Kinabukasan ay maaliwalas ang araw na ito para kay Prinsesa Aleyah. Ito kasi ang unang araw na
wala muna siyang kahit anong misyong gagawin.Naisipan niyang magtungo sa silid-aklatan ng kaharian upang magbasa ng mga libro kagaya ng dati niyang ginagawa sa tuwing may libre siyang
oras. Nang papasok na siya sa silid ay laking gulat niya sa kaniyang nakita. Sapagkat ang silid na
dati ay punong-puno ng mga aklat ay halos wala na bagkus ay napalitan ng iba’t-ibang klase ng mga
armas.Halos hindi siya makagalaw sa inis habang pinagmamasdan ang buong silid nang sumulpot
sa tabi niya ang kapatid niyang si Prinsesa Alora.“Maganda ba ang bagong disenyo ng silid, kapatid?”
“Anong ginawa mo rito?” nanggigigil ngunit pabulong na sambit ni Prinsesa Aleyah.
“Di mo ba nagustuhan? Naisipan ko kasing alisin na ang mga librong nakakalat dito at
palitan na lang ng mga sibat, punyal, katana, pana at espada.” nakangiti pang usal ni Prinsesa Alora.“Nakakalat? Hindi nakakalat ang mga libro ko!”
“Hindi ba? Paumanhin pero huli na, naipatapon ko na kasi ang mga libro.” sagot ni Prinsesa
Alora na walang halong pagsisisi.Si Prinsesa Alora ang mas nakatatanda ngunit siya talaga ang madalas magsimula ng alitan.
“Bwiset ka talaga! Saan mo ipinatapon ang mga libro ko?” galit na tanong ni Prinsesa Aleyah
sabay bunot ng espada na ikinagulat naman ni Prinsesa Alora, ngunit sa halip na masindak ay
ngumiti pa siya upang lalong mainis ang bunsong kapatid.“Kung ako sa’yo ipagpaliban mo muna ang pakikipag-away sa akin, sa halip ay sundan mo
‘yung mga tauhan ko. Papunta sila sa gubat para doon sunugin ang mga libro.”“Kainis ka talaga.” kaya imbis na patulan si Prinsesa Alora ay agad siyang lumabas ng dating
silid-aklatan at umalis ng palasyo para sundan at pigilan ang mga tauhan ni Prinsesa Alora.Sa sobrang inis at pagmamadali niya ay nabangga na niya ang mandirigmang si Arum.
"Pa-paumanhin, Prinsesa Aleyah." gulat na reaksiyon ni Arum ngunit hindi na siya napansin ni Prinsesa Aleyah kahit pa malakas ang kanilang banggaan kanina.
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AdventureSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...