali pa ay napalitan ng pagkaseryoso ang
masayang mukha ni Prinsesa Alora nang sagutin ni Prinsesa Aleyah ang kaniyang tanong.

“Paano kung sabihin ko sayong, oo… mabibigo ka, Alora.” nagulat ang lahat sa sinabi ni
Prinsesa Aleyah, at kahit si Prinsesa Alora ay nakaramdam ng kaba pero di niya ipinahalata.

“At kung tinatanong niyo ako kung may balak akong magprisinta sa misyong iyan. Nagkakamali
kayo dahil ayaw ko munang madamay sa kahit na anong gulo hanggat hindi pa tapos ang
paglilitis sa akin. Nais ko munang asikasuhin ang mas importanteng bagay.” dagdag pa ni
Prinsesa Aleyah.

“Kung ganon anak, sayo ko ipinagkakatiwala ang pagpili sa hukbo na tutungo sa Arcansas
upang alamin ang kalagayan ng hukbong ipinadala ng duke.” bilin ng reyna kay Prinsesa
Aleyah. Nagulat at nainggit naman si Prinsesa Alora sa desisyon ng reyna subalit ayos lang naman
iyon kay Prinsipe Zeus at Prinsesa Manorah.

“Naiinis man akong sabihin pero kapag ang hukbo ni Duke Flavio at ng kapatid kong si
Prinsipe Zeus ang inyong ipinadala ay tiyak na magtatagumpay sila.” seryosong sagot ni
Prinsesa Aleyah na ginantihan agad ng pag-angal ni Prinsesa Alora.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon