Kabanata XXIII : EMPERYO NG ZAPARYA

34 3 0
                                    


Sa kabilang ibayo naman, malayo sa Kaharian ng Vireo subalit malapit sa Kaharian ng Arcansas ay
matatag na nakatayo ang isang kaharian na tinatawag na Zaparya. Ang kahariang ito ang
pinakamarahas sa lahat ng kaharian kung kaya’t walang anumang palasyo ang nakikipag-alyansa
dito.

Marami nang nasakop na bayan ang emperyong ito at katunayan, ang Kaharian ng Zaparia ay
binubuo ng tatlong pinagsama-samang palasyo na tinatawag na Zamora, Pardano at Yasuko. Ang
kahariang ito ay pinamumunuan ng pinakamalupit na hari sa kasaysayan na si Haring Clavar. Siya
rin ang haring nakapatay kay Haring Vireo ng Kaharian ng Vireo. 10 kaharian na ang kaniyang
napabagsak at ang tatlo sa sampung iyon ay kaniyang sinakop at iyon na nga ang kaharian ng
Zamora, Pardano at Yasuko  na kaniyang pinag-isa at tinawag na Emperyo ng Zaparya.

Paulit-ulit
na rin nitong natalo sa digmaan ang mayamang Kaharian ng Arcansas subalit walang makapagsabi
kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasakop ng Zaparya ang Arcansas. Sa kabilang
banda naman ay isang beses pa lang na natalo sa digmaan ang Zaparya at ang kahariang nakatalo
rito ay ang Vireo.

Ngunit ang pagkatalo nila sa Vireo ay hindi naging dahilan ng labis na pagbagsak ng Zaparya dahil
sa kabilang dako ay napatay nga ni Haring Clavar si Haring Vireo. Sa kasalukuyan ay hindi pa
muling gumagawa ng kasamaan ang Emperyo ng Zaparya ngunit nananatiling alerto ang iba pang
palasyo kung sakaling muling manakop ang pinakanakakatakot na kaharian sa lahat.

Samantala, sa Kaharian ng Vireo ay magsisimula na ang salu-salo.

“Kamahalan pabalik na po rito si Prinsipe Zeus kasama si Prinsesa Aleyah.” balita ng isang
kawal kaya naman nabuhayan ng loob ang reyna sa narinig.

“Mabuti. Natutuwa akong marinig iyan.”

“Nawa Alora ay huwag ka nang magsisimula ng gulo. Yung ginawa mo kay Aleyah kanina ay
paniguradong kinalimutan na niya kaya huwag mo nang ipaalala pa sa kaniya.” paalala ni
Prinsesa Manorah.

Ngumiti naman si Prinsesa Alora at sinabing…
“Huwag kayong mag-alala dahil matatapos nang payapa ang salu-salong ito.”

“Sanay mapanindigan mo ang sinabi mong iyan, prinsesa.” matapang na bulalas ni Pinunong
Althea.

Dumating na sina Prinsipe Zeus at Prinsesa Aleyah na magkatabing naupo.

“Patawad ina sa aking pagkahuli. Hindi kasi mabuti ang aking pakiramdam ngayong gabi.”
matamlay pa rin na pahayag ni Prinsesa Aleyah.

“Nauunawaan ko anak. Halina’t kumain na tayo.

Nagsimula nang magsalu-salo ang lahat at gaya ng ipinangako ni Prinsipe Zeus ay hindi niya
hahayaang ang masayang salu-salo ay mabahiran ng kaguluhan kaya sinimulan niya ang masayang
kwentuhan.

“Althea, totoo ba ang balitang nadagdagan ng isandaang mahuhusay na mga kawal ang
ating kaharian?”

“Totoo iyon prinsipe. Tila nagbunga ang matiyaga naming pagsasanay sa kanila nina Aztec at
Arum.” masayang sagot ni Althea na sinang-ayunan agad ni Aztec.

“Tama ka diyan Pinunong Althea, ngunit hindi iyon magiging posible kung hindi mo
pinangunahan.”

“Salamat mandirigmang Aztec.”

“Kung gayon ay labis na nakagagalak ang balitang iyan. Mahusay ka talagang tagapagsanay
Althea.” papuri ni Prinsipe Zeus sa tagumpay ng kaniyang pinsan.

“Bwahaha! Kanino pa ba kamo magmamana iyan kundi sa akin na kaniyang ama. Kung sa
aking hukbo ka sumama Althea, paniguradong mas mataas pa ang posisyon mo ngayon.”
mayabang na pahayag ng duke na sinagot naman ng kaniyang anak.

"PRINSESA ALEYAH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon