Kinabukasan ay abala na ulit ang lahat. Ipinatawag naman ng reyna ang pangatlo niyang anak na si
Prinsesa Manorah para sa isang misyon.“Ipinatawag mo raw ako ina, anong maipaglilingkod ko?”
“Pumasok ka anak at maupo ka muna. Ngayong araw ay bibigyan kita ng misyon at
naniniwala akong magagawa mo ito.”“Ano po iyon ina?”
“Nais kong magtungo ka sa Cariones na mas kilala sa tawag na kulungan ng mga kriminal. Nais kong siguruhin mong maayos ang seguridad at pagbabantay ng mga nakatalagang kawal doon. Magsama ka ng iyong mga tauhan at ilang kawal ng kaharian. Isama mo na rin si Althea dahil lubhang mapanganib ang inyong pupuntahan.” mahinahong usal ni Reyna Verina na agad namang tinanguhan ni Prinsesa Manorah.
“Masusunod po ina.”
“At anak…”
“Ano po iyon ina?”
“Mag-iingat ka, Manorah.”
“Salamat po ina. H’wag niyo po akong alalahanin.” nakangiting sagot ng ikatlong prinsesa bago
siya umalis.Agad namang pinuntahan ni Prinsesa Manorah ang pinsan niyang si Althea at ipinaalam ang utos ng reyna. Pagkatapos ay inihanda na nila ang mga sandata na kanilang gagamitin kung
sakaling may hindi inaasahang panganib ang kanilang harapin at nag-umpisa na silang umalis
sakay ng mga kabayo. Si Prinsesa Manorah at Althea ay may kasamang 20 mandirigma. Ang 5
roon ay mga tauhan ng prinsesa, ang 5 pa ay mga kawal ng palasyo at ang natitirang sampu ay
mga tauhan naman ni Althea.Habang naglalakbay patungong Cariones ay nagkukwentuhan ang
magpinsan.“Mukhang ngayon ka na lang ulit naatasan ng misyon ng iyong ina.” saad ng tagapagsanay ng mga mandirigma na si Althea habang sinisipat sa teleskopyo kung malapit na
ba sila sa Cariones.“Tama ka diyan Althea. Nagkataon siguro na wala rito ang aking mga kapatid kaya ako ng napili niya.” malungkot na bulalas naman ni Prinsesa Manorah.
“Huwag mong sabihin iyan prinsesa, nagkataon lang na mas kailangan ka sa loob ng
kaharian kaya marahil bihira ka niyang bigyan ng misyon. Isa pa, kung tutuusin ay mas
nakakabilib ka pa kaysa sa iyong tatlong kapatid.”“At paano mo naman nasabi iyan?”
“Dahil ikaw na lang ang hindi pa nagpapaalipin sa kapangyarihan, kaya ikaw ang nararapat na sumunod sa yapak ng reyna.” kumpiyansang paliwanag ni Althea. Magkahalong
saya at kaba naman ang naramdaman ni Prinsesa Manorah sa pahayag ng kaniyang pinsan.“Pero ang ganoong bagay ay wala pa sa aking isipan. Ipapaubaya ko na lamang ang trono sa aking mga nakatatandang kapatid. Si Zeus at Alora ang panganay kaya hindi na ako makikipag-agawan pa sa kanila pagdating trono ng kaharian.”
“Pero prinsesa, wala kang magagawa kapag ikaw ang pinili ng iyong inang reyna.”
“Ngunit Althea, alam kong hindi ako ang gusto niyang mamuno sa kaharian balang-araw.”
“Paano ka nakakasiguro prinsesa?”
“Dahil iyon ang nararamdaman ko. Ngunit wala naman iyong problema sa akin basta’t hindi si Alora ang napipisil niyang papalit sa kaniya dahil siguradong magkakagulo lang ang kaharian sa kaniyang pamumuno.” pahayag ng prinsesa na bahagyang nakapagpatawa
kay Althea.“Mukhang may punto ka Prinsesa. Alam nating magaling siyang magpasunod subalit
masyado siyang malupit.”“Ahm Althea, maaari ba akong may ipakiusap sayo?”
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AdventureSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...