Sa kaharian ng Vireo ay may isang malawak na silid na ginawang silid-aklatan ni Prinsesa Aleyah.
Kahit hindi halata ay mahilig talagang magbasa ng mga libro ang palaban na prinsesa. Nasa loob
siya ng silid, mag-isa at komportableng nagbabasa ng libro nang may marinig siyang kaluskos sa
kaniyang likuran kung kaya agad niya itong nilingon."Pasensiya na kapatid kung nagulat kita." mahinahong usal ng kapatid niyang si Prinsesa Manorah.
"Anong iyong sadya?" kalmado at seryosong tanong naman ng bunsong si Prinsesa Aleyah sa
mas nakatatanda niyang kapatid."Nais ko sanang humiram ng ilang aklat upang magbasa. Maaari ba?"
"Hindi naman ako madamot kaya sige lang. Kumuha ka lang ng libro at tiyaking ibabalik mo
rin dito nang maayos pagkatapos.""Walang problema, Aleyah. Salamat."
"Walang anuman." walang emosyong sagot ni Prinsesa Aleyah.
Natuwa si Prinsesa Manorah sa ipinakitang kabaitan ng kapatid. Ang totoo kasi ay nagiging
mahinahon lang si Prinsesa Aleyah sa tuwing mga libro ang pinag-uusapan. Ito rin ang madalas
nilang pagkasunduang magkapatid.Kaya sa tuwing may hindi pagkakaunawaan si Prinsesa
Manorah at Prinsesa Aleyah ay nagtutungo si Manorah sa silid-aklatan upang samahan si Aleyah sa
pagbabasa nang sa gayon ay magkaayos na sila.Pagkakuha ng ilang libro ay naupo na si Prinsesa
Manorah sa tabi ng kapatid at nagsimula nang magbasa. Noong una ay tahimik lang sila pareho
nang magbukas ng usapan ang bunsong si Prinsesa Aleyah."Mukhang napapadalas ka dito sa aking aklatan."
"Katulad mo Aleyah, mahilig rin akong magbasa."
"Mabuti. Akala ko ay ako lang ang nagpapahalaga sa mga libro."
"Makatutulong rin kasi minsan kapag bibitiwan muna natin ang ating mga sandata at
hahawak naman tayo ng libro para naman mailihis ang laman ng ating mga isip at hindi lang
palaging sa pakikipaglaban nakapokus. Matanong ko lang, paano ka nga pala nahilig sa
pagbabasa Aleyah?""Paano ako nahilig sa pagbabasa?"
"Ganun na nga."
"Hindi ko alam. Basta tuwing may libre akong oras ay inilalaan ko sa pagbabasa. Hindi ko rin
alam kung bakit ko ito ginagawa.""Pero kung ano man ang dahilan ay ipagpatuloy mo lang ang pagmamahal sa libro kapatid."
nakangiting bulalas ni Prinsesa Manorah."At bakit naman?"
"Kasi maayos kitang nakakausap sa tuwing naririto tayo sa aklatan. Ang silid na ito at ang
mga libro ang nagbubuklod sa ating dalawa. Hindi mo ba napapansin na kapag wala tayo dito
sa loob ng silid-aklatan ay palagi mo na lang akong tinatarayan at iniiwasan? Pero kapag
nandito tayo ay mahinahon ka lang at komportableng nakikipag-usap sa akin.""Nagkataon lang ang lahat ng ito Manorah. Hindi pa rin nito mababago ang katotohan na
ikaw ay isa rin sa aking mga katunggali." seryosong sagot ni Prinsesa Aleyah na tinawanan na
lamang ng mayuming si Prinsesa Manorah."Hindi ko rin iyon nakalilimutan kapatid ko. Masaya lang ako kapag nakikita kitang
mahinahon at hindi nagliliyab sa galit. Maganda kung dadalas-dalasan mo ang pananatili dito
sa silid-aklatan.""Walang kinalaman ang mga libro kung bakit ako nagiging mahinahon, Manorah."
"Maniwala ka man o hindi pero palagi kong inoobserbahan ang iyong ikinikilos at masasabi
kong sa tuwing may hawak kang libro ay nagiging kalmado ka."Humahangos namang pumasok sa silid-aklatan ang isang tauhan ni Prinsesa Aleyah.
"Prinsesa! May problema po tayo." balita ng isang tauhan ni Prinsesa Aleyah.
"Problema? Ano iyon?" tanong ni Prinsesa Aleyah kasabay ng pagsara niya sa librong kaniyang
hawak."Naharang ng mga bandido ang mga armas na inyong ipinakuha. Wala pong natirang
sandata na kahit isa.""Ano? Hindi ba at binalaan ko naman kayo na mag-iingat kayo sa mga tusong bandido!"
"Patawad mahal na prinsesa."
"Kailangan ba talagang palagi niyo na lang akong kasama para lang magtagumpay kayo?
Pero hindi na bale, may mga parating pa tayong armas sa isang araw. Yung mga ninakaw
naman ng mga rebelde, mababawi pa natin iyon. Kaya makakaalis ka na." kalmadong tugon ni
Prinsesa Aleyah sa kauna-unahang pagkakataon."Masusunod po." umalis na ang tauhan at napangiti naman si Prinsesa Manorah.
"At bakit ka naman nakangiti, Manorah?"
"Tama kasi ako."
"Tama saan?"
"Kita mo na. Hindi kita narinig na sumigaw kahit pumalpak ang ilan sa iyong mga tauhan.
Bakit? Kasi nga nandito tayo sa aklatan at may hawak kang libro. Natutulungan ka ng libro
upang maging kalmado kapatid ko." paliwanag ni Prinsesa Manorah kasabay ng pagbuklat niya
sa libro ng kaniyang kapatid upang magpatuloy na ito sa pagbabasa."Oo na. Tama ka na Manorah."
"Tiyak na matutuwa si ina kapag nalaman niyang libro lang pala ang magpapaamo sa
mapusok at palaban niyang anak.""Kung makapagsalita ka para bang problema lang palagi ang dala ko kay ina at sa kaharian."
pasimpleng natawa at sambit ni Prinsesa Aleyah na dinugtungan naman ng isa pang biro ni
Prinsesa Manorah."Sumobra ka naman doon kapatid. Hindi naman ganoon kalala ang ibig kong sabihin. Minsan
pala yayain mo rin dito si Alora at sabay kayong magbasa para naman hindi kayo palagi na
lang nagkakainitan at nag-aaway.""Magandang ideya, Manorah. Para dito ko siya mapagbabato ng mga libro kapag hindi ako
nakapagpasensiya sa kaniya.""Mapagbiro ka talaga Aleyah."
"Totoo ang aking sinasabi Manorah. Idikit mo na sa akin ang lahat, h'wag lang ang
nakatatanda nating kapatid na si Alora. Teka, kanina mo pa ako kinakausap. Hindi ko tuloy
matapos ang aking binabasa.""Sinusulit ko lang ang bawat minuto na pwede kitang makausap nang maayos dahil mamaya,
paniguradong hindi mo na naman ako papansinin." huling pahayag ni Prinsesa Manorah bago
siya nagpatuloy muli sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
"PRINSESA ALEYAH"
AdventureSa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang K...